Allshs SSG

Directions Contact the organization

Allshs SSG The Angelo L.

Loyola Senior High School - Supreme Secondary Learner Government (ALLSHS - SSLG) is an autonomous, unified, and the highest democratic representative of students in ALLSHS.

𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐎𝐅 𝐖𝐎𝐑𝐓𝐇 | 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟕 🌾𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 🦟Hindi kailangang makita ang panganib upang ito ay maging totoo...
17/10/2026

𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐎𝐅 𝐖𝐎𝐑𝐓𝐇 | 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟏𝟕 🌾

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘 🦟

Hindi kailangang makita ang panganib upang ito ay maging totoo. Sa mga sulok na napababayaan, maaaring magsimula ang paglaganap ng dengue, isang sakit na maaari nating maiwasan sa pamamagitan ng kamalayan at sama-samang pagkilos. ✨

Ang pag-iwas sa dengue ay hindi lamang responsibilidad ng iilan, kundi malasakit na dapat isabuhay ng bawat isa. Paalala ito na ang kaligtasan ay nagsisimula sa ating mga palad.

𝗦𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗶𝗹𝗼𝘀, 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗱𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲. 💛

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona


𝐒𝐄𝐂𝐎𝐍𝐃 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑𝐋𝐘 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐒𝐆𝐂  🏛️🌾Isinagawa ang 𝗦𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗦𝗚𝗖) para sa Ta...
16/10/2026

𝐒𝐄𝐂𝐎𝐍𝐃 𝐐𝐔𝐀𝐑𝐓𝐄𝐑𝐋𝐘 𝐌𝐄𝐄𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐒𝐆𝐂 🏛️🌾

Isinagawa ang 𝗦𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱 𝗤𝘂𝗮𝗿𝘁𝗲𝗿𝗹𝘆 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗦𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 (𝗦𝗚𝗖) para sa Taong Panuruan 2026–2027, na naglalayong talakayin ang mahahalagang usapin, suriin ang mga programa, at palakasin ang pagtutulungan ng mga sektor ng paaralan tungo sa mas maayos at epektibong pamamahala.

Bilang kinatawan ng mga mag-aaral, aktibong lumahok ang 𝗦𝗦𝗟𝗚 sa nasabing pagpupulong, na nagsilbing mahalagang pagkakataon upang maipahayag ang tinig, pangangailangan, at mga pananaw ng mga mag-aaral sa mga usaping may kinalaman sa kanilang kapakanan at pag-unlad.

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona

𝐁𝐑𝐈𝐆𝐀𝐃𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐔𝐖𝐄𝐋𝐀 𝐏𝐋𝐔𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀-𝐃𝐄𝐍𝐆𝐔𝐄 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍 𝐔𝐏 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄  🧹🦟Noong 𝗶𝗸𝗮-𝟬𝟴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟬𝟵 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, nakiisa ang paarala...
11/10/2026

𝐁𝐑𝐈𝐆𝐀𝐃𝐀 𝐄𝐒𝐊𝐔𝐖𝐄𝐋𝐀 𝐏𝐋𝐔𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔: 𝐊𝐎𝐍𝐓𝐑𝐀-𝐃𝐄𝐍𝐆𝐔𝐄 𝐂𝐋𝐄𝐀𝐍 𝐔𝐏 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄 🧹🦟

Noong 𝗶𝗸𝗮-𝟬𝟴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗸𝗮-𝟬𝟵 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, nakiisa ang paaralan sa pagpapanatili ng malinis, ligtas, at malusog na kapaligiran sa pamamagitan ng 𝗕𝗿𝗶𝗴𝗮𝗱𝗮 𝗘𝘀𝗸𝘂𝘄𝗲𝗹𝗮 𝗣𝗹𝘂𝘀 𝟮𝟬𝟮𝟲: 𝗞𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮-𝗗𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲 𝗖𝗹𝗲𝗮𝗻-𝗨𝗽 𝗗𝗿𝗶𝘃𝗲. 🧹

Sa pamamagitan ng sama-samang paglilinis at pag-aalis ng mga posibleng pamugaran ng lamok, muling pinagtibay ng bawat estudyante ang kahalagahan ng kalinisan at aktibong pakikilahok sa pangangalaga ng kalusugan ng komunidad.

𝗪𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗱𝗲𝗻𝗴𝘂𝗲! ✨

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona


𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐎𝐅 𝐖𝐎𝐑𝐓𝐇 | 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟎𝟖 🌾𝗠𝗔𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣Hindi lahat ay nagsisimula sa parehong lugar, at hindi rin pare-pareh...
08/10/2026

𝐖𝐎𝐑𝐃𝐒 𝐎𝐅 𝐖𝐎𝐑𝐓𝐇 | 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟎𝟖 🌾

𝗠𝗔𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣

Hindi lahat ay nagsisimula sa parehong lugar, at hindi rin pare-pareho ang bilis ng bawat paglalakbay. May mga pangarap na mas matagal abutin, at may mga hakbang na mas mabigat gawin. 💚

Sa kabila nito, hindi ibig sabihin na wala nang pag-asa. Minsan, ang mahalaga ay hindi kung gaano kabilis ang usad, kundi kung patuloy ka pa ring lumalaban.

