Philippine Agarwood Community

Directions

Philippine Agarwood Community Welcome to Philippine Agarwood Community. We belong to PASI dahil PASIsikatin natin ang Agarwood na Tatak Pilipino.

We have nursery partners and Agarwood farmers mula Luzon,Visayas and Mindanao. Kami ang inyong ka-partner sa Agarwood Farming🇵🇭🌳

30/10/2026

Agarwood Backyard Tree Farming 🌳🪵🌱Why not!

🌳 AGARWOOD BACKYARD PLANTING

“Hindi Kailangan ng Malawak na Lupain Para Magsimula sa Agarwood Farming!”

Ang Agarwood Backyard Planting ay isang magandang paraan upang makapagsimula sa pagtatanim ng Agarwood kahit limitado lamang ang espasyo sa inyong bakuran.

🌱 Bakit Magtanim ng Agarwood sa Backyard?

✅ Small Space, Big Potential – Hindi kailangan ng ektaryang lupain upang makapagsimula.

✅ Long-Term Investment – Ang Agarwood ay may potensyal na magkaroon ng komersyal na halaga kapag matagumpay ang paglaki, resin formation, at pagproseso nito.

✅ Environment-Friendly – Nakakatulong ang pagtatanim ng mga puno sa pagpapaganda at pagpapalunti ng kapaligiran.

✅ Learning Opportunity – Maaari mong pag-aralan ang tamang cultivation, pruning, tree management, at inoculation.

✅ Start Small, Grow Big – Maaaring magsimula sa ilang seedlings habang unti-unting natututuhan ang Agarwood farming.

🌿 Mga Tips sa Backyard Planting

Pumili ng tamang lugar – May sapat na sikat ng araw at maayos na drainage.

Maglaan ng sapat na espasyo – Maaaring gawing panimulang gabay ang 3–4 metrong pagitan ng mga puno, depende sa lugar at management plan.

Gumamit ng healthy seedlings – Pumili ng legal na pinagmulang Aquilaria seedlings.

Regular na alagaan – Magdilig kung kinakailangan, maglagay ng mulch, at bantayan ang peste at sakit.
Planuhin ang pangmatagalang paglaki – Isaalang-alang ang laki ng puno, ugat, mga gusali, at mga linya ng kuryente.

💚 PAALALA

Ang Agarwood ay hindi instant income. Ang kalidad at dami ng resin ay nakadepende sa species, kalusugan ng puno, inoculation method, at iba pang kondisyon. Hindi garantisado ang kita.

“Your Backyard Today, Your Agarwood Forest Tomorrow!” 🌳




🌳PARA MAGING LEGAL, ALAMIN ANG C.I.T.E.S PARA SA AGARWOODMga Batas at Regulasyon sa Internasyonal na Kalakalan ng Agarwo...
30/10/2026

🌳PARA MAGING LEGAL, ALAMIN ANG C.I.T.E.S PARA SA AGARWOOD

Mga Batas at Regulasyon sa Internasyonal na Kalakalan ng Agarwood

🇵🇭 Mahalagang Kaalaman para sa mga Agarwood Farmers sa Pilipinas

🌿 1. Ano ang CITES?

Ang CITES ay nangangahulugang Convention on International Trade in Endangered Species of Wild Fauna and Flora.

Isa itong pandaigdigang kasunduan na naglalayong protektahan ang mga hayop at halaman upang matiyak na ang kanilang internasyonal na kalakalan ay hindi magdudulot ng panganib sa kanilang kaligtasan at patuloy na pagdami.

Kabilang dito ang mga punong pinagmumulan ng Agarwood o Oud.

🌳 2. Protektado ba ang Agarwood sa ilalim ng CITES?

OO!

Ang mga punong Agarwood mula sa genera na Aquilaria at Gyrinops ay nakalista sa CITES Appendix II.

Kabilang dito ang:

🌱 Aquilaria malaccensis
🌱 Aquilaria cumingiana
🌱 Aquilaria filaria
🌱 Aquilaria sinensis

Ano ang ibig sabihin ng Appendix II?

Hindi nangangahulugan na bawal nang ibenta o i-export ang Agarwood.

Sa halip, nangangahulugan ito na maaaring payagan ang internasyonal na kalakalan kung legal ang pinagmulan ng produkto at kumpleto ang kinakailangang mga permit.

