03/11/2026
Limang taon na ang lumipasโฆ ngunit nananatiling buhay ang mensaheng hatid ng isang obrang nagpapaalala sa atin ng ugat at kasaysayan ng ating pananampalataya.
Limang taon na ang nakalilipas nang ipinagkaloob ni Ginoong Kenneth Mercado ang kaniyang natatanging obrang pinta kasabay ng pagdiriwang ng Anibersaryo ng Pagkakatalaga sa Dambana at Simbahan ng Parokya ni San Nicolas de Tolentino.
Ang obrang ito ay naging bahagi ng isang pambansang patimpalak sa Pilipinas na pinangunahan ng National Quincentennial Committee ng Republika ng Pilipinas, bilang bahagi ng makasaysayang pagdiriwang ng ika-500 taon ng pagdating ng Kristiyanismo sa ating bansa.
Pinamagatan niya itong โPagkalong sa Sanggol: Pagsibol ng Pananampalataya sa Bayang Hinirang.โ
Higit pa sa isang likhang-sining, ang obrang ito ay isang makabuluhang salaysay ng pananampalatayang unti-unting nag-ugat, namulaklak, at nagbunga sa puso ng sambayanang Pilipino. Sa bawat hagod ng pintura, tila muling isinasalaysay ang isang kasaysayang hindi lamang dapat alalahanin, kundi dapat ipagpasalamat at patuloy na isabuhay.
Sa paglipas ng limang taon, nananatiling paalala ang obrang ito na ang pananampalatayang ating tinanggap ay isang biyayang ipinagkatiwala sa atin. Hindi ito nagtatapos sa paggunita sa nakaraan, bagkus ay nagpapatuloy sa ating mga gawa ng pagmamahal, paglilingkod, at pagiging saksi ni Kristo sa ating kapwa.
Nawa'y sa patuloy nating paggunita sa kasaysayan ng ating Simbahan, huwag nating kalimutan ang ating tungkulin: ang maging buhay na saksi ng Mabuting Balita at mga tagapagmana ng pananampalatayang ipinasa sa atin ng mga naunang salinlahi.
Maligayang Anibersaryo ng Pagkakaatalaga ng Dambana at Simbahan ng Parokya ni San Nicolas De Tolentino.
Viva San Nicolas!!!
https://www.facebook.com/story.php?story_fbid=917321458903249&id=100070145802231&rdid=NbeUnhtPyi8Z9hJj #