Sangguniang Kabataan ng Brgy. Tabigue

Directions

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Tabigue Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan ng Brgy. Tabigue, Youth Organization, Tabigue, Boac.

"YOUTH VOTERS EDUCATION "Nagpapasalamat po kami sa Municipal of Social Welfare and Development Office sa pagsasagawa ng ...
13/06/2026

"YOUTH VOTERS EDUCATION "

Nagpapasalamat po kami sa Municipal of Social Welfare and Development Office sa pagsasagawa ng isang Youth Voters Education Program para sa mga kabataan dito sa ating barangay. Hatid po nila na mapalawak ang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pagboto at pagiging responsableng mamamayan.

‎Nagpapasalamat po kami kina Sir Joven Jinang at Kay Ma'am Krista Mendiola, na nagbahagi ng mahahalagang impormasyon at gabay para sa mga kabataan.

Nagpapasalamat din po kami Kay Sir Kristopher Olympia mula sa Commission on Elections tungkol sa proseso ng pagpaparehistro ng mga bagong botante at mga kinakailangang hakbang upang maging rehistradong botante.

‎Maraming salamat din po sa lahat ng kabataang dumalo, nakinig, at aktibong nakilahok sa programa. Nawa’y maging inspirasyon ito upang mas maging mulat at responsable ang bawat isa sa kanilang mahalagang papel sa pagpili ng mga susunod na lider ng ating bayan.🙌

‎

Happy birthday kap!Isang taos-pusong pagbati sa ating masipag at mapagkalingang Kapitana, Donna C. Miraflor. 🥳🎉Ang inyon...
05/06/2026

Happy birthday kap!

Isang taos-pusong pagbati sa ating masipag at mapagkalingang Kapitana, Donna C. Miraflor. 🥳🎉

Ang inyong dedikasyon, sipag, at tapat na paglilingkod sa ating barangay ay tunay na inspirasyon sa bawat mamamayan.✨

Maraming salamat po sa inyong walang sawang pagsisikap upang mapanatili ang kaayusan, kaunlaran, at pagkakaisa ng ating komunidad. Nawa'y patuloy kayong pagpalain at gabayan sa inyong pamumuno. 🎉👏✨

Isang taos-pusong pagbati mula sa Sangguniang Kabataan Officials ng Barangay Tabigue sa lahat ng nagsipagtapos ngayong t...
29/05/2026

Isang taos-pusong pagbati mula sa Sangguniang Kabataan Officials ng Barangay Tabigue sa lahat ng nagsipagtapos ngayong taon! 🎓

Ang inyong tagumpay ay bunga ng sipag, tiyaga, at pagsusumikap. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang lalo pa ninyong abutin ang inyong mga pangarap at maging mabuting halimbawa sa ating kabataan at komunidad.

Ipagpatuloy ninyo ang inyong dedikasyon at huwag titigil sa pag-abot ng tagumpay. Kami ay lubos na proud sa inyong lahat!
Muli, congratulations graduates! 🎉


Isang taos-pusong pagbati kina SK member Joshua Andrei Yamba, na matagumpay na nagtapos ng kursong Bachelor of Science i...
28/05/2026

Isang taos-pusong pagbati kina SK member Joshua Andrei Yamba, na matagumpay na nagtapos ng kursong Bachelor of Science in Law Enforcement Administration at SK member Henard Mejico, na nagtapos ng Bachelor in Business Administration Major in Financial Management. 🎓

Ang inyong tagumpay ay bunga ng walang sawang pagsisikap, dedikasyon, at pagtitiyaga sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Nawa’y magsilbi kayong inspirasyon sa kabataan at maging huwaran ng sipag at determinasyon sa ating komunidad.

Dalangin namin ang inyong patuloy na tagumpay at pag-unlad sa landas na inyong tatahakin. Muli, taos-pusong pagbati sa inyong makabuluhang tagumpay. 👏✨


26/05/2026

Magandang araw po sa ating lahat!🙌

Sa ngalan ng Sangguniang Kabataan, isang masayang pagbati sa ating minamahal na Barangay Tabigue sa pagdiriwang ng ating pista! 🎉🎉🎉

Nawa’y maging masaya, ligtas, at makabuluhan ang selebrasyong ito para sa bawat pamilya at kabataan ng ating barangay. Patuloy sana nating ipakita ang pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahalan bilang isang komunidad.

Maraming salamat po sa lahat ng nakikiisa at sumusuporta sa mga aktibidad ng ating barangay. Mabuhay ang kabataan, mabuhay ang Barangay Tabigue!

🎊 Viva Fiesta! 🎊

MAINIT NA ANG LABANAN!🏐🔥📅 May 25, 2026📍 Tabi Covered CourtHanda na ba kayong sumigaw at maki-cheer? 📣🔥Dahil ngayong araw...
25/05/2026

MAINIT NA ANG LABANAN!🏐🔥
📅 May 25, 2026
📍 Tabi Covered Court

Handa na ba kayong sumigaw at maki-cheer? 📣🔥
Dahil ngayong araw, matutunghayan ang matinding bakbakan sa volleyball court! 💪🏽🏐

🥉 BATTLE FOR 3RD PLACE
⚔️ POBLA 🆚 ZONE 2
📌 Best of 5 Sets

🏆 CHAMPIONSHIP MATCH
⚔️ TABIGUE 🆚 ZONE 5&6
📌 Best of 7 Sets

Isang laban, isang karangalan, isang kampeon ang mananaig! 👑
Wag palampasin ang dikdikan at bardagulang laro mamaya!

Supportahan ang inyong team hanggang sa huling puntos!

🎤💃 Barangay Tabigue Singing and Dance Contest 2026 🕺🎶Napakasaya talaga dito sa Tabigue tuwing nalalapit ang kapistahan! ...
22/05/2026

🎤💃 Barangay Tabigue Singing and Dance Contest 2026 🕺🎶

Napakasaya talaga dito sa Tabigue tuwing nalalapit ang kapistahan! Dito mo tunay na makikita ang mga ngiti, tawanan, at galak sa mukha ng bawat manonood. Walang makikitang malungkot dahil lahat ay napapasaya ng mga talento at kasiyahang hatid ng programa. Napakagandang pagmasdan ang pagkakaisa at saya ng buong barangay. ❤️


21/05/2026

‎The Sangguniang Kabataan of Barangay Tabigue extends its sincere gratitude to all players, teams, coaches, officials, sponsors, and supporters who contributed to the success of the Brgy Tabigue, Basketball Inter Color, Basketball Inter-Purok and Volleyball Interpurok. Your participation, teamwork, and sportsmanship made this event meaningful and successful.
‎
‎We also proudly congratulate the winning teams:
‎
‎Basketball Kids Intercolor
‎🏆 Champion — Black Team
‎🥈 1st Runner-Up — White Team
‎
‎Basketball Boys Intercolor
‎🏆 Champion — White Team
‎🥈 1st Runner-Up — Yellow Team
‎🥉 2nd Runner-Up — Black Team
‎
‎Basketball Boys Inter-Purok
‎🏆 Champion — Purok Kilyawan
‎🥈 1st Runner-Up — Purok Pipit
‎🥉 2nd Runner-Up — Purok Adarna
‎
‎Volleyball Girls Inter-Purok
‎🏆 Champion — Purok Kilyawan
‎🥈 1st Runner-Up — Purok Kulasisi
‎🥉 2nd Runner-Up — Purok Maya
‎
‎Volleyball Boys Interpurok
‎🏆 Champion — Purok Maya
‎🥈 1st Runner-Up — Purok Kilyawan
‎
‎Congratulations to all participants for showcasing unity, determination, and camaraderie throughout the tournament. Thank you for making this league a success.
‎
‎Proud Kami sa inyong lahat.
‎Maraming maraming salamat po!🙌
‎

Winner of the Game🏆🎉🏀TEAM KANOR🏆🎉🏀Anong saya baya dine sa TABIGUE pag may ganire!Talagang makikita mo sa mga mukha ang g...
19/05/2026

Winner of the Game🏆🎉🏀

TEAM KANOR🏆🎉🏀

Anong saya baya dine sa TABIGUE pag may ganire!

Talagang makikita mo sa mga mukha ang galak, sigaw, at ngiti sa labi ng mga manonood. Napakasarap pagmasdan ang pagkakaisa at saya ng bawat isa. Dito mo tunay na mararamdaman ang init ng samahan at suportahan ng buong komunidad.

Maraming Salamat po Kay Kapitana Donnah Cesista Miraflor na walang sawang pagsuporta at Sa HERMANO at HERMANA ng taon

Maraming Salamat po sa inyo🙌

Handa na ba kayo sa matindingbakbakan?🏀Halina’t manood at makisaya sa laban ng koponan ng team Kanor at team Pantog,Sigu...
18/05/2026

Handa na ba kayo sa matinding
bakbakan?🏀

Halina’t manood at makisaya sa laban ng koponan ng team Kanor at team Pantog,
Siguradong puno ng aksyon, galing, at exciting na laro ang inyong masasaksihan.
Suportahan ang inyong paboritong koponan at makiisa sa saya ng liga! 🔥💪

Address

Tabigue
Boac
4900

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan ng Brgy. Tabigue posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share