Kaya Natin Youth - Roxas

Kaya Natin Youth - Roxas Amplifying the voice of the Filipino youth in promoting good governance and inclusive leadership.

06/07/2026

𝑯𝒊𝒏𝒅𝒊 𝒍𝒂𝒉𝒂𝒕 𝒏𝒈 𝒏𝒐𝒕𝒊𝒇𝒊𝒄𝒂𝒕𝒊𝒐𝒏 𝒂𝒚 𝒘𝒐𝒓𝒕𝒉 𝒓𝒆𝒂𝒅𝒊𝒏𝒈 & 𝒐𝒑𝒆𝒏𝒊𝒏𝒈. 𝑷𝒆𝒓𝒐 𝒃𝒂𝒌𝒂 𝒊𝒕𝒐, 𝒐𝒐. 🤝

Say yes to growth.
Say yes to service.
Say yes to becoming part of something bigger.

🔰 Open to individuals aged 15–30 who are passionate about volunteerism, community service, and advocating for good governance.

If that sounds like you, 𝐊𝐍𝐘 𝐑𝐨𝐱𝐚𝐬 is waiting for you.

📌 Register here: https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfLsGwaYckliFcOWfvO_rPQih8wUrXlLKio-IyHS0Qs_EsCcg/viewform?fbzx=-4866070302831166282&pli=1

𝐻𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑖𝑡𝑜 𝑟𝑎𝑛𝑑𝑜𝑚 𝑖𝑛𝑣𝑖𝑡𝑒. 𝐵𝑎𝑘𝑎 𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑠𝑖𝑔𝑛 𝑛𝑎 ℎ𝑖𝑛𝑖ℎ𝑖𝑛𝑡𝑎𝑦 𝑚𝑜. ✨





𝐏𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧, 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐍𝐘 Matagumpay na isinagawa ng 𝑲𝒂𝒚𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 - 𝑹𝒐𝒙𝒂𝒔 (𝑲𝑵𝒀) ang...
03/07/2026

𝐏𝐚𝐠𝐡𝐚𝐡𝐚𝐧𝐝𝐚 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐒𝐮𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐧𝐚 𝐆𝐚𝐰𝐚𝐢𝐧, 𝐒𝐢𝐧𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐍𝐘

Matagumpay na isinagawa ng 𝑲𝒂𝒚𝒂 𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏 𝒀𝒐𝒖𝒕𝒉 - 𝑹𝒐𝒙𝒂𝒔 (𝑲𝑵𝒀) ang kanilang pangalawang pagpupulong kasama si 𝑯𝒐𝒏. 𝑴𝒂𝒓𝒌 𝑯𝒆𝒏𝒓𝒊𝒄𝒉 𝑯𝒂𝒕𝒐𝒍 upang talakayin ang mga plano, layunin, at mga nalalapit na aktibidad ng organisasyon.

Nagbahagi ang mga miyembro ng kanilang mga ideya at mungkahi upang higit na mapalakas ang partisipasyon ng kabataan at pakikilahok sa komunidad. Ipinahayag din ng konsihal ang kanyang suporta sa organisasyon at hinikayat ang mga miyembro na magtulungan sa pagpapatupad ng mga makabuluhang programa para sa kapakanan ng kabataan at ng pamayanan.

Naging mahalagang hakbang ang pulong na ito sa paghahanda ng KNY para sa mga susunod na gawain at aktibidad, habang patuloy na itinataguyod ang pamumuno, paglilingkod, at aktibong pakikilahok ng mga kabataan sa komunidad.







06/06/2026

Para kay Eds Soriano, ito ang tatlong haliging bumubuo sa uri ng lider na nais niyang maging. Sa kanyang paglalakbay sa 𝗬𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 (YLAGG) 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮, mas naging malinaw sa kanya na hindi sapat ang isa o dalawa lamang sa mga katangiang ito.

