San Isidro Labrador Chapel - Pamayanan ng Marawa

Directions

San Isidro Labrador Chapel - Pamayanan ng Marawa San Isidro Labrador Chapel
Pamayanan ng Marawa
Parokya ni Sta. Barbara
Diyosesis ng Cabanatuan

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 | 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa mga sumusunod na gawain sa darating na 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗦𝗮𝗯...
27/10/2026

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐋𝐀 | 𝐔𝐍𝐃𝐀𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa mga sumusunod na gawain sa darating na 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 𝟯𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (𝗦𝗮𝗯𝗮𝗱𝗼) bilang paggunita sa Undas.

𝟰:𝟬𝟬 𝗣𝗠 – Pagbabasbas ng mga puntod
📍 Marawa Cemetery

𝟱:𝟬𝟬 𝗣𝗠 – Anticipated Mass
📍 Marawa Chapel

Sa paggunita natin sa Undas, sama-sama nating alalahanin at ipanalangin ang ating mga yumaong mahal sa buhay. Nawa'y magsilbing paalala ang araw na ito sa kahalagahan ng pananalangin para sa mga yumao at sa ating pag-asa sa buhay na walang hanggan.

Inaanyayahan po ang bawat pamilya at mga ka-barangay na makiisa sa mga gawaing ito.

Sama-sama nating ialay ang ating mga panalangin para sa ating mga yumaong mahal sa buhay at patuloy na palalimin ang ating pananampalataya bilang isang komunidad.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa. Nawa'y pagkalooban ng Panginoon ang ating mga yumaong mahal sa buhay ng walang hanggang kapahingahan. 🙏

𝘗𝘢𝘨𝘬𝘢𝘭𝘰𝘰𝘣𝘢𝘯 𝘔𝘰 𝘴𝘪𝘭𝘢, 𝘖 𝘗𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘰𝘰𝘯, 𝘯𝘨 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘱𝘢𝘩𝘪𝘯𝘨𝘢𝘩𝘢𝘯, 𝘢𝘵 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘭𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘢𝘸𝘢 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘸𝘢𝘯𝘢𝘨 𝘯𝘢 𝘸𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘩𝘢𝘯𝘨𝘨𝘢𝘯.

𝙃𝙖𝙥𝙥𝙮 𝙋𝙧𝙞𝙚𝙨𝙩𝙨' 𝘿𝙖𝙮, 𝙍𝙚𝙫. 𝙁𝙧. 𝘿𝙚𝙖𝙣 𝙅𝙚𝙧𝙤𝙢𝙚!"The priest is not a priest for himself; he is a priest for you."— St. John Mar...
04/08/2026

𝙃𝙖𝙥𝙥𝙮 𝙋𝙧𝙞𝙚𝙨𝙩𝙨' 𝘿𝙖𝙮, 𝙍𝙚𝙫. 𝙁𝙧. 𝘿𝙚𝙖𝙣 𝙅𝙚𝙧𝙤𝙢𝙚!

"The priest is not a priest for himself; he is a priest for you."
— St. John Mary Vianney

Sa pagdiriwang ng Araw ng mga Pari, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa Diyos sa biyaya ng inyong bokasyon at sa inyong tapat na paglilingkod sa Simbahan at sa sambayanan ng Diyos.

Nawa'y patuloy kayong pagkalooban ng Panginoon ng mabuting kalusugan, karunungan, lakas, at masaganang biyaya upang maipagpatuloy ninyo ang inyong banal na ministeryo. Maraming salamat po sa inyong walang sawang paggabay, pagmamahal, at paglilingkod bilang aming pastol sa pananampalataya.

May God continue to bless and sustain you in your priestly ministry!

16/05/2026

𝗣𝗮𝗻𝗼𝗼𝗿𝗶𝗻 | Ilan sa mga kuhang bidyo mula sa isinagawang 𝐏𝐫𝐮𝐬𝐢𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐭 𝐒𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚 noong Mayo 15, 2026 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ni 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫.