📋 3. Anong mga produktong Agarwood ang sakop ng CITES?

Ang mga sumusunod ay karaniwang nangangailangan ng CITES documentation kapag iniluluwas sa ibang bansa:

✅ Agarwood Chips
✅ Oud Oil o Agarwood Essential Oil
✅ Agarwood Carvings
✅ Agarwood Beads at Bracelets
✅ Buhay na Agarwood Seedlings

May ilang produktong hindi sakop ng CITES controls, kabilang ang:

✅ Mga buto o seeds
✅ Pollen
✅ Mga dahon at prutas
✅ Ilang finished products na nakabalot at handa nang ibenta sa retail, gaya ng ilang pabango

Paalala: May mga kondisyon at exemption na dapat suriin. Hindi lahat ng produktong tinatawag na finished product ay awtomatikong exempted.

🇵🇭 4. Paano Legal na Mag-export ng Agarwood mula sa Pilipinas?

STEP 1 — Patunayan ang Legal na Pinagmulan

Dapat may dokumentasyon na nagpapatunay na ang mga punong Agarwood ay legal na nakuha, itinanim, pinalaki, at inani.

STEP 2 — Alamin ang mga Kinakailangan ng DENR

Makipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang malaman ang naaangkop na registration, permit, at iba pang dokumento.

STEP 3 — Kumuha ng CITES Export Permit

Para sa mga produktong sakop ng CITES, kinakailangan ang naaangkop na CITES Export Permit bago ang pagpapadala sa ibang bansa.

STEP 4 — Alamin ang Import Requirements ng Bansang Pagpapadalhan

Maaaring may karagdagang requirements ang importing country, tulad ng phytosanitary certificate, customs documents, at iba pang permit.

STEP 5 — Kumpletuhin ang Legal na Proseso

Siguraduhing kumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento bago mag-export.

⚖️ 5. Ano ang Kaugnayan ng Republic Act No. 9147?

Ang RA 9147, o Wildlife Resources Conservation and Protection Act, ay isa sa mga pangunahing batas sa Pilipinas na namamahala sa pangangalaga at paggamit ng wildlife resources, kabilang ang mga sakop nitong halaman.

Mahalagang tandaan:

🌳 Ang pagtatanim ng Agarwood ay hindi awtomatikong nagbibigay ng karapatang mag-export.

🌳 Ang plantation-grown Agarwood ay maaari pa ring mangailangan ng CITES Export Permit.

🌳 Ang DENR Local Transport Permit (LTP) ay hindi kapalit ng CITES Export Permit.

🌳 Mahalagang magkaroon ng legal na dokumentasyon mula sa pagtatanim hanggang sa pag-aani at pagbebenta.

🌏 6. Bakit Mahalaga ang CITES sa mga Agarwood Farmers?

Ang pagsunod sa CITES ay mahalaga upang:

✅ Makatulong sa pangangalaga ng mga species ng Agarwood.

✅ Maiwasan ang ilegal na pagkuha at pagbebenta ng Agarwood.

✅ Magkaroon ng pagkakataong makapasok sa legal na international market.

✅ Mapalakas ang kredibilidad ng mga lehitimong Agarwood farmers at exporters.

✅ Maisulong ang sustainable Agarwood farming sa Pilipinas.

🌿 MENSAHE NG PASI

PHILIPPINE AGARWOOD SOLUTIONS INC. (PASI)

Ang matagumpay na Agarwood farming ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim, inoculation, at pagbuo ng resin.

Mahalaga ring maunawaan ang mga batas at regulasyon upang matiyak na ang ating mga produkto ay maaaring maibenta at maipadala sa ibang bansa nang legal.

“Magtanim nang tama. Magprodyus nang may kalidad. Sumunod sa batas. At palaguin ang industriya ng Philippine Agarwood.”

🌳 PASI — Growing Knowledge. Growing Opportunities.

🌳🌿 AGARWOOD ONSITE TRAINING 2026 🌿🌳Learn the A.R.T. of Agarwood Tree Farming!Join us for an exciting 2-day onsite traini...
30/10/2026

🌳🌿 AGARWOOD ONSITE TRAINING 2026 🌿🌳

Learn the A.R.T. of Agarwood Tree Farming!

