ISPSC Candon - Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino

ISPSC Candon - Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino The official page of KAMAFIL Organization-Candon Campus

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa pangalawang pagkakataon natamo na naman ng ISPSC Candon Campus ang ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฎ๐˜...
16/05/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก | Sa pangalawang pagkakataon natamo na naman ng ISPSC Candon Campus ang ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฌ ๐—ฝ๐—ผ๐—ฟ๐˜€๐—ถ๐˜†๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ผ ๐—ถ๐—ป๐˜€๐˜๐—ถ๐˜๐˜‚๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ฒ sa nakaraang ๐‘ณ๐’Š๐’„๐’†๐’๐’”๐’–๐’“๐’† ๐‘ฌ๐’™๐’‚๐’Ž๐’Š๐’๐’‚๐’•๐’Š๐’๐’ ๐’‡๐’๐’“ ๐‘ป๐’†๐’‚๐’„๐’‰๐’†๐’“๐’” ๐‘ด๐’‚๐’“๐’„๐’‰ ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”.

Muli ninyong pinatunayan na sa kabila ng maliit na bilang, ang husay ay isang tradisyon at ang talino ay siyang nagniningning. Baon ang dedikasyon at pagmamahal sa pagtuturo, handa na kayong magsilbi bilang mga G**o ng Bayan. Ang inyong tagumpay ay amin ding tagumpay.

Maalab na pagbati sa ating mga bagong Licensed Professional Teachers mula sa Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya Medyor sa Filipino ng ISPSC Candon Campus.

๐™๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™† ๐™„๐™Ž๐™‹๐™Ž๐˜พ! ๐™๐˜ผ๐™๐˜ผ๐™† ๐˜พ๐˜ผ๐™‰๐˜ฟ๐™Š๐™‰ ๐˜พ๐˜ผ๐™ˆ๐™‹๐™๐™Ž
๐™‹๐˜ผ๐˜ฟ๐˜ผ๐™”๐™Š๐™‰, ๐™ˆ๐™‚๐˜ผ ๐™‚๐™๐™๐™Š๐™‰๐™‚ ๐™๐™„๐™‡๐™„๐™‹๐™„๐™‰๐™Š!

๐‘ฉ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ซ ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ต๐‘ถ ๐‘ช๐‘จ๐‘ต๐‘ซ๐‘ถ๐‘ต | ๐‹๐š๐ ๐š๐›๐ฅ๐š๐› ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ: ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐š๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐’๐„๐ƒ ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”Isang bangka mula sa Batsilyer ng E...
15/05/2026

๐‘ฉ๐‘บ๐‘ฌ๐‘ซ ๐‘ญ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘ฐ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ต๐‘ถ ๐‘ช๐‘จ๐‘ต๐‘ซ๐‘ถ๐‘ต | ๐‹๐š๐ ๐š๐›๐ฅ๐š๐› ๐ง๐  ๐“๐š๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐š๐ฒ: ๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐š๐จ๐ง๐  ๐ง๐  ๐๐’๐„๐ƒ ๐…๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ๐๐š๐ญ๐œ๐ก ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”

Isang bangka mula sa Batsilyer ng Edukasyong PanSekundarya ang nakarating sa paroroonan nito. Sa loob ng apat na taon na paglalakbay ng mga mag-aaral ng BSED Filipino sa gitna ng malawak at minsa'y maalong karagatan ng karunungan, nagawa nilang mapagtagumpayan ang pagtatapos sa paglalakbay na ito.

Gayunpaman, ang bangka na lulan ang pangarap, pagtitiis, at pagsisikap ng mga mag-aaral ay isang simbolo ng walang katumbas na sakripisyo upang mapagtagumpayan ang iba't ibang daluyong na kanilang kinaharap habang nag-aaral. Mga puyat sa pag-aanalisa ng panitikan, mga pagsubok sa Obserbasyon (Field Study) at Pagpapakitang Turo (Practice Teaching) at ang pagpapahalaga sa wikang Filipino sa makabagong panahon.

