11/09/2026
Marami sa atin ang nagsasabing, "Bahala na ang Allah." Ngunit ang tunay na tawakkul ay hindi dahilan para pabayaan ang ating responsibilidad.
๐๐ง๐ ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐๐ญ๐ ๐๐ฎ๐ก๐๐ฆ๐ฆ๐๐ ๏ทบ ๐๐ฒ ๐ง๐๐ ๐ญ๐ฎ๐ซ๐จ: "๐๐ญ๐๐ฅ๐ข ๐ฆ๐จ ๐๐ง๐ ๐ข๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ค๐๐ฆ๐๐ฅ๐ฒ๐จ, ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ๐๐ฉ๐จ๐ฌ ๐๐ฒ ๐ฆ๐๐ ๐ญ๐ข๐ฐ๐๐ฅ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฅ๐ฅ๐๐ก"
(Jami' at-Tirmidhi 2517. Graded Hasan by Al-Albani.)
Ibig sabihin, gawin mo muna ang lahat ng nararapat mong gawin, pagkatapos ay ipaubaya mo ang resulta sa Allah.
Sa panahon natin ngayon, marami pa ring "kamelyo" ang iniiwang nakawala.
๐น Hindi nag-aaral para sa exam, pero umaasang papasa.
๐น Hindi nag-iipon, pero umaasang hindi magkakaroon ng problema sa pera.
๐น Hindi nagpapa-checkup kahit may nararamdaman, pero umaasang gagaling na lang.
๐น Hindi naghahanap ng trabaho o hindi nagsisikap sa negosyo, pero umaasang yayaman.
๐น Hindi naghahanda sa sakuna o emergency, pero umaasang ligtas ang pamilya.
๐น Hindi nag-aalaga ng relasyon sa asawa at mga anak, pero umaasang magiging matatag ang pamilya.
๐น Nagpapaliban ng pagsisisi at pagsamba, iniisip na marami pang oras, ngunit walang nakaaalam kung kailan darating ang kamatayan.
Ang pagtitiwala sa Allah ay hindi pagiging pabaya. Ito ay pagsisikap na sinasabayan ng panalangin, pagpaplano na sinasabayan ng pag-asa, at pagkilos na sinasabayan ng ganap na pananalig sa Allah.
Itali mo muna ang iyong "kamelyo." Gawin mo ang bahagi mo. Pagkatapos, ipagkatiwala mo ang lahat sa Allah.