Join us for an exciting 2-day onsite training organized with PASI (Philippine Agarwood Solutions Inc.)!

📅 DECEMBER 10–11, 2026
📍 ROVING FARM
Sitio Bigaa, Brgy. San Pablo, Naval, Biliran Province

🎓 WITH SPECIAL GUESTS FROM:
UP LOS BAÑOS – COLLEGE OF FORESTRY AND NATURAL RESOURCES (CFNR)
Agarwood Project

🌱 DISCOVER THE SCIENCE, ART, AND ECONOMIC POTENTIAL OF AGARWOOD FARMING!

Learn about:
🌿 Agarwood tree cultivation and management
🌳 Aquilaria species and their characteristics
💉 Agarwood inoculation and resin formation
🔬 The science behind agarwood production
💰 Agarwood harvesting, grading, and market opportunities
🌏 Sustainable and responsible agarwood farming

✨ FROM KNOWLEDGE TO OPPORTUNITY!

Whether you're a beginner, farmer, investor, or agarwood enthusiast, this training is an opportunity to expand your knowledge and connect with fellow agarwood growers.

🇵🇭 PASI – Growing Knowledge. Growing Opportunities.

Register and secure your slot now!
Registration Fee is 5,000 pesos only.
For more details, call or text Ms Pearl Manrique 0965-807-4629.

🌳 PLANT TODAY. LEARN THE SCIENCE. GROW FOR THE FUTURE!


29/10/2026

🌳Agarwood Onsite Training on December 10-11, 2026 in Naval, Biliran Province with our speci guests from UP Los Baños and DENR Eastern Visayas.

Learn the A.R.T of Agarwood.
Register and secure your slot.

DM us or Call /text 0949-632-8381 for more details.




LEGAL OR ILLEGAL  BA ANG MAGTANIM NG AGARWOOD? 🌳Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) na ang ...
29/10/2026

LEGAL OR ILLEGAL BA ANG MAGTANIM NG AGARWOOD? 🌳
Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources(DENR) na ang pagtatanim ng agarwood species tulad ng Aquilaria malaccensis ay pinapayagan ngunit may ipinatutupad naman na mahigpit na regulasyon kagaya ng pagbabawal sa pagkuha ng buto nito direkta sa kagubatan.

Sa press release ang pahayag na ito ay inilabas ni DENR Secretary Roy A. Cimatu matapos na payagan ang pagbibigay ng Wildlife Culture Permit sa pamamagitan ng DENR regional offices sa ilang kumpanya sa pagtatanim ng agarwood gamit ang Aquilaria malaccensis. “The DENR is always in the middle of balancing things, from protecting and conserving threatened flora and fauna, making sure that the resources can still be used for our
economic development, especially during this crisis, but utilization in a sustainable manner,” saad ni Cimatu.

Dagdag pa nito: “Before engaging in this highly regulated lucrative endeavor, interested individuals and private firms are advised to secure all the necessary permits from the DENR. We must ensure that the source of planting materials is legal and that the propagation of this species is in accordance with the existing rules and regulations.”

Ang agarwood ay nakukuha sa Aquilaria species na dinadala sa Indomalesia region. Siyam sa 21 Aquilaria species ay matatagpuan sa Pilipinas base na rin sa international study na may pamagat na “The Origin and Domestication of Aquilaria, an Important Agarwood-Producing Genus.”

Ayon sa DENR anim sa mga ito ay matatawag na endemic o matatagpuan lamang sa Pilipinas habang ang tatlo pang iba ay tinaguriang native o indigenous. Kabilang sa native o indigenous species ay ang Aquilaria malaccensis na matatagpuan din sa mga bansang Bangladesh, Bhutan, India, Indonesia, Iran, Malaysia, Myanmar, Singapore at Thailand.

Ang Aquilaria malaccensis na mas kilala sa tawag na “lapnisan” ay ang pangunahing pinagkukunan ng agarwood na sinasabing resinous heartwood na ginagamit sa pabango
at insenso.

Kaugnay nito samantala, sinabi naman ni DENR-BMB Director Datu Tungko Saikol na ang pagkuha ng buto at seedlings, agarwood at iba pang bagay na nanggaling sa Aquilaria
malaccensis sa kagubatan para sa “commercial at trade purposes” ay “not allowed yet pending the population assessment study of the species in the Philippines.”

