10/10/2026
𝗧𝗔𝗟𝗔𝗦𝗔𝗡 ’𝟮𝟲 | 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡
Sa gitna ng panunupil at kawalang-katarungan, patuloy na naninindigan ang kabataan, tangan ang kaalaman, kritikal na kamalayan, at sama-samang pagkilos bilang mga sandata sa pagsusulong ng isang makatarungan at makataong lipunan.
Bilang bahagi ng pagtataguyod ng makabuluhang pakikilahok ng kabataan sa pagsusulong ng katarungang panlipunan at paglaban sa pampolitikang panunupil, sama-samang inihahandog ng mga organisasyon ng Quezon Science High School ang TALASAN ’26, na may temang:
“𝙏𝙄𝙉𝘿𝙄𝙂 𝙉𝙂 𝙆𝘼𝘽𝘼𝙏𝘼𝘼𝙉: 𝗣𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻, 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮, 𝗮𝘁 𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗻𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻.
Sa 𝐓𝐀𝐋𝐀𝐒𝐀𝐍 ’𝟐𝟔 itinatampok ang talas ng isip, husay, pagkamalikhain, at kritikal na paninindigan ng kabataang Quesayano.
Inaanyayahan ang lahat ng Quesayano na ipamalas ang kanilang kakayahan at kahusayan sa mga sumusunod na patimpalak:
🏆 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗜𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞
* Quiz Show (JHS)
* Essay Writing
* Pagsulat ng Sanaysay
* Poetry Writing
* Pagsulat ng Tula
* Extemporaneous Speech
* Dagliang Talumpati
* Traditional Poster Making
* Digital Poster Making
* Slogan Making
* Photo Essay
🏆 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗜𝗠𝗣𝗔𝗟𝗔𝗞
* Short Filmmaking Contest
* Idea Generation Contest (SHS)
🎭 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗨𝗗𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡
* Sayawit
📌 Para sa kumpletong alituntunin, pamantayan, at iba pang detalye ng bawat patimpalak, maaaring bisitahin ang sumusunod na link:
🔗 https://docs.google.com/document/d/1Qwsff_0FU4Ak5a_ChksIbfWGhU7eIburxRjG1ThaELU/edit?usp=sharing
‼️ 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔: Abangan ang mga susunod na anunsiyo hinggil sa proseso ng pagpaparehistro at iba pang mahahalagang detalye ng TALASAN ’26.
Kabataang Quesayano, patalasin ang isip, palakasin ang tinig, at ipamalas ang husay!