30/05/2026
โ๐๐๐ฐ๐น๐ฒ ๐ผ๐ณ ๐๐ผ๐๐ฒ: ๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ-๐ฆ๐ฎ๐บ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด๐ถ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ด-๐ฎ๐๐ฎโ ๐ก๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐๐บ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฆ๐ถ๐๐ถ๐ผ ๐๐ฎ๐น๐๐บ๐ฝ๐ถ๐, ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป, ๐๐ฅ๐ง, ๐๐๐น๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐ป
Pinagbuklod ng malasakit at iisang layunin na makapaghatid ng pag-asa at kasiyahan, matagumpay na isinagawa ng ibaโt ibang organisasyon ng College of Management at Samahan ng Mag-aaral sa Agham Panlipunan (SAMAPA) ang outreach program na pinamagatang โCycle of Love: Sama-Samang Pagiging Tulay ng Pag-asaโ noong Marso 28, 2026 sa Sitio Calumit, Kalawakan, Doรฑa Remedios Trinidad (DRT), Bulacan.
Ang nasabing gawain ay isang kolaborasyon ng College of Management Student Council (CMSC), Society of Executives and Entrepreneurs (SEE), Society of Managers and Entrepreneurs (SME), Future Hotels and Restaurant Managers Society (FHARMS), at SAMAPA. Sa tulong ng sama-samang pagkilos ng mga mag-aaral, boluntaryo, sponsor, at mga taong may mabubuting puso, matagumpay na naipamahagi sa Dumagat community ng Sitio Calumit ang ibaโt ibang donasyon tulad ng school supplies, hygiene kits, at pagkain.
Layunin ng outreach program na makapagbigay hindi lamang ng materyal na tulong kundi pati na rin ng inspirasyon at pag-asa sa mga mamamayan ng Dumagat community, partikular sa mga kabataang nangangailangan ng suporta para sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na pangangailangan. Naging daan din ito upang maipakita ang kahalagahan ng pagkakaisa, bolunterismo, at malasakit sa kapwa.
Higit pa sa simpleng pagbibigay ng donasyon, naging makabuluhang karanasan ang programa para sa lahat ng kalahok dahil nagbigay ito ng pagkakataong makapaglingkod at makapagbahagi ng pagmamahal sa komunidad. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga organisasyon, muling napatunayan na ang munting tulong at kabutihan ay may kakayahang magdulot ng malaking pagbabago sa buhay ng iba.
Ang outreach program na ito ay nagsilbing paalala na sa bawat pagkilos na may malasakit, nabubuo ang isang komunidad na puno ng pag-asa, pagkakaisa, at pagmamahalan.
Ang paglalathala ng mga larawan ng mga mag-aaral ay may kaukulang pahintulot, na nakuha mula sa kanilang g**o at mga magulang.
๐ท๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐!