11/01/2026
Una po sa lahat, nagpapasalamat po kami sa Diyos dahil matagumpay naming natapos ang aming 2nd 2-Days Invitational League. Maraming maraming salamat dn po sa lahat ng manlalaro sa FUNDRAISING GAMEπ, kung hindi po dahil sainyo hindi po kami magkakaroon ng pagkakataon na makapag pa 2Days League.
Hindi rin mawawala ang pasasalamat sa mga tumulong sa likod ng kamera, mula sa mga referee, staff, lalong lalo na po kay sir Jimmy Bagwis Laquian , kay konsihal Cedric De Joya na syang nakipag ugnayan sa bawat isang team para maglaru, at sa lahat na nagsikap para maging maayos at matagumpay ang buong kaganapan, Salamat dn po sa ating Kapitan ng Brgy Niyugan Filomeno Casanova at sa apat na konsihal na nagbigay ng tulong Konsihal Teody, Konsihal Basil, Konsihal Lino at Konsihal Yano at saating matitikas na Brgy Police sa pangunguna ni Hepe Ed. Maraming Salamat din po sa 4teams na nakipag tagisan ng lakas at galing sa court. Team Calaca Ballers, Bullet Balayan, SanLuis at saating tinanghal na kampeon Team DLJB Cavite
TRISKELION at BLADE RIDERS CLUB, isang malaking pagbati sa inyong lahat dahil sa inyo, naging espesyal at makabuluhan ang 2Days invitational league