Sa paglalakbay na ito ng pananampalataya at debosyon, sama-sama nating ipinahayag ang pagpupuri at pasasalamat sa Diyos sa Kanyang walang sawang biyaya at pagmamahal. Nawa’y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito ng ating pagkakaisa sa pananampalataya at paglilingkod sa Panginoon.

San Isidro Labrador, ipanalangin mo kami!

No copyright infringement intended. Music belongs to its rightful owner/s.

𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫Isinasamo namin sa Iyo, maawaing Diyos na Panginoon namin, na alang-...
14/05/2026

𝐏𝐚𝐧𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐊𝐚𝐩𝐢𝐬𝐭𝐚𝐡𝐚𝐧 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 𝐋𝐚𝐛𝐫𝐚𝐝𝐨𝐫

Isinasamo namin sa Iyo, maawaing Diyos na Panginoon namin, na alang-alang sa pamamagitan ni San Isidro Labrador, Patron ng mga Magsasaka, ay patuloy Mo kaming gabayan at pagpalain. Nawa’y tularan namin ang kanyang pananampalataya, kasipagan, kababaang-loob, at pagmamahal sa kapwa.

Pagpalain Mo ang aming mga bukirin, mga manggagawa, at bawat pamilyang naghahanapbuhay. Ilayo Mo kami sa anumang sakuna at kapahamakan, at pagkalooban ng masaganang ani at payapang pamumuhay.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Amen.

𝘚𝘢𝘯 𝘐𝘴𝘪𝘥𝘳𝘰 𝘓𝘢𝘣𝘳𝘢𝘥𝘰𝘳, huwaran ng masipag na magsasaka at tapat na lingkod ng Diyos,
𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪! 🌾

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻, 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗼𝗻,𝙎𝙖𝙣 𝙄𝙨𝙞𝙙𝙧𝙤 𝙇𝙖𝙗𝙧𝙖𝙙𝙤𝙧!𝘚𝘢𝘯 𝘐𝘴𝘪𝘥𝘳𝘰 𝘓𝘢𝘣𝘳𝘢𝘥𝘰𝘳, Patron ng mga Magsasaka, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 ...
14/05/2026

𝗠𝗮𝗹𝗶𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝗶𝘀𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻, 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗣𝗮𝘁𝗿𝗼𝗻,
𝙎𝙖𝙣 𝙄𝙨𝙞𝙙𝙧𝙤 𝙇𝙖𝙗𝙧𝙖𝙙𝙤𝙧!

𝘚𝘢𝘯 𝘐𝘴𝘪𝘥𝘳𝘰 𝘓𝘢𝘣𝘳𝘢𝘥𝘰𝘳, Patron ng mga Magsasaka, 𝘪𝘱𝘢𝘯𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘮𝘪! 🌾

𝕶𝖆𝖕𝖎𝖘𝖙𝖆𝖍𝖆𝖓 𝖓𝖎 𝕾𝖆𝖓 𝕴𝖘𝖎𝖉𝖗𝖔 𝕷𝖆𝖇𝖗𝖆𝖉𝖔𝖗!🌾Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating maha...
11/05/2026

𝕶𝖆𝖕𝖎𝖘𝖙𝖆𝖍𝖆𝖓 𝖓𝖎 𝕾𝖆𝖓 𝕴𝖘𝖎𝖉𝖗𝖔 𝕷𝖆𝖇𝖗𝖆𝖉𝖔𝖗!🌾

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa sa pagdiriwang ng Kapistahan ng ating mahal na Patron, 𝙎𝙖𝙣 𝙄𝙨𝙞𝙙𝙧𝙤 𝙇𝙖𝙗𝙧𝙖𝙙𝙤𝙧, sa darating na ɪᴋᴀ-15 ɴɢ ᴍᴀʏᴏ. Sama-sama po nating gunitain at parangalan ang ating patron sa pamamagitan ng panalangin, Banal na Misa, at makabuluhang prusisyon.

