ABKD and KKDAT of Brgy. Ilayang Talim

ABKD and KKDAT of Brgy. Ilayang Talim Kabataan ay ating ingatan
Illegal na droga ay ating wakasan.

"Leadership is about vision and responsibility, not power"-Seth BerkleyKKDAT Assembly yesterday, September 30 at 10:00 a...
01/10/2021

"Leadership is about vision and responsibility, not power"
-Seth Berkley

KKDAT Assembly yesterday, September 30 at 10:00 am in Barangay Hall of Ilayang Talim.

We would like to thank the KKDAT Members, SK Scholar's, SK Kagawad's and SK Chairman, and also the Sangguniang Barangay of Ilayang Talim for making the event possible and successful.

Thank you also for the special guest's that have arrived for the Assembly.

21/09/2021
Pagbati!!Pagbati sa ating kasamahan na nagwagi sa patimpalak na "spoken word poetry" at "poster making contest" na sina ...
24/08/2021

Pagbati!!

Pagbati sa ating kasamahan na nagwagi sa patimpalak na "spoken word poetry" at "poster making contest" na sina Khim Lourence A. Ebarle, Kyla Fhaye M. Ebarle at Ryan Derick Capistrano. Ito ay proyekto na isinakatuparan ng Brgy. Salinas, sa pangunguna ni Kapitan Luis Vibar, SK Chairman Sarah Zeta, at ABKD President Kenneth Domirez.

Taos-pusong nagpapasalamat ang ABKD/KKDAT ng Ilayang Talim sa Brgy. Salinas sa pag-imbita sa kanilang isinagawang proyekto.

Muli, maraming salamat!

22/08/2021

Magandang Araw Ka-ABKD/KKDAT!

Ating suportahan ang isa sa ating miyembro ng ABKD/KKDAT at kasapi ng Brgy. Ilayang Talim na si Kyla Fhaye Ebarle sa pamamagitan ng pag-like at follow sa page ng ABKD - KKDAT Salinas at pusuan ang kaniyang entry sa Spoken Poetry Contest na may temang "Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino.”

Ang paligsahan na ito ay inisyatibo ng Brgy. Salinas sa pangunguna ng kanilang Sangguniang Kabataan at ABKD/KKDAT.

Please react '❤️' and SHARE.

Magandang Araw Ka-ABKD/KKDAT!Ating suportahan ang isa sa ating miyembro ng ABKD/KKDAT at kasapi ng Brgy. Ilayang Talim n...
22/08/2021

Magandang Araw Ka-ABKD/KKDAT!

Ating suportahan ang isa sa ating miyembro ng ABKD/KKDAT at kasapi ng Brgy. Ilayang Talim na si Ryan Derick Capistrano sa pamamagitan ng pag-like sa page ng ABKD - KKDAT Salinas at pusuan ang kaniyang entry sa poster making contest na may temang "Transforming FOOD Systems: Youth Innovation for Human and Planetary Health."

Ang paligsahan na ito ay inisyatibo ng Brgy. Salinas sa pangunguna ng kanilang Sangguniang Kabataan at ABKD/KKDAT.

Please react '❤️' and SHARE.

ENTRY NO. 7
International Youth Day 2021
“Transforming Food Systems: Youth Innovation for Human and Planetary Health”

Online voting is now open until August 23 (5pm).



Magandang Araw! mga Ka ABKD/KKDATNarito na ang aming star product na ESPASOL. Open na po kami para sa pre-orders ngayong...
20/08/2021

Magandang Araw! mga Ka ABKD/KKDAT

Narito na ang aming star product na ESPASOL. Open na po kami para sa pre-orders ngayong linggong ito at maihahatid sa araw ng Sabado (August 28).

Ang proyektong ito ay makakatulong po sa aming organisasyon sapagkat ang kikitain po dito ay gagamitin po namin na pandagdag pondo sa mga darating pang proyekto na aming inihanda para sa inyo.

Free delivery po ito at "What you see is what you get". Tandaan nakatulong ka na busog ka pa, kaya order na!!

I-pm niyo lang po ang aming page para sa mga oders.

Magandang buhay mga Ka-BADAC/SK/ABKD/KKDAT!Araw ng Sabado, July 31, 2021.Naganap ang Simultaneous Clean Up Drive ng ABKD...
31/07/2021

Magandang buhay mga Ka-BADAC/SK/ABKD/KKDAT!

Araw ng Sabado, July 31, 2021.