Bilang isang kabataang matagal nang nagsisilbi sa kanyang komunidad, dala niya ang mahalagang aral na ang mabuting pamumuno ay nagsisimula sa patuloy na paghubog sa sarili: 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘪𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘣𝘶𝘬𝘢𝘴 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘢𝘵𝘶𝘵𝘰, 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘵𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘱 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘬𝘶𝘬𝘶𝘭𝘢𝘯𝘨, 𝘢𝘵 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘱𝘪𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴 𝘮𝘢𝘣𝘶𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰 𝘢𝘳𝘢𝘸-𝘢𝘳𝘢𝘸.✊🇵🇭




𝙊𝙧𝙜𝙖𝙣𝙞𝙯𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙈𝙚𝙚𝙩𝙞𝙣𝙜, 𝙖𝙣𝙤 𝙩𝙖𝙧𝙖?Ang mainit na hapon ay naging mainit na simula para sa mga miyembro ng KNY Roxas upang ...
06/06/2026

𝙊𝙧𝙜𝙖𝙣𝙞𝙯𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙖𝙡 𝙈𝙚𝙚𝙩𝙞𝙣𝙜, 𝙖𝙣𝙤 𝙩𝙖𝙧𝙖?

Ang mainit na hapon ay naging mainit na simula para sa mga miyembro ng KNY Roxas upang pag-usapan ang mga susunod na hakbang, programa, at inisyatibong magpapalakas sa organisasyon.

Naniniwala ang KNY Roxas na ang mabuting pamamahala o good governance ay nagsisimula sa aktibong pakikilahok, pananagutan, at sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng komunidad at ng kabataan.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at malinaw na layunin, patuloy nating isusulong ang mga programang may positibong epekto at makabuluhang pagbabago.

𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙤𝙧𝙜𝙖𝙣𝙞𝙨𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣. 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙡𝙖𝙮𝙪𝙣𝙞𝙣. 𝙄𝙨𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙠𝙞𝙡𝙤𝙨.







📌[𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍]  #𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠𝐋𝐢𝐝𝐞𝐫𝐏𝐚𝐫𝐚𝐒𝐚𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧Patuloy nating pinalalakas ang boses at kakayahan ng mga kabataang lider sa ...
02/06/2026

📌[𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊𝐀𝐍 𝐍𝐀𝐓𝐈𝐍] #𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧𝐠𝐋𝐢𝐝𝐞𝐫𝐏𝐚𝐫𝐚𝐒𝐚𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧

Patuloy nating pinalalakas ang boses at kakayahan ng mga kabataang lider sa pamamagitan ng Young Leaders Academy for Good Governance (YLAGG) na matagumpay na ginanap noong Mayo 29 at 30 sa Bayan ng Roxas, Isabela.

Sa loob ng dalawang araw ng makabuluhang pag-aaral at talakayan, nabigyang pagkakataon ang mga kalahok na mas mapalalim ang kanilang kaalaman sa mabuting pamamahala, etikal na pamumuno, at aktibong pakikilahok sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

Bilang bahagi ng programa, naisakatuparan ang:
• Makabuluhang mga sesyon tungkol sa good governance at ethical leadership
• Pagbabahagi ng karanasan mula sa mga lider at resource speakers
• Paghubog sa mga kabataang lider na may integridad, malasakit, at pananagutan
• Pagpapalakas ng partisipasyon ng kabataan sa pagbuo ng mas maunlad na pamayanan

Ang YLAGG ay patunay na kapag binigyan ng tamang kaalaman at pagkakataon ang kabataan, sila ay nagiging mahalagang katuwang sa pagsusulong ng mabuting pamamahala at positibong
pagbabago.

Patuloy nating suportahan ang mga programang naghuhubog sa susunod na henerasyon ng mga lider na may puso para sa bayan at malasakit para sa kapwa. 💜💙






Address

Roxas
3320

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kaya Natin Youth - Roxas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share