𝗗𝗮𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴:
• 8:30 N.U. – ᴘᴀɢᴅᴀʀᴀꜱᴀʟ ɴɢ ꜱᴀɴᴛᴏ ʀᴏꜱᴀʀʏᴏ
• 9:00 N.U. – ʙᴀɴᴀʟ ɴᴀ ᴍɪꜱᴀ
• 3:30 N.H. – ᴀꜱꜱᴇᴍʙʟʏ (ᴘᴀʀᴀ ꜱᴀ ᴘʀᴜꜱɪꜱʏᴏɴ ᴀᴛ ꜱᴀɢᴀʟᴀ)
• 4:00 N.H. – ᴘʀᴜꜱɪꜱʏᴏɴ ᴀᴛ ꜱᴀɢᴀʟᴀ

📌 Para po sa mga nais sumama sa prusisyon ngunit hindi kayang maglakad o nahihirapang maglakad ng malayo, maaari po kayong gumamit ng motorsiklo upang makibahagi pa rin sa pagdiriwang. Ngunit para naman po sa mga may kakayahan at nais maglakad, malugod din po namin kayong hinihikayat na samahan ang prusisyon sa paglalakad.

𝘏𝘢𝘭𝘪𝘯𝘢’𝘵 𝘮𝘢𝘬𝘪𝘪𝘴𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨𝘥𝘪𝘳𝘪𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘒𝘢𝘱𝘪𝘴𝘵𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘢𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘯𝘢 𝘗𝘢𝘵𝘳𝘰𝘯!🌾

📍 San Isidro Labrador Chapel - Pamayanan ng Marawa

✨ ꜱᴀᴍᴀ-ꜱᴀᴍᴀɴɢ ᴘᴀɢʟᴀʟᴀᴋᴀᴅ ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴍᴘᴀʟᴀᴛᴀʏᴀ ᴀᴛ ᴅᴇʙᴏꜱʏᴏɴ ᴘᴀʀᴀ ᴋᴀʏ ꜱᴀɴ ɪꜱɪᴅʀᴏ ʟᴀʙʀᴀᴅᴏʀ. ✨Inaanyayahan po namin ang lahat n...
28/04/2026

✨ ꜱᴀᴍᴀ-ꜱᴀᴍᴀɴɢ ᴘᴀɢʟᴀʟᴀᴋᴀᴅ ꜱᴀ ᴘᴀɴᴀɴᴀᴍᴘᴀʟᴀᴛᴀʏᴀ ᴀᴛ ᴅᴇʙᴏꜱʏᴏɴ ᴘᴀʀᴀ ᴋᴀʏ ꜱᴀɴ ɪꜱɪᴅʀᴏ ʟᴀʙʀᴀᴅᴏʀ. ✨

Inaanyayahan po namin ang lahat ng gustong sumali sa ating 𝐒𝐚𝐠𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng ating minamahal na Patron, 𝑺𝒂𝒏 𝑰𝒔𝒊𝒅𝒓𝒐 𝑳𝒂𝒃𝒓𝒂𝒅𝒐𝒓. Ito po ay isang magandang pagkakataon upang maipakita ang ating pasasalamat, pananampalataya, at pagkakaisa bilang isang komunidad.

𝗦𝗶𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶?
Bukas po ito sa lahat—bata man o matanda, walang pinipiling edad, basta’t may pusong handang makiisa at makilahok.

📅 𝗗𝗮𝘁𝗲 & 𝗧𝗶𝗺𝗲:
May 15, 2026 | 4:00 PM

📍 𝗔𝘀𝘀𝗲𝗺𝗯𝗹𝘆 𝗔𝗿𝗲𝗮:
Marawa Chapel

👗 𝗔𝘁𝘁𝗶𝗿𝗲:
• Sagala – any gown
• Procession – white shirt

📌 𝗥𝗲𝗺𝗶𝗻𝗱𝗲𝗿𝘀:
• Be on time po sa assembly at sa mismong event.
• Panatilihin po ang proper decorum habang nasa activity.

