31/08/2026
Sa bawat kalayaang ating tinatamasa, may sakripisyong mananatili sa ating alaala.
Sa bawat pangarap para sa bayan na ating isinasabuhay, may mga bayaning unang nangarap, lumaban at buong tapang na nag-alay.
Ngayong National Heroes Day, ating bigyang-halaga ang kanilang mga pangalan, paninindigan, at mga pangarap para sa bayan.
Hindi man natin nasaksihan ang kanilang laban, tayo ang patunay na hindi nasayang ang kanilang sakripisyo.
Nawa’y ang kanilang kabayanihan ay manatiling buhay—hindi lamang sa ating alaala, kundi sa paraan ng ating pagmamahal at paglilingkod sa Pilipinas.
Para sa mga bayani. Para sa bayan. Para sa susunod na henerasyon.