19/05/2026
Ang ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ (๐๐๐๐ซ๐ง๐ข๐ง๐ ๐๐ฌ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ญ๐๐ง๐๐ ๐๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ ๐๐ง๐ ๐๐ง๐๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐ฏ๐ ๐๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ) ay isang lokal na inisyatiba ng Lungsod ng Carmona na naglalayong tugunan at mabawasan ang suliranin ng kawalan ng literasiya sa pamamagitan ng pagtutulungan at pakikipag-ugnayan ng komunidad.
Nakapaloob sa proyekto ang dalawang pangunahing hakbang: (1) ๐ฉ๐๐ ๐๐ข๐๐ข๐ ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ค๐๐ญ๐ฎ๐ญ๐จ para sa mga kabataang nahihirapan o nais mapaunlad ang kanilang kasanayan sa pagbabasa at upang maibalik sa paaralan ang mga out-of-school youth at children; at (2) ๐ข๐ง๐ค๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ๐ ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ค๐๐ซ๐๐ ๐๐๐ ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฎ๐ง๐๐ง na tumutugon sa pangangailangang pang-edukasyon ng mga kabataan, matulungan ang pamilya sa paglago ng kanilang kabataan, at makapagbigay ng suporta para sa kanilang kabuuang pag-unlad sa pamamagitan ng mga inklusibong serbisyo publiko handog ng lokal na pamahalaan.
Ang ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ay hindi lamang nakatuon sa pagkatuto at pag-gabay sa pagbabasa, kundi isang holistikong pamamaraan na tumutugon din sa kanilang mga pangangailangang panlipunan. Higit pa rito, nagsisilbi rin itong daan at panawagan tungo sa pagsasakatuparan ng ๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ข๐ง๐๐๐ฅ๐ ๐๐๐ฏ๐๐ฅ๐จ๐ฉ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐จ๐๐ฅ๐ฌ (๐๐๐๐ฌ).