07/05/2026
Muli naming pinapaalalahanan ang lahat na mag-ingat palagi sa paggamit ng kuryente, kandila, at iba pang maaaring pagmulan ng sunog. Narito ang ilan sa mga paalala at tips upang makaiwas sa sakuna at mapanatiling ligtas ang bawat isa.
β’ Siguraduhing naka-unplug ang mga appliances kapag hindi ginagamit.
β’ Iwasan ang pagsasaksak ng maraming appliances sa iisang extension o outlet upang hindi ito mag-overload.
β’ Huwag mag-iwan ng nakasinding kandila o lutuan lalo na kung walang nagbabantay.
β’ Regular na suriin ang mga sirang kable at agad itong ipaayos upang maiwasan ang short circuit.
β’ Magtabi ng flashlight at emergency contact numbers para sa agarang responde sakaling magkaroon ng insidente.
β’ Turuan ang bawat miyembro ng pamilya, lalo na ang mga bata, tungkol sa fire safety at tamang paglikas kapag may sunog.
β’ Panatilihing malinis ang paligid at iwasang mag-ipon ng madaling magliyab na materyales.
Ang simpleng pag-iingat ay makakatulong upang maiwasan ang malaking kapahamakan. Maging alerto at responsable tayo para sa kaligtasan ng bawat pamilya at ng buong komunidad.
TGP Gutierrez Compound Chapter