Masapinit Youth Club

Masapinit Youth Club Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Masapinit Youth Club, Nonprofit Organization, Masapinit, Toong, Batangas, Tuy.

30/08/2026

una-unahan na naman maniba ng saging nang may sagingan ang mga idol ko

29/08/2026

โš ๏ธ PAALALA โš ๏ธ

Ngayon pong maulan, manatili muna tayo sa ating mga tahanan upang masiguradong ligtas. Huwag na rin tangkain na hulihin ang manok ng kapitbahay at baka madulas pa.

Salamat po sa pagsunod!

GOOD LUCK TEAM MASAPINIT! FINALS NA! ๐Ÿ’šLABAN PARA SA KAMPEONATOLABAN PARA SA SITIOIto na ang huling laban! Dala niyo ang ...
27/08/2026

GOOD LUCK TEAM MASAPINIT! FINALS NA! ๐Ÿ’š

LABAN PARA SA KAMPEONATO
LABAN PARA SA SITIO

Ito na ang huling laban! Dala niyo ang pangalan ng ating Sitio โ€” kaya ibigay niyo ang lahat! Ang buong lugar ay sumusuporta sa inyo, bawat isa ay naniniwala na kaya niyong manalo! ๐Ÿ’ช

Huwag bibitaw, laban lang hanggang dulo. Ipakita niyo kung ano ang kayang gawin ng Masapinit. Dalhin niyo pauwi ang tropeo! ๐Ÿ†

โ›ฐ๏ธ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—œ๐—ž๐—˜๐—ฅ๐—ฆโ€ผ๏ธ๐Ÿ“ขMaligayang pagdating po sa ๐™ˆ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™ฉ ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฉ! Upang mapanatili ang kaayusan at kaganda...
01/02/2026

โ›ฐ๏ธ ๐—ฃ๐—”๐—”๐—Ÿ๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฃ๐—ข ๐—ฆ๐—” ๐—”๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐— ๐—š๐—” ๐—›๐—œ๐—ž๐—˜๐—ฅ๐—ฆโ€ผ๏ธ๐Ÿ“ข

Maligayang pagdating po sa ๐™ˆ๐™ค๐™ช๐™ฃ๐™ฉ ๐™ˆ๐™–๐™จ๐™–๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™ฉ! Upang mapanatili ang kaayusan at kagandahan ng ating kalikasan at ang kabuhayan ng mga lokal dito, pakiusap na sundin ang mga sumusunod:

โ€ข ๐™„๐™จ๐™–๐™ง๐™– ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™–๐™ ๐™ค๐™™๐Ÿšช
Tiyaking laging nakasara ang mga bakod pagkapasok o pagkalabas. May mga alagang baka at hayop ang mga residente rito. Kapag naiwang bukas ang bakod, maaari silang makalabas, maligaw, o mapahamak.

โ€ข ๐™ƒ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™œ ๐™Ž๐™ž๐™ง๐™–๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™œ๐™– ๐™ƒ๐™–๐™ง๐™–๐™ฃ๐™œ๐Ÿšซ
Ang mga bakod o harang ay itinayo para sa seguridad ng bundok at ng mga hayop. Iwasang upuan, tapakan, o sirain ang mga ito. Respetuhin natin ang pag-aari ng mga komunidad sa paligid.

โ€ข ๐™‹๐™–๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ก๐™ž๐™๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™†๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™–๐™ฃ (๐™‡๐™š๐™–๐™ซ๐™š ๐™‰๐™ค ๐™๐™ง๐™–๐™˜๐™š)๐Ÿ—‘
- Dalahin pababa ang inyong sariling basura.
- Huwag mag-iwan ng anumang plastik, bote, o balot ng pagkain sa trail.
- Panatilihing malinis ang ating kapaligiran para sa susunod na mga bisita.

Para na din po sa mga nagpa-park ng ating mga sasakyan, mangyaring i-park po natin ito ng maayos upang hindi po nakakasagabal sa ibang dumadaan.
Maging responsable at disiplinadong hiker po tayo.

At para po sa mga taong naninira, nambubutas o namf-flat ng mga gulong ng sasakyan, kung wala po tayong gagawing mabuti at alam nating hindi makakatulong sa iba, lagi lang po nating tatandaan na kapag sa'yo ginawa matutuwa ka ba? Kung hindi, 'wag mong gawin sa iba.

