13/02/2026
Lubos po ang aming pasasalamat sa lahat ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Lemery, sa inyong buong pusong pakikiisa sa ating Fund Raising Campaign: "Isang sakong tulong, para SEC Registration Maisulong!" para makalikom ng pondo para sa processing expenses for SEC Registration ng ating council. Ang inyong suporta at pakikipagtulungan ay patunay na kapag nagkakaisa, walang imposible sa ating adhikain.
Taos-puso rin po akong nagpapasalamat kina Council Vice President Imee Tolentino at Council Auditor Me-Ann Adona sa pagsama sa aking unang araw ng pag-iikot at pangungulekta ng mga empty sacks of rice. Ang inyong dedikasyon at malasakit ay malaking bahagi ng tagumpay ng ating layunin.
Sama-sama po nating itaguyod ang mas maayos at mas matatag na samahan para sa kapakanan ng bawat pamilyang 4P's ng Lemery. 💛