01/11/2026
Mga Paalala ng PNP para sa Ligtas Undas
1. Siguraduhing nakasara at nakakandado ang inyong tahanan bago umalis.
2. Iwasang magdala ng mga matutulis na bagay, armas, at ipinagbabawal na gamit sa sementeryo.
3. Bantayan ang mga bata at matatanda upang hindi mawala o mapahiwalay sa pamilya.
4. Panatilihing malinis ang sementeryo at itapon ang basura sa tamang lalagyan.
5. Maging alerto at mapagmatyag sa mga kahina-hinalang tao o pangyayari.
6. Sumunod sa mga alituntunin ng PNP at lokal na pamahalaan para sa kaligtasan ng lahat.
Mga Slogan para sa Ligtas Undas
- "Ligtas Undas, Sama-samang Pag-iingat para sa Payapang Paggunita!"
- "Undas ay Alalahanin, Kaligtasan ay Unahin!"
- "Bantay-Sarado sa Kaligtasan, Iwasan ang Kapahamakan!"
- "Sa Undas 2026, Kaligtasan ng Bawat Isa ang Prayoridad!"
- "Police Presence, Public Safety, Peaceful Undas!"
POLICE STATION 8 – GSCPO
Bagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.