21/10/2026
2026 Senior Care Day: Alaga sa mata at sa sarili!
Nitong lunes (Oktubre 19, 2026), sa taunang Senior Care Day program ng Ando Cua Foundation matagumpay na naihatid ang libreng eye check-up/educate, gupit, at pamamahagi ng bigas sa ating mga minamahal na senior citizens ng Barangay Gogon Centro at Sirangan!
Layunin ng programang ito na mas maipalapit ang serbisyong pangkalusugan at pangangailangan ng ating mga lolo at lola. Naniniwala kami na ang bawat nakatatanda ay karapat-dapat sa malasakit at kalinga, dahil sa kanila nagsimula ang ating lakas at inspirasyon.
Lubos ang aming pasasalamat sa mga sumusunod na volunteers at partners:
EO - Executive Optical
Yoshihira Beauty Center
Luna Hair Salon
BLGU Gogon Centro
BLGU Gogon Sirangan
Patuloy ang ACF sa pagbibigay serbisyo at kalinga sa ating mga nakakatanda bilang pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa ating komunidad.