02/09/2026
NOON AT NGAYON: ANG PAGBABAGO NG CHAMPACA ❤️🙏
Noon, kapag sinabing Champaca, isa ito sa mga lugar na kinatatakutan ng mga bata, kabataan, at maging ng ibang taong napapadpad dito. Ngunit ngayon, salamat sa biyaya ng Panginoon, unti-unti nang nababago ang imahe ng ating Champaca. 🙏
Malaki ang naging bahagi ng mga kabataan sa pagbabagong ito. Sa pamamagitan ng pagtatayo at pagkilos ng mga Youth Organization tulad ng Chamson Youth Club at Champaca Hoods, mas naging aktibo at makabuluhan ang mga gawain sa ating lugar.
Ngayon, marami nang aktibidad ang ginaganap sa Champaca at Tiamson—mula sa Basketball League, Fiesta activities, Christmas at New Year celebrations, feeding programs, at marami pang iba. 🏀🎄🎉❤️
Nakakatuwang isipin na maraming kabataan ang nakikiisa, nagtutulungan, at nagkakaisa upang mapanatili ang kaayusan, kapayapaan, at magandang samahan sa ating komunidad.
Unti-unti, nakikita natin ang pagbabago. At Bilang isang Leader ng Chamson Youth Club, lubos kaming nagpapasalamat sa lahat ng kabataang patuloy na nakikiisa at sumusuporta sa aming mga gawain.
Layunin natin na mabigyan ng pag-asa, inspirasyon, at magandang direksyon ang mga kabataang nawawalan ng pag-asa at nalalayo sa tamang landas dahil sa droga at iba pang masasamang impluwensya. Nais nating ipakita sa kanila na maraming positibong bagay ang maaari nilang gawin at maraming taong handang umalalay sa kanila. ❤️
Maraming salamat sa aking mga kasamahan at katuwang sa adhikain na ito—Kuya Andong, Kuya Richard at Champaca Hoods —at sa lahat ng kabataang patuloy na nagbibigay ng oras, effort, at puso para sa ating komunidad.
Hindi man mabilis ang pagbabago, ang mahalaga ay nagsisimula na tayo. Sama-sama, unti-unti nating ibabalik ang sigla, pag-asa, at magandang imahe ng Champaca at Tiamson. 💪❤️
Salamat, Panginoon, sa lahat ng biyaya at pagkakataong ibinibigay Mo sa amin upang maging instrumento ng pagbabago.
CHAMPACA, MAY PAG-ASA.
CHAMPACA, MAY PAGBABAGO.
CHAMPACA, MAY MGA KABATAANG HANDANG UMABANTE! ❤️🙏
Thank You, Lord! 🙏
Eto yung papunta ka palang, pababa nako🧟