Hanjin Village Neighborhood Association

Hanjin Village Neighborhood Association this is an independent association to help people of hanjin village.

[FB LIVE Coverage]IISANG BUBONG TAYO!𝙄𝙗𝙖-𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙞𝙞𝙨𝙖Sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay at tinatayang 8.2 milyong...
21/07/2026

[FB LIVE Coverage]
IISANG BUBONG TAYO!
𝙄𝙗𝙖-𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙞𝙞𝙨𝙖
Sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay at tinatayang 8.2 milyong kakulangan sa yunit ng pabahay sa bansa, mahalagang maiparinig ang tinig ng mga maralita, manggagawa, mangingisda at iba pang sektor na patuloy na naninindigan para sa sapat at ligtas na pampublikong pabahay.
Tatalakayin sa briefing ang mga layunin ng kampanya at ang serye ng mga aktibidad na magtatapos sa paggunita ng World Habitat Day 2026.
Samahan ninyo kami. Tulungan nating maihatid sa mas maraming mamamayan ang panawagan para sa karapatan sa sapat na pampublikong pabahay!




[FB LIVE Coverage]
IISANG BUBONG TAYO!
𝙄𝙗𝙖-𝙞𝙗𝙖 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙞𝙞𝙨𝙖

Sa gitna ng lumalalang krisis sa pabahay at tinatayang 8.2 milyong kakulangan sa yunit ng pabahay sa bansa, mahalagang maiparinig ang tinig ng mga maralita, manggagawa, mangingisda at iba pang sektor na patuloy na naninindigan para sa sapat at ligtas na pampublikong pabahay.

Tatalakayin sa briefing ang mga layunin ng kampanya at ang serye ng mga aktibidad na magtatapos sa paggunita ng World Habitat Day 2026.

Samahan ninyo kami. Tulungan nating maihatid sa mas maraming mamamayan ang panawagan para sa karapatan sa sapat na pampublikong pabahay!





15/07/2026
𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀, 𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆:𝙃𝙤𝙢𝙚𝙤𝙬𝙣𝙚𝙧𝙨 𝙉𝙖𝙗𝙖𝙬𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙜 𝙆𝙤𝙣𝙩𝙧𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙂𝙖𝙩𝙚 𝙣𝙜 𝙃𝙖𝙣𝙟𝙞𝙣 𝙑𝙞𝙡𝙡𝙖𝙜𝙚Ilang ulit n...
15/07/2026

𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀, 𝗦𝗮𝗺𝗮-𝘀𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆:𝙃𝙤𝙢𝙚𝙤𝙬𝙣𝙚𝙧𝙨 𝙉𝙖𝙗𝙖𝙬𝙞 𝙖𝙣𝙜 𝘽𝙖𝙝𝙖𝙜𝙞 𝙣𝙜 𝙆𝙤𝙣𝙩𝙧𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙂𝙖𝙩𝙚 𝙣𝙜 𝙃𝙖𝙣𝙟𝙞𝙣 𝙑𝙞𝙡𝙡𝙖𝙜𝙚

Ilang ulit nang napatunayan ng mga manggagawa at residente ng Hanjin Village na ang sama-samang pagkilos ang tunay na susi sa tagumpay. Muli itong pinatunayan noong gabi ng Hulyo 13, 2026, nang kumilos ang humigit-kumulang 250 kasapi ng Home Owners Association (HOA) at Hanjin Village Neighborhood Association (HVNA) upang igiit ang kanilang karapatang mangasiwa sa pangunahing gate ng Hanjin Village—isang pasilidad na matagal nang nasa kontrol ng Fiesta Developer.

Sa loob ng mahabang panahon, ginamit ng developer ang kontrol sa gate bilang instrumento ng panggigipit sa mga residente. Kabilang dito ang paniningil ng labis na bayarin sa pagpapapasok ng mga materyales at gamit sa bahay, gaya ng ₱6,000 na “construction bond”, ang ₱250 buwanang service fee, ang pagharang sa mga tauhan ng ZAMECO na magkabit ng serbisyo ng kuryente, at iba pang mapaniil na patakaran na nagpapahirap sa mga lehitimong benepisyaryo ng Hanjin Village.

Bunga ng matatag at nagkakaisang pagkilos ng mga residente, napilitan ang Fiesta Developer na umurong sa eksklusibong kontrol nito sa gate. Sa kasalukuyan, hati na ang pagbabantay sa pagitan ng mga security personnel ng developer at ng HOA/HVNA. Bagama’t hindi pa ganap na naibabalik sa mga residente ang pamamahala sa gate, isa itong mahalagang tagumpay na nagpapakita na kayang bawiin ng organisadong mamamayan ang mga espasyong matagal na kinontrol ng pribadong interes.

Ang tagumpay na ito ay kongkretong patunay na ang pagkakaisa, organisasyon, at militanteng pagkilos ang pinakamabisang sandata sa pagtatanggol sa demokratikong karapatan ng mga residente. Ipinakikita rin nito na maaaring mapaatras ang mapang-abusong mga patakaran ng developer sa harap ng sama-samang pagkilos ng mamamayan.

Ngunit hindi rito nagtatapos ang laban. Ang bahaging pagbawi sa kontrol ng gate ay isang hakbang lamang tungo sa mas malaking layunin—ang ganap na pagbawi ng Hanjin Village para sa mga manggagawang siyang tunay na nagbigay-buhay at nararapat na makinabang dito. Patuloy na isinusulong ng HOA at HVNA ang panawagang ibasura ang lahat ng mapanlinlang at mapaniil na patakaran ng Fiesta Developer, itigil ang anumang anyo ng panggigipit at bantang pagpapaalis, at igawad ang permanenteng paninirahan sa mga lehitimong benepisyaryo sa ilalim ng modified usufruct.

Ang bawat tagumpay na nakakamit ng nagkakaisang mamamayan ay hindi lamang tagumpay sa isang labanan. Ito ay hakbang tungo sa ganap na paggigiit ng karapatan, katarungan, at seguridad sa paninirahan ng mga manggagawang matagal nang ipinagkakait ang kanilang nararapat.




Address

Castillejos
2208

Telephone

+639952355068

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hanjin Village Neighborhood Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Hanjin Village Neighborhood Association:

Shortcuts

Share