KK Purok Fernandez - Calumpang

KK Purok Fernandez - Calumpang Official Page of Prk. Fernandez Council

11/06/2026

ATTENTION, MGA KABABAYAN NATIN SA GENERAL SANTOS CITY!

Bilang inyong Mayor, nais ko pong ipaalam na patuloy na isasagawa ang HOUSE-TO-HOUSE RELEASING ng Family Food Packs para sa ating mga pamilyang nangangailangan ng tulong sa panahong ito.

Ang distribusyon ay pangungunahan ng ating mga Barangay Officials katuwang ang Local Government Unit upang masiguro na ang ayuda ay maayos, organisado, at makarating sa bawat benepisyaryong pamilya.

📌 PAALALA: Ang bawat BARANGAY ang may responsibilidad sa pagtatakda ng iskedyul ng pamamahagi sa kanilang nasasakupan. Hinihiling po namin ang inyong pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan sa inyong mga Barangay Officials para sa tamang impormasyon tungkol sa schedule ng distribusyon.

Patuloy po nating ginagawa ang lahat upang matiyak na walang maiiwan at bawat tahanan ay mabigyan ng kaukulang tulong.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa, pagtutulungan, at patuloy na pakikiisa habang tayo ay sama-samang bumabangon mula sa mga pagsubok na ating kinakaharap.

Kasama ninyo po ako sa bawat hakbang ng pagbangon ng ating lungsod.

- Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, MMPA

Address

Prk. Fernandez, Brgy. Calumpang
General Santos City
9500

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm
Sunday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when KK Purok Fernandez - Calumpang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share