Ngunit ngayon, tumigil na ang pag-alon. Nakarating na ang munting bangka sa dalampasigan ng kanilang mga pangarap, ang pagtatapos sa kolehiyo. Hindi ito ang dulo ng kanilang paglalakbay kundi simula ng misyon bilang mga katuwang sa paghubog ng kaisipan ng mga susunod na henerasyon.

๐— ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ด๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฝ๐—ผ๐˜€ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฆ๐—˜๐—— ๐—™๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—ข ๐—–๐—”๐—ก๐——๐—ข๐—ก ๐—–๐—”๐— ๐—ฃ๐—จ๐—ฆ ๐—•๐—”๐—ง๐—–๐—› ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ!

Maalab na Pagbati LPT's! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚
12/05/2026

Maalab na Pagbati LPT's! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

The Ilocos Sur Polytechnic State College (ISPSC) Candon City Campus celebrates the remarkable achievement of the Bachelor of Secondary Education major in Filipino program for attaining a 100% passing rate in the March 2026 Licensure Examination for Teachers (LET).

All eleven first-time takers from the program successfully passed the examination which is a reflection of the studentsโ€™ dedication and perseverance as well as the commitment of the faculty and administration in delivering quality teacher education.

This milestone further strengthens ISPSC Candon City Campusโ€™ commitment to producing competent, globally competitive, and values-oriented educators who are ready to serve the nation and contribute to the advancement of Philippine education.



BALITA | BSEd Filipino Majors ng ISPSC Candon, namayagpag sa 6th International Undergraduate Research CongressMatagumpay...
30/04/2026

BALITA | BSEd Filipino Majors ng ISPSC Candon, namayagpag sa 6th International Undergraduate Research Congress

Matagumpay na nakilahok ang dalawang mag-aaral na sina G. Randy Baquero at Bb. Abegail Escarnuela, kasama ang kanilang tagapayo na si G. Eugene B. Dapiosen, mula sa kursong Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya (BSEd) Medyor sa Filipino ng ISPSC Candon Campus sa ginanap na 6th International Undergraduate Research Congress, ika-29 ng Abril 2026.

Isinagawa ang nasabing kongreso sa pamamagitan ng online presentation sa Zoom na pinangunahan ng Ifugao State University. Kanilang iniharap ang kanilang pananaliksik na pinamagatang โ€œPagpapaunlad sa Katatasan sa Pagbasa ng mga Mag-aaral gamit ang 5Ps UBAS,โ€ isang estratehiya ng pagtuturo na naglalayong mapahusay ang kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Isang karangalan din na sila lamang ang gumamit ng Wikang Filipino sa nasabing internasyonal na pagtitipon, bagay na lubos na ikinatuwa at ikinarangal ng ISPSC BSEd Filipino Family. Ito ay malinaw na patunay ng kanilang dedikasyon at kahusayan bilang mga mag-aaral na patuloy na nagpapakadalubhasa sa Wikang Filipino, tungo sa mas epektibong pagtuturo sa kanilang mga magiging mag-aaral sa hinaharap.

via KAMAFIL

๐ŸคŽโœจ
28/04/2026

๐ŸคŽโœจ

๐—Ÿ๐—”๐—ง๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—œ๐—ก | ๐‘จ๐’ƒ๐’†-๐’ˆ๐’‚๐’Š๐’: ๐‘จ๐’ƒ๐’†-๐’๐’Š๐’•๐’š ๐’”๐’‚ ๐‘ฎ๐’Š๐’•๐’๐’‚ ๐’๐’ˆ ๐‘ผ๐’๐’๐’”
ni Aries Dolores

โ€‹Sa mundo ng panitikan, madalas nating mabasa ang mga kwento ng prinsesang may mga fairy god. Ngunit sa totoong buhay ni Abegail Escarnuela, 23 anyos mula sa Salcedo, Ilocos Sur, ang kanyang fairy godmother ay walang dalang magic wand. Sa halip, ito ay may kulubot na kamay, busilak na puso, at walang hanggang pagmamahal. Siya ang kanyang lola.