Kindness costs nothing, yet it can mean everything.

Thank you and God bless everyone!๐Ÿค

Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. Palaging mag-iingat at panatilihing ligtas ang ating pag-ahon! ๐Ÿคโ˜๐Ÿป

๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐โ€ผ๏ธโ€‹"๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ."โ€‹Isang mapagp...
03/01/2026

๐๐€๐’๐€๐’๐€๐‹๐€๐Œ๐€๐“ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐€๐“๐€๐†๐”๐Œ๐๐€๐˜ ๐๐€ ๐Š๐€๐๐ˆ๐’๐“๐€๐‡๐€๐โ€ผ๏ธ

โ€‹"๐˜ˆ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข๐˜ช๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜บ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ด๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ช๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜จ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฑ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ช๐˜ธ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ."

โ€‹Isang mapagpalang araw sa ating lahat!

โ€‹Ang aming puso ay umaapaw sa kagalakan dahil sa tagumpay ng ating katatapos lamang na kapistahan. Sa kabila ng pag-ulan at hamon ng panahon, nanaig ang ating pagkakaisa at pananampalataya.

โ€‹Nais naming ipaabot ang aming Taos-Pusong Pasasalamatโ€”
โ€‹Kay ๐—ž๐˜‚๐˜†๐—ฎ ๐—”๐—บ๐—ฏ๐—ฒ๐˜ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ผ (๐—•๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฆ๐˜‚๐—ด๐—ฎ๐—ฟ๐—ผ๐—น), maraming salamat sa iyong dedikasyon at sakripisyo upang mairaos nang maayos ang lahat ng ating mga gawain. Hindi po magiging madali ang pagdiriwang na ito kung wala ang tulong niyo.

โ€‹Sa mga Kabataan: Sa pamumuno ng ating presidente na si ๐—๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ป๐—ฒ ๐—Ÿ๐—ฎ๐˜† ๐— ๐—ฒ๐—ป๐—ฑ๐—ผ๐˜‡๐—ฎ, sa inyong sipag, sigla, at pagv-volunteer mula umpisa hanggang matapos ang ating pagdiriwang.

โ€‹Sa Katandaan, Kapisanan, at mga Pinuno: Sa pangunguna ng ating presidente na si kuya ๐—˜๐—น๐—บ๐—ผ ๐— ๐—ฎ๐—ด๐—ฏ๐˜‚๐—ผ, maraming salamat sa inyong walang sawang gabay at suporta na nagsilbing pundasyon ng ating selebrasyon.

โ€‹Sa ating mga Lingkod Bayan:
Sa ating kagalang-galang na Mayor, โ€‹๐— ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ฟ ๐—๐—ฒ๐˜† ๐—–๐—ฒ๐—ฟ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฑ๐—ผ, maraming salamat po sa inyong suporta. Gayundin sa ating butihing konsehal ng bayan, โ€‹โ€‹๐—ž๐—ผ๐—ป๐˜€๐—ฒ๐—ต๐—ฎ๐—น ๐—ฅ๐—ผ๐˜€๐—ฒ๐—น๐—ถ๐—ผ "๐—ง๐—ฟ๐—ผ๐˜†" ๐—•๐—ฎ๐—น๐—ฏ๐—ฎ๐—ฐ๐—ฎ๐—น, salamat po sa inyong pagdalo at sa patuloy na pagtulong, gayundin sa pagbibigay ng ating mga trophies.

โ€‹Sa ating mga Sponsors at Partners: Sa mga nagbigay para sa ating mga Pamisa at Palaro, gayundin sa Pamunuan ng Peryahan sa inyong malasakit at pameryenda para sa ating committee. Sa lahat ng mga nagpaabot at nagbigay ng kanilang kontribusyo at sa lahat ng mga taong nasa likod ng pagdiriwang na ito. Maraming-maraming salamat po.

โ€‹Higit sa lahat, sa inyong lahat na nakiisa at dumaloโ€”ang inyong presensya ang tunay na nagbigay-kulay sa ating kapistahan. Hindi po magiging posible ang tagumpay na ito kung wala ang inyong pakikipagtulungan.

โ€‹Muli, maraming salamat at pagpalain tayong lahat ng Poong Maykapal!๐Ÿค

โ€‹

Address

Masapinit, Toong, Batangas
Tuy
4214

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Masapinit Youth Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share