13/08/2026
“Mayor, may pasok po ba? Paano po kung walang ulan sa gabi at biglang lumakas bukas ng umaga? 🤔”
Ayon sa PAG-ASA, ang LATEST WEATHER FORECAST at ACTUAL CONDITIONS ng panahon ay sa kanilang report ng 4:00 am.
“Mayor, gigising pa po kami ng ganon kaaga?”
Bakit kailangan sundin ang 4:00 am forecast? Dahil hindi po accurate kapag masyadong malayo ang pinagbasehan natin. Katulad po ngayon, wala pong pag-ulan sa bayan natin.
Marahil may mga portions sa Bulacan at karatig probinsya na inuulan ngayong oras na ito, kaya nasa Yellow Warning tayo. 🐢 Pero napapansin niyo, madalas pagka-suspend, aaraw naman pala. ☀️ Sayang ang araw na dapat pinasok ninyo at nakita niyo si crush. Sayang ang araw na dapat natuto kayo at nahasa ang karunungan. 🥺
Ganoon pa man..
Kung nakakapagpuyat ka habang kausap si crush, naglalaro ng games, nagsusunog ng kilay sa pag-aaral o ano pa man dahilan - magpupuyat din po yung taga post sa page natin, si sir K ng mdrrmo, at syempre si tatay Gazo lalo na po kapag may banta ng sama ng panahon at kinakailangan ng SUSPENSYON. 🥰
KAYA, agad pong iaannounce sa ating page, dito po mismo sa page na ito, kung mawawalan man ng pasok bukas. Pero base sa ngayon, MAYROON PONG PASOK.
IBA PANG POSIBILIDAD:
Kung sa tingin ninyong hindi kayo makakapasok - dahil baha, ginawang evacuation site ang inyong silid-aralan, o nag-aalala si mommy at si daddy na baka maulanan at magkasakit - HINIHINGI ko po ang pang-unawa ng ating mga kaguruan. 💛🙏 NGUNIT, dapat ang dahilan ng mag-aaral ay lehitimo at katanggap-tanggap. ☺️
Ingat po tayo 🙏
-Mayor Gazo