โ€‹๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ข ๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฉ

โ€‹Hindi naging madali ang paglalakbay ni Abegail. Sa murang edad na apat, maagang naulila sa ama, at hindi naglaon ay lumisan din ang kanyang ina upang humanap ng ibang buhay. Sa gitna ng pangungulila at kalituhan ng isang bata, isang kamay ang humawak sa kanya nang mahigpit, ang kamay ng kanyang lola Iming.

โ€‹Si Lola Iming ang naging ama, ina, at sandigan. Siya ang naglalaba ng mga damit na gagamitin sa paaralan, nagluluto ng simpleng pagsasaluhan, at nagpapatahan sa bawat pag-iyak ni Abegail. Sa piling ng kanyang lola, ang salitang ulila ay napalitan ng aruga.

โ€‹๐˜ผ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ ๐™–๐™ข๐™–๐™จ๐™–๐™ ๐™ž๐™ฉ ๐™ฃ๐™– ๐™‹๐™–๐™œ๐™จ๐™ช๐™—๐™ค๐™ 

โ€‹Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro. Noong si Abegail ay nasa ika-11 baitang, ang tanging lunas sa kanyang mga sakit at lungkot ay dumating na ang dapit-hapon. Dito nagsimula ang tunay na laban. Mula sa pagkakaroon ng karamay, bigla siyang naiwan sa gitna ng kawalan. Wala nang pagkaing nakahain, wala nang magtatanong kung kumusta ang kanyang pag-aaral, at wala nang yayakap sa kanya kapag pagod na siya sa hamon ng buhay.

๐˜—๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜จ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜บ, ๐˜ต๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฌ ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ต๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฉ๐˜ช๐˜บ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฑ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜จ๐˜ถ๐˜ด๐˜ต๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ญ๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฏ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜’๐˜ถ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜Œ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ.

โ€‹๐™‹๐™–๐™œ๐™ฉ๐™–๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ ๐™ฃ๐™– ๐˜ผ๐™ก๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™– ๐™‡๐™–๐™ฃ๐™œ๐™ž๐™ฉ

โ€‹Sa kabila ng puyat, pagod, at kakulangan sa pinansyal, hindi sumuko si Abegail. Ginawa niyang inspirasyon ang bawat sakripisyo ng kanyang lola. Sa tuwing nakararamdam ng panghihina, ang mga payo at aral na iniwan ni Lola Iming ang nagsisilbing mitsa upang muling mag-alab ang kanyang determinasyon.

โ€‹Ngayon, malapit na siyang maging ganap na g**o, isang Batsilyer ng Sekondarya Medyor sa Filipino mula sa Ilocos Sur Polytechnic State College. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa kanyang sarili, kundi isang huling agyaman (salamat) para sa kaisa-isang babaeng naniwala sa kanyang kakayahan.

โ€‹Ang kwento ni Abegail ay isang paalala na ang kahirapan at pagiging ulila ay hindi hadlang upang makamit ang pangarap. Sa bawat pahina ng kanyang buhay, napatunayan niyang hangga't may pag-asa at tiwala sa Maykapal, ang anumang dilim ay kayang talunin ng liwanag ng determinasyon.

15/04/2026
BALITA | Tagumpay ng BSED Filipino sa 2026 Virtual Systemwide Student Research Congress!Isinagawa kamakailan, ika-14 ng ...
15/04/2026

BALITA | Tagumpay ng BSED Filipino sa 2026 Virtual Systemwide Student Research Congress!

Isinagawa kamakailan, ika-14 ng Abril 2026, ang 2026 Virtual Systemwide Student Research Congress na nilahukan ng ibaโ€™t ibang mag-aaral mula sa pitong kampus ng Ilocos Sur Polytechnic State College.

Buong pagmamalaking inirepresenta ng dalawang mahusay na mag-aaral mula sa Batsilyer ng Edukasyong Pansekundarya Medyor sa Filipino na sina G. Randy Baquero at Bb. Abegail Escarnuela ang ISPSC Candon Campus. Ipinamalas ng dalawang mananaliksik ang kanilang husay sa presentasyon ng kanilang pananaliksik na nagbunga sa pagkakamit ng mga karangalang Unang Pwesto sa Best in Paper (Social Science Category) at Ikalawang Pwesto sa Best Presenter sa parehong kategorya.

