Association of Langkiwa Youth Volunteers

Directions Contact the organization

Association of Langkiwa Youth Volunteers Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Association of Langkiwa Youth Volunteers, Community Organization, Southville 5A Brgy. Langkiwa, Binãn.

𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗛𝗜𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗧𝗢 𝗙𝗨𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗛𝗜𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬-𝗠𝗔𝗞𝗘𝗥Isang mainit at taos-pusong pagbati kina Kuya Ken at Sonny sa matagumpay ...
04/10/2026

𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗢𝗙 𝗛𝗜𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗧𝗢 𝗙𝗨𝗧𝗨𝗥𝗘 𝗛𝗜𝗦𝗧𝗢𝗥𝗬-𝗠𝗔𝗞𝗘𝗥

Isang mainit at taos-pusong pagbati kina Kuya Ken at Sonny sa matagumpay na pagtatapos sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Social Studies sa Polytechnic University of the Philippines.

Ang inyong pagtatapos ay isang tagumpay na nararapat ipagdiwang at ipagmalaki. Congratulations sa dalawang bagong G**o na ngayon ay handa nang gamitin ang kanilang kaalaman at kakayahan para maging inspirasyon at gabay ng susunod na henerasyon.

Mula sa PUP hanggang sa inyong susunod na hakbang, nawa'y patuloy ninyong dalhin ang sipag, husay, at malasakit na naging bahagi ng inyong paglalakbay bilang mga future educators.

Congratulations, Kuya Sonny and Ken!

𝗬𝗼𝘂 𝗱𝗶𝗱 𝗶𝘁! 𝗣𝗿𝗼𝘂𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗯𝗲𝘆𝗼𝗻𝗱 𝗵𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗮𝗺𝗮𝘇𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗰𝗵𝗶𝗲𝘃𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁!


𝗠𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮, 𝗺𝗮𝘆 𝗜𝗧 𝗽𝗮!Taos pusong pagbati sa ating dalawang kahanga hanga at masisipag na ate na matagumpay na nak...
11/09/2026

𝗠𝗮𝘆 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮, 𝗺𝗮𝘆 𝗜𝗧 𝗽𝗮!

Taos pusong pagbati sa ating dalawang kahanga hanga at masisipag na ate na matagumpay na nakapagtapos ng kanilang pag aaral. Sa bawat puyat, pagsubok, deadline, at hamon na kanilang hinarap, pinatunayan nilang ang sipag, tiyaga, at determinasyon ay tunay na susi tungo sa tagumpay.

Isang malaking milestone ang kanilang pagtatapos bilang Marketing Management at Information Technology graduates mula sa Cavite State University – Carmona Campus.

𝗠𝗔𝗥𝗜𝗘 𝗝𝗢 𝗗. 𝗣𝗔𝗕𝗘𝗟𝗟𝗢, 𝗖𝗠𝗠𝗦
Bachelor of Science in Business Management
Major in Marketing Management

𝗖𝗥𝗜𝗦𝗧𝗟𝗘 𝗣𝗔𝗥𝗔𝗦 𝗢𝗥𝗧𝗘𝗚𝗔
Bachelor of Science in Information Technology

Mula sa pagiging estudyante hanggang sa pagiging ganap na propesyonal, dala nila ang kaalaman, kakayahan, at mga pangarap na magsisilbing gabay sa panibagong yugto ng kanilang buhay.

Ngayon, masasabi na natin: 𝗚𝗿𝗮𝗱𝘂𝗮𝘁𝗲 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗮𝘁𝗲! Isang tagumpay na karapat dapat ipagdiwang at isang inspirasyong patunay na ang bawat pagsisikap ay may magandang patutunguhan.

Congratulations, Majo and Cristle!
𝗣𝗿𝗼𝘂𝗱 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼! 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗶𝘀 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗯𝗲𝗴𝗶𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗮 𝗴𝗿𝗲𝗮𝘁𝗲𝗿 𝗷𝗼𝘂𝗿𝗻𝗲𝘆!