Naganap ang Simultaneous Clean Up Drive ng ABKD Lucena City Federation na pinasimulan ng CADAC. Kung saan sama-sama at tulong-tulong ang mga kabataan ng Barangay Ilayang Talim sa paglilinis ng kanilang kapaligiran sa pangunguna ng miyembro ng ABKD/KKDAT. Katuwang ang kagalang-galang na SK Chairman, Patrick Edward Capistrano at ang butihing Kagawad, Joen Sevilla.

Kalinisan at kaayusan! Iyan lamang ang nais makamit ng bawat organisasyong kasangga para sa ating kapaligiran.

Samahan niyo po kami sa susunod pang Clean Up Drive na mangyayari sa ating barangay.

Simulan na natin ang pagbabago. Halina't magsama-sama tayo! 💛

Magandang buhay mga Ka-BADAC/SK/ABKD/KKDAT!Araw ng Sabado, June 26, 2021.Bilang selebrasyon sa International Day Against...
26/06/2021

Magandang buhay mga Ka-BADAC/SK/ABKD/KKDAT!

Araw ng Sabado, June 26, 2021.

Bilang selebrasyon sa International Day Against Drugs and Illicit Trafficking (IDADAIT) na may temang “Share Facts, Save Lives”, matagumpay na naidaos ito ng Barangay Anti-Drugs Abuse Council (BADAC), Sanguniang Kabataan (SK), Ating Barkada Kontra Droga (ABKD), at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa kanilang naganap na Mobile Photography Contest na may temang “Gising Kabataan: Adbokasiya Laban sa Adiksyon at Karahasan.”

Sa kagustuhan ng mga nagsipaglahok na maipakita at imulat tayo sa napapanahong isyu tulad ng droga at karahasan, naipamalas ng ILAYAHIN ang kanilang pagkamalikhain sa ganitong larang kaya naman binigyan ng pagkilala ang lahat ng nagsipaglahok sa patimpalak.

Narito ang mga nagsipagwagi:

Para sa Category A:
CHAMPION – KHIAN ALEGRE (JEREMY TRONILA)
1ST RUNNER UP – JANEL B. VERDEJO
2ND RUNNER UP – KHIRT GABRIEL M. EBARLE

Para sa Category B:
CHAMPION – MARC IVAN P. ABRIGO
1ST RUNNER UP – BESSI-ANN A. EBARLE
2ND RUNNER UP – JOSEPH IAN LOYOLA
3RD RUNNER UP – CAMILLE ALBUTRA

Para sa Consolation:
KEVIN MUJAL
ARNOLD MUJAL
COUSIN SQUAD

Para sa People’s Choice:
MARC IVAN P. ABRIGO – TOTAL of 348 Reacts
BESSI-ANN A. EBARLE – TOTAL of 401 Reacts

Paalala(1): Ang tagal lamang ng pagbibilang ng boto ay 48 hours.
Paalala(2): Sa mga hindi pa nakakakuha ng sertipiko ng pagkilala at katumbas na premyo, mangyaring pumunta sa Brgy. Hall.

Nagpapasalamat ang BADAC/SK/ABKD at KKDAT ng Ilayang Talim sa ilayahing nagsipaglahok at sa mga naghusga o humatol sa mga larawan, kayna Ma’am Ai Da Cabuyao Dapula—ABKD Coordinator, Hon. Patrick Norman Nadera—SK Federation President, at Hon. John Angelo Lacerna Buñag—KKDAT Federation President.

Taos-puso ring nagpapasalamat ang bawat organisasyon ng Ilayang Talim sa nagbigay ng tulong pinansyal upang lalong maging matagumpay ang proyektong ito. Sa ating butihing Doc. Edwin Pureza, Hon. John Angelo Buñag, Hon. Patrick Nadera at sa Sangguniang ng Ilayang Talim.

Muli, magandang BUHAY at maraming SALAMAT!




Magandang Araw mga Ka-SK/ABKD/KKDAT!Narito na ang 2nd batch of entries sa patimpalak na Mobile Photography Contest na ma...
24/06/2021

Magandang Araw mga Ka-SK/ABKD/KKDAT!

Narito na ang 2nd batch of entries sa patimpalak na Mobile Photography Contest na may temang, "Gising Kabataan: Makabagong Adbokasiya Laban sa Adiksiyon at Karahasan"

TANDAAN:
🔵Upang mabilang ang inyong boto sa entry na mapupusuan niyo, kailangan na i-LIKE and FOLLOW ang page ng ABKD and KKDAT of Brgy. Ilayang Talim.

🔵Matapos ang 48 hours, ang bilang ng reacts ay bibilangin at ang makakakuha ng pinakamataas na bilang ay makakuha ng 10% sa Popular's Choice.

