Barangay Biclatan

Barangay Biclatan This is the Official page of Barangay Biclatan General Trias City, Cavite

📢 PABATID: 4Ps COMMUNITY ASSEMBLY VALIDATION 📢Mga ka-Barangay! Ipinaaalam sa lahat ng napiling pamilya na magkakaroon ng...
18/09/2026

📢 PABATID: 4Ps COMMUNITY ASSEMBLY VALIDATION 📢

Mga ka-Barangay! Ipinaaalam sa lahat ng napiling pamilya na magkakaroon ng Community Assembly Validation para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

⚠️ MAHALAGANG PAALALA: (Makikita ang listahan ng mga kwalipikadong maging miyembro sa inyong mga Barangay Hall. Kung sakaling ito ay hindi pa naipapaskil sa inyong mga Barangay Hall, maaari lamang po na abangan ito sa mga susunod na araw.)

1️⃣ CBMS Selection: Ang mga kwalipikadong pamilya ay mula sa datos ng PSA (Community-Based Monitoring System) na dumaan sa masusing pagpili ng DEPDev at DSWD.

2️⃣ Community Validation: Ang nakapaskil na listahan ay para sa kaalaman ng lahat at validation. Ang mga katanungan o reklamo ay opisyal na tatanggapin sa mismong iskedyul ng assembly.

3️⃣ "No PhilSys, No Program Continuity": OBLIGADO ang lahat ng miyembro na maging rehistrado sa PhilSys / National ID hanggang Disyembre 31, 2026. Ang hindi makakatupad dito ay maaaring matanggal sa programa.

📋 DETALYADONG LISTAHAN NG MGA REQUIREMENTS
(Dalhin ang Orihinal at Photocopy ng mga sumusunod)

👤 1. PAGKAKAKILANLAN (IDENTIFICATION)

🔳 PhilSys ID / National ID o anumang patunay ng pagpaparehistro (ePhilID, BBM Serbisyo result, o National ID Check) ng lahat ng miyembro ng pamilya.

🔳 Birth Certificate (PSA o Local Civil Registrar) ng LAHAT ng miyembro ng pamilya

🔳 Marriage Contract / Certificate (para sa mga kasal)

🔳 Death Certificate (para sa mga yumaong miyembro na nasa lumang listahan)

📚 2. PARA SA MGA BATANG NAG-AARAL

🔳 Certificate of School Attendance / Enrolment Form

🔳 Valid School ID at/o Report Card (Form 138 / SF9) (Kung mayroon)

🏥 3. PARA SA KALUSUGAN (HEALTH)

🔳 Health Attendance Certificate / Clinic Form (para sa mga buntis at batang edad 0-5 taong gulang)

♿ 4. PARA SA PWD / SPECIAL NEEDS

🔳 Person with Disability (PWD) ID
🔳 Updated Medical Certificate (kung walang PWD ID)

📌 Paki-share ang post na ito para sa kaalaman ng ating mga kabarangay! Subaybayan ang page na ito para sa anumang huling pagbabago sa iskedyul.

Ang lahat ng kumpleto ang requirements ang siya lamang mairerehistro sa programa

Kung may kulang man sa requirements, agad itong kumpletuhinsa araw ng validation. Maaari pa ring pumunta, ngunit hindi marerehistro kung sakaling hindi maibibigay ang kulang na requirements.

Kung sakaling may katanungan, mangyari lamang po ng mag-komento sa link na ito
https://www.facebook.com/share/p/1K5KtWpgMG/

Maligayang Kaarawan po, Kagawad Olive de Leon! Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, kalakasan, kalig...
13/09/2026

Maligayang Kaarawan po, Kagawad Olive de Leon!
Nawa’y patuloy kayong pagkalooban ng mabuting kalusugan, kalakasan, kaligayahan at maraming biyaya upang patuloy ninyong magampanan ang inyong tungkulin at makapaglingkod nang buong puso para sa ating mga kabarangay.