𝗠𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗮 𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗸𝗮𝗱, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮𝘁𝗶𝗺𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝘀𝗮.

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona


𝐀𝐋𝐋𝐒𝐇𝐒 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐎𝐀𝐓𝐇-𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐋𝐘𝐃𝐂 𝐀𝐍𝐃 𝐘𝐎𝐑𝐏 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 ✨Ngayong 𝗶𝗸𝗮-𝟬𝟯 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, ati...
03/10/2026

𝐀𝐋𝐋𝐒𝐇𝐒 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐅𝐈𝐍𝐀𝐍𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐀𝐍𝐃 𝐎𝐀𝐓𝐇-𝐓𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐎𝐅 𝐋𝐘𝐃𝐂 𝐀𝐍𝐃 𝐘𝐎𝐑𝐏 𝐌𝐄𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔 ✨

Ngayong 𝗶𝗸𝗮-𝟬𝟯 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, ating nasaksihan ang 𝗢𝗮𝘁𝗵 𝗧𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗼𝗳 𝗟𝗬𝗗𝗖 𝗮𝗻𝗱 𝗬𝗢𝗥𝗣 𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀, kung saan pormal na tinanggap ng mga bagong lider ang kanilang tungkulin na maglingkod at maging katuwag sa paghubog ng isang mas aktibong kabataan sa komunidad.

Kasabay nito, isinagawa rin ang 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗔𝘀𝘀𝗶𝘀𝘁𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 para sa mga organisasyon ng Angelo L. Loyola Senior High School. Ang suportang ito ay magsisilbing tulong sa pagpapatuloy ng mga programa at gawain na naglalayong mapaunlad ang ating mga mag-aaral sa kanilang pangangailangan

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona

𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 ❤“𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗿𝗶𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗦𝗔𝗟𝗨𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢!”Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟯 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 sa 𝗖𝗮𝗿𝗺𝗼𝗻𝗮 𝗖...
03/10/2026

𝐓𝐇𝐄 𝐇𝐄𝐀𝐑𝐓 𝐎𝐅 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐈𝐂𝐄 ❤

“𝗦𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗿𝗶𝗿𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗺𝗶𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗦𝗔𝗟𝗨𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗬𝗢!”

Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟯 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲 sa 𝗖𝗮𝗿𝗺𝗼𝗻𝗮 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗲𝗻𝘁𝗲𝗿, isinagawa ang 𝗟𝗬𝗗𝗖 & 𝗬𝗢𝗥𝗣 𝗠𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀’ 𝗢𝗮𝘁𝗵-𝗧𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 para sa mga 𝗔𝗟𝗟𝗦𝗛𝗦 𝗢𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀.

Sa tulong ng 𝗟𝗚𝗨 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗿𝗺𝗼𝗻𝗮, napalakas ang kakayahan ng mga organisasyon na magsagawa ng mga programang makatutulong sa kapwa mag-aaral at sa buong 𝗔𝗟𝗟𝗦𝗛𝗦 𝗰𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆.

Nagpahayag din ng paghanga ang ating 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗼𝗿, 𝗗𝗿. 𝗗𝗮𝗵𝗹𝗶𝗮 𝗔. 𝗟𝗼𝘆𝗼𝗹𝗮 sa dedikasyon ng mga student leader sa paglilingkod.

Dahil sa bawat panunumpa, paglilingkod ang ating panata. Sa bawat suporta, mas napapalakas ang adhikaing maglingkod para sa kapwa. 💛🌾

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona


𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 🎖Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟭 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, isinagawa ang awarding ceremony bilang bahagi ng pagd...
03/10/2026

𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐀𝐖𝐀𝐑𝐃𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐄𝐑𝐄𝐌𝐎𝐍𝐘 🎖

Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟭 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, isinagawa ang awarding ceremony bilang bahagi ng pagdiriwang ng Teachers’ Day, kung saan kinilala ang mga natatanging g**o at Allshians na nagpakita ng kahusayan at aktibong pakikilahok sa mga gawain ng paaralan.

Tampok din sa pagkilalang ito ang Project T.A.N.G.L.A.W. o 𝗧𝗲𝗮𝗰𝗵𝗲𝗿𝘀 𝗔𝗽𝗽𝗿𝗲𝗰𝗶𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗧𝗵𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗡𝘂𝗿𝘁𝘂𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗚𝗿𝗮𝘁𝗶𝘁𝘂𝗱𝗲, 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀𝗵𝗶𝗽, 𝗔𝗰𝗸𝗻𝗼𝘄𝗹𝗲𝗱𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗪𝗲𝗹𝗹𝗻𝗲𝘀𝘀, na nagbibigay-diin sa pagpapahalaga at pagkilala sa mga g**ong patuloy na gumagabay sa bawat Allshian.

𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗮𝘁 𝗸𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗵𝘂𝗯𝗼𝗴 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗼𝗺𝘂𝗻𝗶𝗱𝗮𝗱. ✨

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona



𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐀𝐋𝐋𝐒𝐇𝐒 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐓𝐇𝐒 ⭐️Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟭 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, naging bahagi ng pagdiriwang ng Tea...
03/10/2026

𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐀𝐋𝐋𝐒𝐇𝐒 𝐎𝐑𝐆𝐀𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐓𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐁𝐎𝐎𝐓𝐇𝐒 ⭐️

Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟭 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, naging bahagi ng pagdiriwang ng Teachers’ Day ang iba’t ibang 𝗢𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗦𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝘀 at 𝗕𝗼𝗼𝘁𝗵𝘀 ng ALLSHS, na naghatid ng sari-saring gawain at aktibidad para sa mga ALLSHSians.

Sa bawat booth, naipakita ng mga student organizations ang kanilang creativity, teamwork, at inisyatiba habang nakikiisa sa pagbibigay ng mas makulay na pagdiriwang para sa buong komunidad ng paaralan.

𝗣𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗼𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘀𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗹𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗵𝘂𝗯𝗼𝗴 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝗮𝗸𝘁𝗶𝗯𝗼 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗟𝗟𝗦𝗛𝗦 𝗖𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆. ✨

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona


𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐒𝐈𝐍𝐄𝐓𝐂𝐇 𝐈𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐈𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐔𝐄𝐓𝐒 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 🎤🎭Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟭 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, naging tampok sa pag...
03/10/2026

𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐒𝐈𝐍𝐄𝐓𝐂𝐇 𝐈𝐓𝐄𝐀𝐂𝐇 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐈𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐃𝐔𝐄𝐓𝐒 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 🎤🎭

Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟭 𝗻𝗴 𝗢𝗸𝘁𝘂𝗯𝗿𝗲, naging tampok sa pagdiriwang ng Teachers’ Day ang 𝗦𝗶𝗻𝗲𝘁𝗰𝗵 𝗜𝘁𝗲𝗮𝗰𝗵 𝟮𝟬𝟮𝟲 𝗮𝘁 𝗦𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗗𝘂𝗲𝘁𝘀, kung saan nagbigay-aliw at naghatid ng masayang pagtatanghal ang mga g**o at Allshians.

Sa pamamagitan ng musika, tawanan, at pakikiisa, naging pagkakataon ang mga aktibidad na ito upang higit pang mapalapit ang bawat miyembro ng ALLSHS community at ipakita ang mga talento na hindi laging nasisilayan sa loob ng classroom.

𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗱𝗶𝗿𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁𝗼, 𝘀𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻, 𝗮𝘁 𝗽𝗮𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗴𝘂𝗿𝗼! 💙

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona



𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐎𝐍-𝐓𝐇𝐄-𝐒𝐏𝐎𝐓 𝐄𝐒𝐒𝐀𝐘 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐋𝐎𝐆𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 🖼✍️🏻Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲, isinagawa...
03/10/2026

𝐏𝐑𝐎𝐉𝐄𝐂𝐓 𝐓𝐀𝐍𝐆𝐋𝐀𝐖 𝟐𝟎𝟐𝟔 | 𝐎𝐍-𝐓𝐇𝐄-𝐒𝐏𝐎𝐓 𝐄𝐒𝐒𝐀𝐘 𝐖𝐑𝐈𝐓𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐍𝐃 𝐒𝐋𝐎𝐆𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐄𝐓𝐈𝐓𝐈𝐎𝐍 🖼✍️🏻

Nitong 𝗶𝗸𝗮-𝟯𝟬 𝗻𝗴 𝗦𝗲𝘁𝘆𝗲𝗺𝗯𝗿𝗲, isinagawa ang 𝗘𝘀𝘀𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗦𝗹𝗼𝗴𝗮𝗻 𝗠𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Teachers’ Day, kung saan naipamalas ng mga ALLSHSIANS ang kanilang pagkamalikhain at husay sa pagpapahayag.

Sa pamamagitan ng kanilang mga isinulat at nabuong slogan, ibinahagi ng mga mag-aaral ang kanilang pagpapahalaga sa dedikasyon at mahalagang papel ng mga g**o sa kanilang pagkatuto at paglago. ✨

DepEd Angelo L. Loyola SHS - City of Carmona



Address

Alfonso Matcha Street Brgy. Lantic
Carmona
4116

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Allshs SSG posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Allshs SSG:

Shortcuts

Share

Nearby non profit organizations