Magandang Araw mga Ka-ABKD/KKDAT!Narito na ang mga entry sa patimpalak na Mobile Photography Contest na may temang, "Gis...
15/06/2021

Magandang Araw mga Ka-ABKD/KKDAT!

Narito na ang mga entry sa patimpalak na Mobile Photography Contest na may temang, "Gising Kabataan: Makabagong Adbokasiya Laban sa Adiksiyon at Karahasan"

TANDAAN:
🔵Upang mabilang ang inyong boto sa entry na mapupusuan niyo, kailangan na i-LIKE and FOLLOW ang page ng ABKD and KKDAT of Brgy. Ilayang Talim.

🔵Matapos ang 48 hours, ang bilang ng reacts ay bibilangin at ang makakakuha ng pinakamataas na bilang ay makakuha ng 10% sa Popular's Choice.

"Ang tunog ng iyong mga yapak ay lumilikha ng isang pag-asa sa puso ng mga walang pag-asa at lumitaw bilang tulong sa wa...
09/06/2021

"Ang tunog ng iyong mga yapak ay lumilikha ng isang pag-asa sa puso ng mga walang pag-asa at lumitaw bilang tulong sa walang magawa." - Abhijit Naskar

Magandang Araw mga Ka-ABKD/KKDAT!

Araw ng Sabado, Hunyo 5, 2021.

Naganap ang pa-feeding ni Doc. "Love" Edwin Pureza para sa mga batang Ilayahin ng Barangay Ilayang Talim, dalawang Purok (Kaimito at Santolan) ang kanilang naabutan ng pamatid gutom sa kumakalam na sikmura. Sa tulong ng Ating Barkada Kontra Droga at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (ABKD/KKDAT) at sa Sanguniang Kabataan (SK) ng Ilayang Talim, at sa staffs ni Doc. Love naipaabot ang mainit na sopas at tinapay para sa mga bata.

Kami po, Barangay Ilayang Talim ay taos-pusong nagpapasalamat sa kawanggawa na ipinamalas ng inyong team sa aming Barangay.

Pinapaabot din po nila sa mga nais magpareseta kay Doc. Love ay magsabi lamang po sa aming samahan (ABKD/KKDAT/SK) at i-we-welcome nila tayo sa kanilang tanggapan.

Muli Maraming Salamat po!

08/06/2021

Magandang Araw mga Ka-ABKD/KKDAT!

Pinapabatid po ng samahan na extended ang pagpapasa ng entries hanggang June 14, 2021. Kaya kabataang Ilayahin, lumahok sa patimpalak na 'Mobile Photography'.

Maraming salamat!

Magandang Gabi mga Ka-ABKD/KKDAT!Nais po naming ipaalam sa inyo ang ulat ng buwanang nagawa ng ating samahan sa buwan ng...
01/06/2021

Magandang Gabi mga Ka-ABKD/KKDAT!

Nais po naming ipaalam sa inyo ang ulat ng buwanang nagawa ng ating samahan sa buwan ng Mayo. Ito ay upang maipakita natin ang mga proyekto o aktibidades na naisakatuparan sa isang buwan.

Ang ulat ng buwanang nagawa ay naglalayong mas pagbutihin pa ng samahan ang kanilang isinusulong na layunin, ang tuldukan ang ipinagbabawal na gamot at terorismo.

Maraming Salamat po!

"Ang pamumuno ay tungkol sa pangitain at responsibilidad, hindi kapangyarihan." -Seth BerkleyAraw ng Sabado, Mayo 29, 20...
30/05/2021

"Ang pamumuno ay tungkol sa pangitain at responsibilidad, hindi kapangyarihan." -Seth Berkley

Araw ng Sabado, Mayo 29, 2021.

Mabuhay mga Ka-ABKD-KKDAT!

Naganap ang panghuling araw ng youth profiling ng may edad 15-30 sa nasasakupan ng Barangay Ilayang Talim. Pinangunahan ito ng Ating Barkada Kontra Droga at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (ABKD at KKDAT) ng Ilayang Talim.

Naging isang makabuluhan at matagumpay ang youth profiling na ito sapagkat hindi lang namin nalaman ang kanilang impormasyon ay nakadaupang palad pa namin sila. Nalaman naman ang kanilang mga kuwento at nakilala namin sila kahit na sa maikling panahon. Kaya taos-puso kaming nagpapasalamat sa mamamayan ng Ilayang Talim.

Maraming salamat po! Mabuhay!

