14/07/2026
Paanyaya sa Lahat ng Taga-Barangay Mataywanac π£π£
Malugod po naming inaanyayahan ang lahat na makiisa sa pagdating at pagdalaw ni Santo Vicente Ferrer sa ating Barangay Chapel. Maari po kayong dumalaw at mag-alay ng panalangin ngayon buong gabi hanggang bukas ng umaga. βͺπ€²π»
Bukas po ay mayroong gaganaping Banal na Misa sa ganap na 9:00 am, Hulyo 15, 2026. Para po sa nais na magpamisa, pumunta lamang po kayo dito sa ating chapel bago po magsimula misa. Itong Banal na misa po ay gaganapin bago natin muling ihatid ang ating mahal na patron San Vicente Ferrer pabalik sa ating simbahan. Nawa'y marami po ang makadalo sa Banal na Misa at paghatid natin sa ating patron.
Nawa'y maging pagkakataon ang Kanyang pagdalaw upang sama-sama nating idalangin ang walang humpay na pag-gabay, pagpapala, at biyayang ipagkaloob ng Diyos sa ating mga pamilya at sa buong Barangay Mataywanac. ππ»βοΈ
Sama-sama po tayong magbigay-pugay at makiisa sa banal na pagdiriwang. Maraming salamat at pagpalain tayong lahat. ππ€