Dagdag pa dito, ang Local Transport Permit ay kinakailangan “for the transportation of
legally acquired seeds, seedlings, agarwood, and other agarwood by-products and derivatives.”


🌳HUWAG MANIWALA SA FAKE NEWS UKOL SA AGARWOOD DAHIL MAY LEGAL AGARWOOD TREE FARMING SA PILIPINAS🇵🇭 Legal ang mag Agarwoo...
29/10/2026

🌳HUWAG MANIWALA SA FAKE NEWS UKOL SA AGARWOOD DAHIL MAY LEGAL AGARWOOD TREE FARMING SA PILIPINAS🇵🇭

Legal ang mag Agarwood Tree farming sa Pilipinas simula 2021-2022 dahil inaprubahan ng DENR ang legal propagation nito pero may mga regulasyon na dapat sundin na naaayon sa R.A 9147.

Kaya nga may mga AGARWOOD TRAININGS na isinasagawa para tamang impormasyon at kaalaman ang maipamahagi sa mga gustong pasukin ang Agarwood Tree farming.

Iyong mga nahuhuli, maliwanag na mayroon violations sa RA 9147.

SUNDIN LANG ANG RA 9147 🌳🪵



28/10/2026

Resin and Oil Development sa sanga ng Aquilaria Tree🌳🪵

Pag -usapang INOCULATION , 3 Major Variables ang dapat nating tandaan:

1. ACTIVE Inoculant Formula ( Dapat 100 ℅ Food grade at Organic like AgarPrime . NEVER USE CHEMICAL Based inoculant)

2. RIGHT Techiques ( Follow the standard and tested techniques sa pag inoculate or else pwedeng mamamtay ang inyong mga kahoy)

3.TIMELY HARVEST ( May tendency na mag recover or magheal ang mga na-inoculate na mga trees. May timeline talaga yan.)

Para malaman mo ang iba pang technical details, join us on December 10-11, 2026 sa ating ONSITE TRAINING sa Naval, Biliran Province. Message lang ang fb page ng PASI or Philippine Agarwood Solutions, Inc. . Call or text 0949-632-8381.





🌳 AGARWOOD TREE FARMING BASIC ORIENTATION 2026 🌿📅 Date: November 7, 2026 (Saturday)⏰ Time: 9:00 AM – 11:00 AM📍 Venue: Si...
28/10/2026

🌳 AGARWOOD TREE FARMING BASIC ORIENTATION 2026 🌿

📅 Date: November 7, 2026 (Saturday)
⏰ Time: 9:00 AM – 11:00 AM
📍 Venue: Sitio Ubat, Catalunan Grande, Davao City (Near Lola Mommy Restaurant)
💰 Registration Fee: ₱500 only

🌱 Gusto mo bang matuto tungkol sa Agarwood Tree Farming at sa economic potential nito?

Alamin ang mga pangunahing kaalaman sa pagtatanim, pag-aalaga, inoculation, resin formation, harvesting, at marketing ng Agarwood!

🌳 PLANT TODAY, GROW FOR TOMORROW!
📞 For inquiries and registration:
0949-632-8381 Look for Mario
🔥 LIMITED SLOTS AVAILABLE! REGISTER NOW






🌱 AGARWOOD SEEDLINGS NOW AVAILABLE IN DAVAO CITY! 🌳✨Start Your Agarwood Farming Journey Today!Looking for quality Agarwo...
28/10/2026

🌱 AGARWOOD SEEDLINGS NOW AVAILABLE IN DAVAO CITY! 🌳✨

Start Your Agarwood Farming Journey Today!
Looking for quality Agarwood seedlings?

We have seedlings available right here in Davao City!

🌿 Healthy, quality Agarwood seedlings
🌿 Ideal for backyard planting and farm development
🌿 Great for aspiring Agarwood growers
🌿 Bulk orders are welcome
🌿 Guidance on proper planting and cultivation

📍Pick up Location: Catalunan Grande, Davao City
📞 For inquiries: 0949-632-8381
👤 Look for Mario

🌳 Plant Today. Grow for Tomorrow. Invest in a Greener Future!

Your Agarwood journey begins with one seedling!


Address

Mindanao
General Santos City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Philippine Agarwood Community posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Nearby non profit organizations