15/06/2026
๐ฟ๐ก| ๐ฆ๐๐๐๐ฌ ๐ก๐ ๐ฃ๐๐ก๐๐๐ฅ๐๐ฃ
Sa muling pag-andar ng mga jeep sa mga lansangan, nagsisimula rin ang panibagong taon ng pagkatuto para sa libo-libong estudyante. Higit pa sa pagiging sasakyan, ang jeep ay nagiging saksi sa mga pagod na katawan mula sa maagang paggising, sa mga mabibigat na dalang responsibilidad, at sa mga pangarap na unti-unting binubuo sa bawat araw.
Mula sa tahanan patungo sa silid-aralan, bawat biyahe ay kuwento ng pagpupursige. Sa kabila ng antok, pagod, at mga hamon na dala ng araw-araw na paglalakbay, patuloy na sumasakay ang mga mag-aaral dala ang pag-asang may matututunan, may mararating, at may mabubuong kinabukasan.
Sa bawat pag-usad ng gulong ng jeep, kasabay nitong binubuhat ang mga pangarap ng mga estudyanteng handang harapin ang panibagong simula. Sapagkat ang edukasyon ay hindi lamang nagsisimula sa loob ng paaralanโnagsisimula ito sa bawat hakbang at bawat biyaheng pinipiling tahakin para sa kinabukasan.
At nawaโy sa patuloy na pag-andar ng mga jeep sa ating mga kalsada, magsilbi rin itong paalala ng patuloy na pag-usad ng buhay ng bawat estudyante. Maaaring mapagod, mabigatan, o pansamantalang huminto, ngunit tulad ng isang jeep na patuloy na bumibiyahe, patuloy ring nagpapatuloy ang buhay at mga pangarap.
Sa pagsisimula ng ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น ๐ฌ๐ฒ๐ฎ๐ฟ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒโ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ณ, malugod naming tinatanggap ang lahat ng mag-aaral sa panibagong yugto ng pagkatuto, paglago, at pagtuklas. Nawaโy magsilbing gabay ang ๐ฆ๐ถ๐ธ๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐น๐ฎ๐๐ฎ sa paghubog ng mga mag-aaral na may malalim na pag-unawa sa sarili, malasakit sa kapwa, at kamalayang handang makibahagi sa paglikha ng mas makatao at makabuluhang lipunan. Maligayang pagbabalik-eskwela, at nawaโy maging makabuluhan ang bawat biyahe tungo sa inyong mga pangarap.
Isinulat at Inilikha ni: Jaypee Gois | PSC Internal Vice President