Taos-pusong pasasalamat ng Barangay Biclatan sa Association of Cavite Filipino-Chinese Business Club Association Inc sa ...
09/09/2026

Taos-pusong pasasalamat ng Barangay Biclatan sa Association of Cavite Filipino-Chinese Business Club Association Inc sa pangunguna ni Sir Jack and Mam Mary Ann Tiu, FFCCCII Foundation Inc at sa lahat ng naging bahagi at katuwang sa matagumpay na pagsasagawa ng ating Medical at Dental Mission.

Lubos po naming pinahahalagahan ang inyong oras, serbisyo, malasakit, at dedikasyon sa pagbibigay ng libreng serbisyong medikal at dental para sa ating mga kabarangay. Malaking tulong ito, lalo na sa mga pamilyang nangangailangan ng access sa serbisyong pangkalusugan.

Maraming salamat sa din po sa mga doktor, dentista, nurses, medical staff, volunteers, BHW, BNS, Barangay Tanod, 625 na nagpatingin at mga katuwang na organisasyon, gayundin sa lahat ng nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang programang ito.

Mula sa Pamahalaang Barangay Biclatan, maraming maraming salamat po! Mabuhay po kayong lahat!

Nakiisa ang Barangay Biclatan sa pagdiriwang ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month 2026 sa pamamagitan ng ...
07/09/2026

Nakiisa ang Barangay Biclatan sa pagdiriwang ng Maritime and Archipelagic Nation Awareness Month 2026 sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Simultaneous Flag Raising Ceremony.

Bawat Bayan Makikinabang Program. Ang Barangay Biclatan ay may kabuuang 20,970 na populasyon at 6,895 households. Dahil ...
05/09/2026

Bawat Bayan Makikinabang Program.

Ang Barangay Biclatan ay may kabuuang 20,970 na populasyon at 6,895 households. Dahil dito, hindi sapat ang bilang ng rice slots na inilaan upang mabigyan ang bawat pamilya sa ating barangay.

Para sa kasalukuyang pamamahagi, 749 slots lamang ang inilaan para sa Barangay Biclatan, habang 400 slots naman ang nakalaan para sa iba’t ibang sektor tulad ng Senior Citizens, PWD, Solo Parents, Kababaihan, BBM TODA, at iba pang sektor.

Hindi po kayang mabigyan ang lahat ng households dahil limitado lamang ang bilang ng slots na ipinagkaloob sa ating barangay.

Pakiunawa po na ang Barangay ay walang kakayahang dagdagan ang bilang ng slots. Ang pamamahagi ay ibinabatay lamang sa bilang ng beneficiaries/slots na inilaan sa ating barangay.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Maraming salamat po, Pangulong Bongbong Marcos, Congressman Ony Ferrer, Mayor Jon-Jon Ferrer, Vice Mayor Jonas Porto Labuguen at buong Sangguniang Panlungsod Members.

MEDICAL & DENTAL MISSION SA BARANGAY ‼️LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL AT DENTAL PARA SA ATING MGA KA-BARANGAY. Inaanyayahan ...
03/09/2026

MEDICAL & DENTAL MISSION SA BARANGAY ‼️

LIBRENG SERBISYONG MEDIKAL AT DENTAL PARA SA ATING MGA KA-BARANGAY.

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa isasagawang Medical and Dental Mission sa ating barangay. Layunin nitong mailapit sa ating komunidad ang kinakailangang serbisyong pangkalusugan at dental care.

Medical Consultation
Dental Check-up / Services
Iba pang serbisyong pangkalusugan

📅 Petsa: September 6, 2026 (SUNDAY)
⏰ Oras: 8:00AM - 12:00NN
📍 Lugar: Greenbreeze covered court

Kalusugan ay alagaan, serbisyong pangkalusugan ay ilapit sa bawat ka-barangay.

Huwag palampasin ang pagkakataong makapagpa-check-up at mapangalagaan ang inyong kalusugan.

02/09/2026

Rice subsidy distribution ‼️

🗓️September 4, 2026 (Friday)
⏰8:00AM - 5:00PM
📍Greenbreeze covered court

Sa lahat po ng benepisyaryo, inaanyayahan po kayong pumunta sa itinakdang oras para sa pamamahagi ng bigas.

📌 Huwag kalimutang dalhin ang inyong STUB para sa maayos at mabilis na proseso ng pamamahagi.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at kooperasyon!

