09/30/2026
Kilala niyo ba si Larry Itliong?
Si Larry Itliong ay isang Pilipinong magsasaka at labor leader ng kilusang manggagawa. Dahil sa matapang na pakikibaka ni Larry Itliong upang makamit ang mga karapatan ng mga manggagawa, nabago ang kabuhayan ng mga magsasaka sa Amerika.
Noong 1965, pinangunahan niya ang Great Delano Grape Strike upang ipaglaban ang makatarungang sahod at mas maayos na kondisyon sa trabaho para sa mga magsasaka. Ang makasaysayang limang-taong boycott na ito ay nakatulong sa pagkamit ng mga unang kontrata ng unyon at mahahalagang proteksiyon para sa daan-daang magsasaka sa U.S.
Sa Pilipino Workers Center, pinararangalan namin ang kanyang pamanang kasaysayan sa pamamagitan ng edukasyon, sining, musika, at kultura habang ipinagdiriwang natin ang taunang Larry Itliong Day Festival.
Samahan ninyo kami sa Oktubre 10 sa San Diego at Oktubre 24 sa Los Angeles habang kinikilala natin ang mahalagang ambag ni Larry Itliong sa kilusang paggawa.
Alamin ang istorya ng mga manong at ng iba pang magsasaka at lider ng mga unyon. Tuklasin natin ang mga istorya ng pakikibaka at mga sakripisyo nila, na siyang naging daan sa pagsusulong ng mga karapatan ng mga magsasaka at iba pang mga manggagawa. Pakinggan ang ating magkatuwang na kasaysayan mula sa mga kamag-anak mismo ng mga lider ng unyon at grupo ng mga farmworker na tumulong sa paghubog ng kilusan.
Alamin din kung paano masusuportahan ang mga manggagawang patuloy na nakararanas ng hindi patas na pagtrato at kawalang-katarungan sa lugar ng trabaho.
Ipagpatuloy natin ang mga adhikain na sinimulan ni Manong Larry at ating ipaglaban ang ating katarungan, karapatan at kasaysayan! Samahan niyo kami sa Larry Itliong Day Festival 2026!
Tayo na sa LID 2026! Mag-register na, Libre ito!
San Diego: www.pwcsc.org/lidsd2026
Los Angeles: www.pwcsc.org/lidla2026
LID San Diego
Oct 10, 2026, 11AM - 4PM
Montevalle Park, Chula Vista, CA
LID Los Angeles
Oct 24, 2026, 10AM - 3PM
Bresee Foundation
Los Angeles, California