𝗘𝘂𝗿𝗼𝗽𝗲 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗲 𝗳𝗮𝗿, 𝗯𝘂𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗱𝗿𝗲𝗮𝗺 𝗶𝘀 𝗳𝗶𝗻𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗵𝗲𝗿𝗲!Taos-pusong pagbati kay Laurence C. Sumapig sa pagtatapos ng BS Interna...
02/09/2026

𝗘𝘂𝗿𝗼𝗽𝗲 𝗺𝗮𝘆 𝗯𝗲 𝗳𝗮𝗿, 𝗯𝘂𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗱𝗿𝗲𝗮𝗺 𝗶𝘀 𝗳𝗶𝗻𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗵𝗲𝗿𝗲!

Taos-pusong pagbati kay Laurence C. Sumapig sa pagtatapos ng BS International Studies Major in European Studies!

Sa dami ng deadlines, puyat, at “kaya ko pa ba?”, nalagpasan mo rin! Pinatunayan mong kayang pagsabayin ang pag-aaral, paglilingkod, at pangarap.

From student to graduate—your European journey starts now!

Congratulations, Kuya Laurence! The degree is earned, and the adventure begins!



𝘼𝙇𝙔𝙑 𝙅𝙊𝙄𝙉𝙎 𝙎𝙆 𝙇𝘼𝙉𝙂𝙆𝙄𝙒𝘼 𝙆𝙆 𝘼𝙎𝙎𝙀𝙈𝘽𝙇𝙔Muling nakiisa ang Association of Langkiwa Youth Volunteer (ALYV) sa isinagawang Katip...
04/07/2026

𝘼𝙇𝙔𝙑 𝙅𝙊𝙄𝙉𝙎 𝙎𝙆 𝙇𝘼𝙉𝙂𝙆𝙄𝙒𝘼 𝙆𝙆 𝘼𝙎𝙎𝙀𝙈𝘽𝙇𝙔

Muling nakiisa ang Association of Langkiwa Youth Volunteer (ALYV) sa isinagawang Katipunan ng Kabataan (KK) Assembly na pinangunahan ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Langkiwa, na ginanap sa Biñan City Senior High School – West Campus.

Sa naturang pagtitipon, aktibong nakibahagi ang mga kabataan sa talakayan sa pamamagitan ng pakikinig at pagtatanong tungkol sa mga programa, proyekto, at serbisyong ipinatutupad ng Sangguniang Kabataan para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan. Ipinakita ng kanilang aktibong pakikilahok ang patuloy na pagnanais na maging mulat at makiisa sa mga usaping pangkabataan at pangkomunidad.

Isa sa mga naging makabuluhang bahagi ng programa ang pagbabahagi ng pasasalamat ng ilang kasalukuyang opisyal ng Sangguniang Kabataan sa ALYV. Ayon sa kanila, ang ALYV ang kauna-unahang organisasyon sa kanilang pamayanan na humubog sa kanilang kakayahan sa pamumuno, nagpatibay ng kanilang diwa ng bolunterismo, at nagsilbing inspirasyon upang tahakin ang landas ng tapat at buong pusong paglilingkod sa bayan.

Ang pagkilalang ito ay patunay sa patuloy na misyon ng ALYV na maghubog ng mga kabataang may malasakit, integridad, at kahandaang maging mga lider na magsisilbi para sa ikabubuti ng komunidad.



May mga pagmamahal na hindi laging nasasambit, ngunit araw araw na ipinapakita sa bawat sakripisyo, pagod, at walang saw...
21/06/2026

May mga pagmamahal na hindi laging nasasambit, ngunit araw araw na ipinapakita sa bawat sakripisyo, pagod, at walang sawang pagsisikap.

