EduAksyon Council

Directions

EduAksyon Council Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from EduAksyon Council, Youth Organization, Barangay Timbao, Binãn.

24/09/2026

𝗦𝗜𝗕𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗨𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 | 𝗘𝗱𝘂𝗔𝗸𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹 𝗻𝗴 𝗧𝗶𝗺𝗯𝗮𝗼, 𝗕𝗶ñ𝗮𝗻 𝗖𝗶𝘁𝘆, 𝘄𝗮𝗴𝗶 𝘀𝗮 𝗦𝗶𝗯𝗼𝗹 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 𝟮𝟬𝟮𝟲

Itinanghal na kampyon ang EduAksyon Council ng Timbao sa kategoryang KAPWA ng Sibol ng Laguna 2026 Awarding Ceremony na ginanap sa Cultural Center of Laguna, Santa Cruz Laguna ngayong Setyembre 18.

Matapos makapasok sa Top 20 finalists out of 59 project proposals, iprinesenta nila sa final phase judging interview ang kanilang panukalang proyektong “Project Balasa: UNO Tayo sa Pagbasa”, na naglalayong gawing masaya at engaging ang pagbabasa sa pamamagitan ng UNO-based mechanics—larong halos alam ng karamihan, at mapa-igting ang pakikipagkapwa ng mga kabataang mambabasa.

Taimtim silang nanalangin na kahit makapasok man lamang sa Top 10 finalists sa kanilang pagdalo sa seremonya ng paggawad, at hindi sila nabigo dahil bukod sa natupad ang kanilang mithiin, naiuwi rin nila ang kampyonato.

Ayon sa kanilang pahayag, ito na ang ikatlong-taong pagsali nila sa Sibol ng Laguna at mapasali sa Top 20, at kauna-unahang pagkakataon na mapasali sa Top 10 at magwagi.

Ulat ni: Jheymar Samiano
Photo Courtesy: Ahyen Mae Fabot

‎
‎
‎
‎
‎
‎

𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 🏆❤️‍🔥Sa kauna-unahang pagkakataon, itinanghal bilang kampeon ang EduAksyon Council sa 𝗦𝗜𝗕𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗨𝗡𝗔 𝟮...
21/09/2026

𝗞𝗔𝗠𝗣𝗘𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 🏆❤️‍🔥

Sa kauna-unahang pagkakataon, itinanghal bilang kampeon ang EduAksyon Council sa 𝗦𝗜𝗕𝗢𝗟 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗚𝗨𝗡𝗔 𝟮𝟬𝟮𝟲 🌱 na ginanap noong ika-18 ng Setyembre 2026 sa Santa Cruz, Laguna.

Sa limampu’t siyam (59) na panukalang proyekto mula sa iba’t ibang bahagi ng Laguna, ang “𝗣𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁 𝗕𝗮𝗹𝗮𝘀𝗮: 𝗨𝗡𝗢 𝗧𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝘀𝗮” 🃏 ng EduAksyon Council ang kinilala bilang isa sa mga pinaka-inobatibo at pinakamakabuluhang proyektong pangkabataan na nag-uwi ng mga sumusunod na parangal:

🎖️ 𝗞𝗮𝗺𝗽𝗲𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗽𝘄𝗮 (the most competitive category, focusing on livelihood, education, and health)
🎖️ 𝗦𝗮𝗺𝗽𝘂𝗻𝗴 𝗦𝗶𝗯𝗼𝗹 𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗴𝘂𝗻𝗮 (Top 10 outstanding project proposals regardless of category)
🎖️ 𝗣𝗵𝗽 𝟮𝟱,𝟬𝟬𝟬 𝗧𝗼𝘁𝗮𝗹 𝗦𝗲𝗲𝗱 𝗚𝗿𝗮𝗻𝘁
🎖️ 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝘀𝘁 from the City of Biñan for 3 consecutive years (2024, 2025, 2026)

Maraming salamat kina Mayor GEL Alonte, Vice Mayor Dada Reyes, at sa Sangguniang Barangay ng Brgy. Timbao, sa pangunguna ni Hon. Ronaldo Bayla, sa pagsuporta sa pakikilahok ng organisasyon sa awarding ceremony ng Sibol ng Laguna 2026 sa Cultural Center of Laguna.

𝙎𝙖𝙢𝙖-𝙨𝙖𝙢𝙖 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙝𝙪𝙗𝙤𝙜 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙬𝙖𝙣𝙖𝙜 𝙣𝙖 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣, 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙥𝙬𝙖 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙨𝙖 𝙗𝙖𝙮𝙖𝙣. 💫





Pub by: Jefferson Pesebre

19/09/2026

𝗢𝗦𝗞𝗔𝗥 𝗛𝗔𝗟𝗟 𝗢𝗙 𝗙𝗔𝗠𝗘𝗥 🏆❤️‍🔥

Bago kinilala sa pambansang antas, pinarangalan muna bilang pinakamahusay na Sangguniang Kabataan ang SK Timbao sa Lungsod ng Biñan sa nagdaang 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗮𝗻𝗴𝗴𝘂𝗻𝗶𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗥𝗲𝗰𝗼𝗴𝗻𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 (𝗢𝗦𝗞𝗔𝗥)🏅na ginanap noong ika-31 ng Agosto 2026 sa People's Center Auditorium.