"Ang pagsasama-sama ay isang simula; pagpapanatiling magkasama ay pag-unlad; ang nagtutulungan ay tagumpat." -Henry Ford...
30/05/2021

"Ang pagsasama-sama ay isang simula; pagpapanatiling magkasama ay pag-unlad; ang nagtutulungan ay tagumpat." -Henry Ford

Araw ng Linggo, Mayo 23, 2021.

Mabuhay mga Ka-ABKD-KKDAT!

Ganap na alas nuwebe ng umaga (9:00 a.m.), naganap ang unang Barangay Hopping ng Ating Barkada Kontra Droga (ABKD) Lucena Federation, kasama ang Presidente ng ABKD ng Barangay Ilayang Talim na si Khim Lourence A Ebarle bilang Auditor ng ABKD Federation. Ang dinaluhan ay isang seminar na may temang "SINAG: Anti-Drug and Anti-Terrorism Seminar and Workshop." Naganap ito sa Barangay Cinco na pinangunahan ng Sanguniang Kabataan at ABKD-KKDAT.

Ang layunin ng Barangay Hopping na ito ay magbigay suporta sa mga programa o aktibidades na isasakatuparan ng 33 Barangay sa Lungsod ng Lucena. Ang layunin naman ng seminar ay upang ipamulat sa kabataan ang masamang epekto ng ipinagbabawal na gamot at pagsali sa kumakaliwang grupo.

Naging isang makabuluhan ang pangyayaring ito na kung saan ang lahat ay baon-baon ang kaalamang kanilang natutunan sa seminar ng Barangay Cinco.

Maraming Salamat Barangay Cinco!

"Ang aksiyon, hindi mga salita, ay ang pangwakas na resulta ng pamumuno." -Bill OwensAraw ng Sabado, Mayo 22, 2021.Magan...
30/05/2021

"Ang aksiyon, hindi mga salita, ay ang pangwakas na resulta ng pamumuno." -Bill Owens

Araw ng Sabado, Mayo 22, 2021.

Magandang Buhay mga Ka-ABKD-KKDAT!

Naganap ang pangalawang araw ng youth profiling sa pangunguna ng Ating Barkada Kontra Droga at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (ABKD at KKDAT) ng Ilayang Talim. Ito ay naglalayon na alamin ang kasapi ng Barangay na may edad na 15-30. Sa pag-alam ng kanilang impormasyon mas mapapadali ang komunikasyin at mabibigyang pansin ang kasapi ng Barangay lalong-lalo na ang ang mga kabataan.

Maraming salamat po!

"Kapag kaya mo itong pangarapin, kaya mo itong gawin." - Walt DisneyAraw ng Martes, May 18, 2021.Magandang Buhay mga Ka-...
30/05/2021

"Kapag kaya mo itong pangarapin, kaya mo itong gawin." - Walt Disney

Araw ng Martes, May 18, 2021.

Magandang Buhay mga Ka-ABKD-KKDAT!

Dahil sa nag-aalab na kagustuhang maisakatuparan ang accreditation ng Ating Barkada Kontra Droga (ABKD) Federation Lucena ay nagpatawag ng urgent meeting ang Presidente ng ABKD Federation na si Francis Bandiano Manaois. Naganap ito sa Lucena City Anti-Drug Abuse Office (LCADAO), na pinagunahan ng nasabing presidente.

Sa pagpupulong ay napag-usapan ang pag-aatang ng mga trabaho na kakailanganing isumite para sa pagpapa-accredit ng organisasyon. Kapag ito ay naisakatuparan na, mas mapapadali ang mga nakalatag na planong mga aktibidades at programa ng samahan. Dagdag pa rito, kapag accredited na ang ABKD Federation ay mas mapapadali ang pagpapa-accredit sa 33 Barangay ng Lucena City.

Isa rin sa agenda ng urgent meeting na ito ay ang forum na kung saan ang bawat opisyales ng organisasyon ay nagbigay ng kanilang saloobin o nararamdaman pagdating sa posisyon ng bawat isa. Nakatulong ito upang alamin ang mga kakulangan at dapat gampanan ng nakaupo sa puwesto na kanilang kinabibilangan. Napatibay rin nito ang samahan upang mas maging produktibo at matagumpay ang mga susunod na programa at akibidades na may hangaring makatulong sa kapwa, komunidad at bayan.

Address

Brgy. Ilayang Talim, Lucena City, Quezon Province
Lucena
4301

Telephone

+639664795211

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ABKD and KKDAT of Brgy. Ilayang Talim posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ABKD and KKDAT of Brgy. Ilayang Talim:

Share