Ngayong Father's Day, ipinagdiriwang natin ang mga ama na naging gabay, lakas, at inspirasyon ng kanilang pamilya. Salamat sa inyong walang kapantay na pagmamahal, matatag na pag aaruga, at sa lahat ng pagkakataong inuuna ninyo ang kapakanan ng mga mahal ninyo sa buhay.

Sa lahat ng tatay, daddy, papa, lolo, at sa mga tumayong ama, ipinapaabot namin ang taos pusong pasasalamat at pagpupugay.

Happy Father's Day!



𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗽𝗿𝗼𝗳𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮, 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿 𝗽𝗮! 𝗜𝗯𝗮 𝗸𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮, 𝗕𝗙𝗙! Taos-pusong pagbati sa ating masipag at dedikadong volunt...
20/06/2026

𝗛𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹𝗶𝘁𝘆 𝗽𝗿𝗼𝗳𝗲𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗻𝗮, 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿 𝗽𝗮! 𝗜𝗯𝗮 𝗸𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮, 𝗕𝗙𝗙!

Taos-pusong pagbati sa ating masipag at dedikadong volunteer, Janxenth A. Janoras, sa matagumpay na pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Hospitality Management!

Sa bawat oras na inilaan mo sa paglilingkod sa komunidad at sa bawat pagsubok na hinarap mo sa iyong pag-aaral, ipinakita mong kayang pagsabayin ang pagiging responsableng estudyante at tunay na lingkod-bayan. Ang iyong dedikasyon, sipag, at malasakit ay nagsilbing inspirasyon sa marami.

Nawa'y maging simula ito ng mas marami pang tagumpay sa iyong buhay. Patuloy kang maging inspirasyon at huwag titigil sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

Muli, taos-pusong pagbati, Kuya! Ipinagmamalaki ka namin.



“Ipinanganak ang tao na pare-parehong hubad at walang tali. Hindi sila nilikha ng Diyos upang maalipin, hindi binigyan n...
12/06/2026

“Ipinanganak ang tao na pare-parehong hubad at walang tali. Hindi sila nilikha ng Diyos upang maalipin, hindi binigyan ng isip upang magpabulag, at hindi biniyayaan ng katwiran upang malinlang ng iba.”
— Dr. Jose Rizal

Ngayong pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, ating gunitain at parangalan ang kabayanihan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno na buong tapang na nakipaglaban upang makamit ang kalayaan na ating tinatamasa ngayon.

Nawa'y magsilbi itong paalala na ang tunay na kalayaan ay hindi lamang isang karapatang tinatamasa kundi isang pananagutang dapat pangalagaan at ipagpatuloy para sa susunod na henerasyon. Gamitin natin ang ating kalayaan upang ipahayag ang ating sarili, isulong ang kabutihan, at maging instrumento ng positibong pagbabago sa ating komunidad at bansa.

Maligayang ika-128 Araw ng Kalayaan, Pilipinas! 🇵🇭




𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀𝗳𝗲𝘀𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲Isang masaya at makabuluhang araw ang nangyari sa mga kinatawan ng Association of Langkiwa ...
11/06/2026

𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 𝗥𝗲𝗴𝗶𝗼𝗻 𝗦𝗽𝗼𝗿𝘁𝘀𝗳𝗲𝘀𝘁 𝟮𝟬𝟮𝟲

Isang masaya at makabuluhang araw ang nangyari sa mga kinatawan ng Association of Langkiwa Youth Volunteers (ALYV) sa pagdalo sa JCI Philippines Sportsfest 2026 na ginanap noong Hunyo 7, 2026 na idinaos sa Lake Shore Colleges.

Higit pa sa kompetisyon, naging pagkakataon din ang Sportsfest upang makabuo ng bagong pagkakaibigan, mapalawak ang ugnayan sa iba’t ibang organisasyon, at maitaguyod ang kahalagahan ng aktibong pakikilahok ng kabataan sa mga gawaing pampamayanan. Ang bawat laro ay nagsilbing paalala na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa tropeo o medalya, kundi sa pagkakaisang nabubuo at mga aral na naiiwan sa bawat kalahok.

