14/04/2026
Ang No To Oil Price Hike Coalition - Pasig ay malapad na alyansa ng mamamayang lumalaban para matigil ang walang habas na pagtaas ng presyo ng petrolyo. Kabilang sa alyansa ang mga manggagawa sa transportasyon sa iba’t ibang moda (PUJ, UVE, MC Taxi, TNVS, bus, tricycle, at iba pa), mga motorista, mga komyuter, mga konsyumer, at lahat ng sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng krudo.
Naniniwala ang No To Oil Price Hike Coalition - Pasig na kayang makontrol ng estado ang pagtataas ng presyo ng krudo at mabigyan ng alwan ang mga apektado nito sa pamamagitan ng mga polisiyang pumapabor sa mamamayan, hindi sa mayayamang kompanya ng langis tulad ng Shell, Caltex, at Petron. Naniniwala din ang No To Oil Price Hike Coalition - Pasig na ang walang tigil na panggegera ng US para sa langis ang siyang pangunahing dahilan ng walang tigil din na pagtaas ng presyo ng krudo, kaya’t dapat itong ipanawagang tumigil.
Ang 6-point Demands ng No To Oil Price Hike Coalition - Pasig
1. Tanggalin ang VAT at excise tax sa produktong petrolyo.
2. I-rollback ang presyo ng krudo sa P55.00.
3. Ibasura ang Oil Deregulation Law at magpatupad ng price controls sa petrolyo.
4. Ipatupad ang mga fare hike sa lahat ng moda ng transportasyon, kasabay ng pagpapatupad ng P1,200 family living wage.
5. Isabansa ang industriya ng langis. Sa kagyat, ang gobyerno ang bumili ng krudo at ibenta ito sa mas mababang halaga.
6. Itigil ang gerang agresyon ng US.
Sinumang kaisa sa 6-point demands ng No To Oil Price Hike Coalition - Pasig ay maaaring sumali sa alyansa.
Ngayong Marso 26-27, 2026, maglulunsad ng welga at protestang bayan ang mga kasapi ng alyansa para itulak ang 6-point demands, singilin ang gobyernong Marcos na inutil sa pagtugon sa krisis sa langis, at paingayin ang panawagan para sa pagpapatigil ng gera ng US.
Inaasahang kung linggo-linggo ang pagtataas ng presyo ng krudo, linggo-linggo rin ang magiging aksyon ng No To Oil Price Hike Coalition - Pasig.
Presyo ng langis, ibaba, i-rollback!
VAT at excise tax sa langis, tanggalin!
Oil deregulation law, ibasura!
Fare hike, ipatupad! Sahod, itaas!
Industriya ng langis, isabansa!
Gerang agresyon ng US, itigil!