Ang nasabing aktibidad ay may temang โ€œEmpowering Undergraduate Research for Institutional Growth and University Hood.โ€ Layunin ng gawaing ito ang paglinang sa kakayahang pampananaliksik, pagsusuri at isang pagkakataon upang maibahagi ng mga mag-aaral ang isinagawa nilang pag-aaral at upang paigtingin ang kakayahan ng mga mag-aaral na makapag-ambag sa pagpapaunlad ng institusyon.

Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon, sipag, at kahusayan ng mga mag-aaral ng BSED Filipino sa larangan ng akademikong pananaliksik.

Isang maalab na pagbati sa inyong kahanga-hangang tagumpay! Patuloy ninyong dalhin ang dangal ng BSED Filipino!

Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino, ISPSC Candon Campus

Maligayang Kaarawan Dr. Geraldine G. Gonzaga! Maraming Salamat sa iyong walang-sawang suporta at pagmamahal sa iyong mga...
05/12/2025

Maligayang Kaarawan Dr. Geraldine G. Gonzaga!

Maraming Salamat sa iyong walang-sawang suporta at pagmamahal sa iyong mga estudyante. Maraming salamat sa iyong dedikasyon sa pamumuno, inspirasyon at patuloy na paggabay sa aming lahat sa BSE Program.

Nawa'y maging makabuluhan at masaya ang iyong espesyal na araw.

Nagmamahal,

Ang iyong BSE Family

PAGPUPUGAY AT PAGBATI! ๐ŸŽ‰Ipinagmamalaki namin ang bawat isa sa inyo, mga mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education (BS...
19/11/2025

PAGPUPUGAY AT PAGBATI! ๐ŸŽ‰

Ipinagmamalaki namin ang bawat isa sa inyo, mga mag-aaral ng Bachelor of Secondary Education (BSE) Medyor sa Filipino, sa inyong matagumpay na Final Demo Teaching sa iba't ibang cooperating schools.

Ang inyong dedikasyon, tiyaga, at kahusayan ay naging maliwanag. Isang malaking tulong ito patungo sa pagiging ganap na g**o! Patuloy ninyong isabuhay ang diwa ng paglilingkod sa edukasyon.

Mabuhay kayo!

Isinulat ni: G. Aries Dolores
๐Ÿ“ท Bb. Abegail Escarnuela

Maalab na pagbati G. Aries Dolores! Mula sa iyong BSE Family! Nagtamo ng unang pwesto sa pagsulat ng sanaysay sa Filipin...
15/11/2025

Maalab na pagbati G. Aries Dolores! Mula sa iyong BSE Family!

Nagtamo ng unang pwesto sa pagsulat ng sanaysay sa Filipino na ginanap noong ika 4-7 ng Nobyembre, 2025. Ito ay ang pagdiriwang ng Intercampus Culture and the Arts Festival 2025 na ginanap sa ISPSC Main Campus. Ang iyong pamilya mula sa BSED Filipino ay lubos kang ipinagmamalaki sa iyong pagkapanalo!

Photo edited by: Lyka Romero

Part 2/2 ๐Ÿ“ท MGA LARAWAN: Kaugnay ng Ikatlong araw ng pagdiriwang ng EDUCATION WEEK 2025. Nasa larawan ang Tagapangulo ng ...
08/11/2025

Part 2/2

๐Ÿ“ท MGA LARAWAN: Kaugnay ng Ikatlong araw ng pagdiriwang ng EDUCATION WEEK 2025. Nasa larawan ang Tagapangulo ng Programang BSE, Dr. Geraldine G. Gonzaga, at isa sa core faculties ng BSE Program na si Dr. Eric L. Villanueva. Kasama na dito ang mga mag-aaral ng BSED-FILIPINO ng ISPSC Candon Campus.

๐Ÿ“ท Kuha nina: Bb. Kristel Padre, Leahbel Binungcal, at G. Reymar Matias

Address

Candon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ISPSC Candon - Kapisanan ng mga Mag-aaral sa Filipino posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share