📩 For inquiries / confirmation, please contact:
Darwin A. Opeña – Youth Coordinator
📱 0965-476-6488

Virgie De Leon Pradez

Sama-sama po nating ipagdiwang ang Kapistahan ni San Isidro Labrador na may puso ng pasasalamat at pananampalataya. Magkita-kita po tayo! 🌾✨

𝗠𝗮𝘀𝗱𝗮𝗻 | Mga kuhang larawan sa isinagawang 𝐄𝐬𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐇𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 noong Viernes Santo, Abril 3, 2026.Sa bawat istasyon, sama-s...
06/04/2026

𝗠𝗮𝘀𝗱𝗮𝗻 | Mga kuhang larawan sa isinagawang 𝐄𝐬𝐭𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐇𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥 noong Viernes Santo, Abril 3, 2026.

Sa bawat istasyon, sama-sama nating ginunita at pinagnilayan ang pagpapakasakit at pag-aalay ng ating Panginoon para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Nawa’y magsilbi itong paalala ng Kanyang wagas na pag-ibig at magsilbing gabay sa ating patuloy na pananampalataya.

Maraming salamat po sa inyong taimtim na pakikiisa! Pagpalain po kayong lahat ng Panginoon!

Hosanna sa Kataas-taasan!🌿𝗠𝗮𝘀𝗱𝗮𝗻 | Mga kuhang larawan mula sa ginanap na Anticipated Mass kahapon, March 28, 2026, para ...
29/03/2026

Hosanna sa Kataas-taasan!🌿

𝗠𝗮𝘀𝗱𝗮𝗻 | Mga kuhang larawan mula sa ginanap na Anticipated Mass kahapon, March 28, 2026, para sa pagdiriwang ng 𝐏𝐚𝐥𝐦 𝐒𝐮𝐧𝐝𝐚𝐲, bilang pagsisimula ng banal na panahon ng 𝐒𝐞𝐦𝐚𝐧𝐚 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐚.

Sa bawat pagwagayway ng palaspas at pag awit ng “Hosanna,” sama-sama nating sinalubong ang Panginoon, ginugunita ang Kanyang maluwalhating pagpasok sa Jerusalem.

Nawa’y magsilbi itong paanyaya sa atin upang ihanda ang ating mga puso sa paglalakbay kasama Niya mula sa tagumpay hanggang sa Kanyang dakilang sakripisyo sa krus.

Maraming salamat po sa lahat ng nakiisa at nakibahagi!

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa banal na gawain ng 𝗣𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 na sisimulan bukas, 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨, 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟑𝟎, 𝟐...
29/03/2026

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa banal na gawain ng 𝗣𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 na sisimulan bukas, 𝐋𝐮𝐧𝐞𝐬 𝐒𝐚𝐧𝐭𝐨, 𝐌𝐚𝐫𝐬𝐨 𝟑𝟎, 𝟐𝟎𝟐𝟔, bilang bahagi ng ating paggunita sa 𝐌𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐀𝐫𝐚𝐰.

Sama-sama po nating tunghayan at pagnilayan ang paghihirap, kamatayan, at dakilang pag-ibig ng ating Panginoong Hesukristo para sa ating kaligtasan.

Nawa’y ang ating pakikiisa ay maging daan sa mas malalim na pananampalataya at taos-pusong pagbabalik-loob sa Diyos.

Inaanyayahan po ang bawat isa na dumalo at makibahagi. Maraming salamat po.

Address

Marawa
Jaen
3109

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Isidro Labrador Chapel - Pamayanan ng Marawa posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share


Other Community Centers in Jaen

Show All