Patuloy na pinatutunayan ng Association of Langkiwa Youth Volunteers na ang paglilingkod ay hindi lamang nakikita sa mga proyekto at programa, kundi maging sa mga gawaing nagtataguyod ng sportsmanship, camaraderie, at youth empowerment. Mabuhay ang kabataang handang maglingkod, mamuno, at makiisa para sa mas maunlad na komunidad!



𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗘𝗥 𝗧𝗢 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥Masayang nakibahagi ang mga kinatawan ng Association of Langkiwa Youth Volunteers (ALYV) sa Laguna...
11/06/2026

𝗙𝗥𝗢𝗠 𝗟𝗘𝗔𝗥𝗡𝗘𝗥 𝗧𝗢 𝗟𝗘𝗔𝗗𝗘𝗥

Masayang nakibahagi ang mga kinatawan ng Association of Langkiwa Youth Volunteers (ALYV) sa Laguna Regional Training na may temang “From Learner to Leader” na inorganisa ng JCI Calamba Jose Rizal at JCI San Pablo 7 Lakes noong Hunyo 6, 2026 sa Lungsod ng San Pablo.

Nagbigay ang pagsasanay na ito ng mahahalagang kaalaman at karanasan na makatutulong sa paghubog ng mas epektibo, matatag, at responsableng mga lider para sa komunidad.

Bilang mga kabataang boluntaryo, baon ng mga kinatawan ng ALYV ang mga aral at inspirasyong kanilang natutunan mula sa pagsasanay na ito. Patuloy nilang isasabuhay ang mga natamong kaalaman upang maging mas mahusay na mga lider at mas makabuluhang lingkod ng komunidad.

Maraming salamat sa JCI Calamba Jose Rizal at JCI San Pablo 7 Lakes sa pagkakataong matuto, lumago, at maging handa sa mas malaking responsibilidad bilang mga lider ng kinabukasan.

�
�
�

𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲�𝘉𝘢𝘺𝘢𝘯𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘕𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘢𝘺𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘒𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯Matagumpay na nakibahagi ang Associati...
11/06/2026

𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲�
𝘉𝘢𝘺𝘢𝘯𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘗𝘢𝘢𝘳𝘢𝘭𝘢𝘯 𝘕𝘢𝘨𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘒𝘢𝘢𝘺𝘶𝘴𝘢𝘯 𝘢𝘵 𝘒𝘢𝘢𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯

Matagumpay na nakibahagi ang Association of Langkiwa Youth Volunteers sa ikatlo at huling araw ng Brigada Eskwela 2026 ng Southville 5A Integrated National High School.

Bilang pagtatapos ng tatlong araw na bayanihan, ipinagpatuloy ng mga boluntaryo ang kanilang suporta sa mga gawain ng paaralan at nakiisa sa ginanap na awarding ceremony bilang pagkilala sa mga organisasyon at indibidwal na naglaan ng oras, lakas, at serbisyo para sa tagumpay ng Brigada Eskwela 2026.

Taos-puso naming pinasasalamatan ang Southville 5A Integrated National High School sa pagkilala at sa pagkakataong maging bahagi ng programang ito. Lubos din ang aming pasasalamat kay Ma’am Mildred D. Diña sa kanyang pamumuno at sa patuloy na pagsusulong ng mga programang nagpapalakas ng ugnayan ng paaralan at komunidad.

Ang pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat isa ay patunay na mas marami tayong magagawa para sa edukasyon kapag sama-sama tayong kumikilos para sa iisang layunin.
Sama-sama nating ipagpatuloy ang diwa ng bayanihan para sa mas maliwanag na kinabukasan ng kabataan.

�
�

Address

Southville 5A Brgy. Langkiwa
Biñan
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Association of Langkiwa Youth Volunteers posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Association of Langkiwa Youth Volunteers:

Shortcuts

Share

Nearby non profit organizations