PAUNAWA – UPLIFT PROGRAMNarito ang mga pangalan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Program:Mahalagang paglilinaw:Nais po nami...
13/08/2026

PAUNAWA – UPLIFT PROGRAM

Narito ang mga pangalan ng mga benepisyaryo ng UPLIFT Program:

Mahalagang paglilinaw:
Nais po naming ipabatid sa ating mga kabarangay na ang listahang ito ay HINDI ginawa, pinili, o binuo ng Barangay at hindi rin ng DSWD.

Ang Barangay at DSWD ay sumusunod lamang sa listahang ibinigay at sa proseso na itinakda para sa programa. Nakipagtulungan lamang ang Barangay sa pamamagitan ng pagbibigay at pagtulong sa validation ng kinakailangang impormasyon mula sa PSA, ngunit wala po itong kapangyarihan na pumili kung sino ang maisasama o matatanggal sa listahan ng mga benepisyaryo.

MULI, Ang Barangay at DSWD ay nakipagtulungan lamang sa proseso ng pagkuha at pagbuo ng listahan mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) bilang bahagi ng pagpapatupad ng programa.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Maraming salamat po!

-Barangay Biclatan

‼️ PAALALA SA MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT PROGRAM! ‼️Para sa mga NAABISUHANG BENEPISYARYO ng UPLIFT Program, narito ang m...
13/08/2026

‼️ PAALALA SA MGA BENEPISYARYO NG UPLIFT PROGRAM! ‼️

Para sa mga NAABISUHANG BENEPISYARYO ng
UPLIFT Program, narito ang mga detalye ng payout:

📅 August 14, 2026 (Biyernes)
⏰ 8:00 AM
📍 Covered Court, Pennsylvania Subd., Brgy. San Juan I, City of General Trias, Cavite

MAHALAGANG PAALALA:

✅ Ang payout ay PARA LAMANG sa mga naabisuhang benepisyaryo ng UPLIFT Program.

✅ Ang opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ay batay sa 2024 Community-Based Monitoring System (CBMS).

❌ Walang walk-in o bagong aplikasyon sa araw ng payout.

🪪 MAGDALA NG VALID ID.
‼️ Hindi po tinatanggap ang Barangay ID bilang valid ID para sa payout.

🏠 Kung ang address na nakalagay sa inyong Valid ID ay HINDI sa General Trias, kinakailangan po na magdala rin ng Certificate of Residency bilang patunay na kayo ay residente ng General Trias.

📄 Mangyaring dalhin ang lahat ng kinakailangang dokumento at requirements upang maging maayos at mabilis ang proseso ng payout.

📌 PAALALA: Ang listahan ng mga benepisyaryo ay hindi galing sa Barangay at City Hall. Ang listahan ng UPLIFT beneficiaries ay batay sa 2024 CBMS ng Philippine Statistics Authority (PSA) at ipinatutupad ng DSWD.

Kung kayo ay kabilang sa mga naabisuhan, mangyaring dumating sa itinakdang lugar at oras at dalhin ang inyong mga kinakailangang dokumento.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa, pang-unawa, at kooperasyon!

August 10, 2026: LIGTAS TIGDAS: MR-SIA 2026Matagumpay po nating sinimulan ngayong araw ang Ligtas Tigdas: Measles-Rubell...
10/08/2026

August 10, 2026: LIGTAS TIGDAS: MR-SIA 2026

Matagumpay po nating sinimulan ngayong araw ang Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA) 2026.

Maraming salamat po sa mga magulang na nakipagtulungan at nagdala ng kanilang mga anak upang mabigyan sila ng karagdagang proteksyon laban sa Tigdas at Rubella.

Ang pagbabakuna ay isang mahalagang hakbang upang maprotektahan ang ating mga anak at buong komunidad laban sa mga vaccine-preventable diseases.

Patuloy po nating suportahan ang Ligtas Tigdas 2026 at sama-sama nating gawing mas ligtas at mas malusog ang ating komunidad!

Isang bakuna, dagdag proteksyon.
Ligtas na bata, ligtas na komunidad!

Address

Barangay Biclatan
General Trias
4107

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63465091644

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Biclatan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share