27/09/2026
BUONG PUSONG GUMAGAWA AT UMAAKSYON👍
Isang linggong laban ng sipag at tiyaga sa paggawa at pagsasaayos ang Project Recovery Team sa mga reports na idinulog ng ating mga caretakers sa iba't- ibang barangay.
Labis ang pasasalamat ng mga caretakers at mga consumers dahil sa mabilis na pag-aksyon ng ating masisipag na Maintenance at Technical Team. Ang opisina ng Project Recovery Team sa pangunguna ni Sir Joey Francisco kasama si Maam Anna Karenina Aquino Razon ay laging bukas upang tugunan ang mga pangangailangang ayusin at gawin.
1. Nagsagawa ng deep cleansing and flushing sa Cumabol, Caanawan nitong martes. Maduming linya na napuno ng borak at namuong mga ugat ang naging dahilan sa paghina sa ilang parte ng linya ng tubig. Kasama ang City Engineering Office - San Jose City, Nueva Ecija gamit ang kanilang water truck ito ay matagumpay na naisagawa.
2. Malalakas na tagas, palitin at linisin na metro at sirang mga lockvalve ang inayos at pinalitan ng grupo sa San Raymundo, Brgy Tondod, Sitio Saranay, Sto. Nino 3rd at Sitio Balanac, San Mauricio.
3. Nadagdagan rin ang makakatanggap ng libreng 10 cubic meters at iba pang benepisyo ang mga bagong miyembro sa Brgy. Sinipit Bubon at Sto. Nino 3rd.
4. POWAS naman ng Phase 3, A. Pascual, Phase 9, Brgy Sto. Tomas at Sitio Cabatuan, Dizol ang pinuntahan at inayos ng Team upang tignan ang naging dahilan ng biglang pagtigil ng pag-akyat ng tubig sa kanilang mga tangke. Agad naman naibalik ang serbisyo ng tubig matapos ang mabilis na pagtugon ng grupo.
5. Nagpalit din tayo ng akmang gatevalve upang maging maayos ang pagcontrol ng tubig sa Phase 1 Brgy. Camanacsacan at Phase 2 Habitat, Sto. Nino 3rd.
6. Sirang linya na mga nadadaanan ng sasakyan rin ang pinalitan at inayos ng grupo sa Phase 2, Caanawan at Phase 2 Brgy Dizol.
7. Nagtungo din ang team sa Phase 1, Brgy Sinipit Bubon at Phase 16, Sto. Nino 3rd upang ilipat ang linya na maaapektuhan ng kasalukuyang road renovation.
Buong pusong maglilingkod ang Project Recovery Team kasama ang ating butihing Mayor Josel James Violago na laging nakasuporta sa pagsasaayos at pagpapalawig ng serbisyo ng tubig.