Dahil sa pagpapamalas ng namumukod-tanging husay sa pamumuno sa komunidad, nag-uwi ang konseho ng mga sumusunod na parangal:

🎖 𝗢𝗦𝗞𝗔𝗥 𝗛𝗮𝗹𝗹 𝗼𝗳 𝗙𝗮𝗺𝗲𝗿
🎖 𝗧𝗼𝗽 𝟭 𝗠𝗼𝘀𝘁 𝗢𝘂𝘁𝘀𝘁𝗮𝗻𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗞 𝗖𝗼𝘂𝗻𝗰𝗶𝗹
🎖 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗻 𝗦𝗲𝗮𝗹 𝗼𝗳 𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲
🎖 𝗕𝗲𝘀𝘁 𝗶𝗻 𝗣𝗮𝗻𝗲𝗹 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻
🎖 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗼𝗻 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲
🎖 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗼𝗻 𝗦𝗼𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗜𝗻𝗰𝗹𝘂𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗘𝗾𝘂𝗶𝘁𝘆
🎖 𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗶𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗔𝘄𝗮𝗿𝗱 𝗼𝗻 𝗔𝗰𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗶𝘁𝗶𝘇𝗲𝗻𝘀𝗵𝗶𝗽

𝙋𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙣𝙖 𝙢𝙖𝙜𝙡𝙞𝙡𝙞𝙣𝙜𝙠𝙤𝙙 𝙣𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙮 𝙙𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡 𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙝𝙪𝙨𝙖𝙮𝙖𝙣, 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙡𝙗𝙞𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙗𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙞𝙣𝙨𝙥𝙞𝙧𝙖𝙨𝙮𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙗𝙖𝙬𝙖𝙩 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣. 💫



17/09/2026

𝗪𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 🏆🇵🇭

Itinanghal bilang pinakamahusay na Sangguniang Kabataan sa buong bansa ang SK Timbao sa katatapos lamang na 7th Philippine Sangguniang Kabataan Awards 🔥 na ginanap noong ika-13 ng Setyembre 2026 sa Philippine International Convention Center.

Ang pagkilalang ito ay para sa lahat ng mga indibidwal, samahan, at organisasyong nakasama namin sa paglilingkod sa nakalipas na tatlong taon. Hindi magiging posible ang tagumpay na ito kung hindi dahil sa dedikasyon at panahon na inyong ibinahagi sa pagsasagawa ng aming mga programa at proyekto.

At para sa lahat ng kabataang Timbaoeño, ang parangal na ito ay isang tanda ng aming paninindigan at pangakong magsisilbi nang buong puso, talino, at husay upang maging karapat-dapat sa tiwala at suporta ninyo.

𝙋𝙖𝙩𝙪𝙡𝙤𝙮 𝙠𝙖𝙢𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙨𝙞𝙨𝙞𝙡𝙗𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙖𝙣𝙜𝙡𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙠𝙖𝙗𝙖𝙩𝙖𝙖𝙣—𝙜𝙖𝙗𝙖𝙮 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙜𝙝𝙪𝙗𝙤𝙜 𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙨 𝙢𝙖𝙡𝙞𝙬𝙖𝙣𝙖𝙜 𝙣𝙖 𝙠𝙞𝙣𝙖𝙗𝙪𝙠𝙖𝙨𝙖𝙣. 💫





10/09/2026
02/09/2026
31/08/2026

Gawad Parangal sa Kabataang Timbaoeño 2026: Natatanging Pangkabataang Organisasyon - EduAksyon Council 🎖️

24/08/2026

𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑲𝒂𝒓𝒂𝒏𝒈𝒂𝒍𝒂𝒏, 𝑰𝒔𝒂𝒏𝒈 𝑰𝒏𝒔𝒑𝒊𝒓𝒂𝒔𝒚𝒐𝒏 🏆✨

𝐁𝐮𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐬𝐨 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐧𝐚𝐛𝐚𝐭𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐬𝐢𝐩𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐭𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐚𝐝𝐨𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐲𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐬𝐢 𝐉𝐎𝐇𝐍 𝐆𝐀𝐁𝐑𝐈𝐄𝐋 𝐒. 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐑𝐄𝐀𝐋.

𝐒𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐤𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐆𝐀𝐖𝐀𝐃 𝐏𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐋 𝐛𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐀𝐓𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍𝐆 𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍 𝐒𝐀 𝐋𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐍𝐆 𝐒𝐈𝐍𝐈𝐍𝐆 𝐀𝐓 𝐊𝐔𝐋𝐓𝐔𝐑𝐀 𝐬𝐚 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐧𝐚𝐩 𝐧𝐚 𝐋𝐢𝐧𝐠𝐠𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 𝐬𝐚 𝐁𝐫𝐠𝐲.𝐓𝐢𝐦𝐛𝐚𝐨 𝐁𝐢ñ𝐚𝐧 𝐂𝐢𝐭𝐲, 𝐋𝐚𝐠𝐮𝐧𝐚.

𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐲 𝐩𝐚𝐭𝐮𝐧𝐚𝐲 𝐧𝐠 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐝𝐢𝐤𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧, 𝐭𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐨, 𝐬𝐢𝐩𝐚𝐠, 𝐚𝐭 𝐩𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐡𝐚𝐥 𝐬𝐚 𝐧𝐚𝐩𝐢𝐥𝐢 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠.
𝐇𝐢𝐠𝐢𝐭 𝐩𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐨𝐩𝐞𝐨 𝐨 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚, 𝐢𝐬𝐚 𝐢𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐰𝐚 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐧𝐚 𝐢𝐩𝐚𝐠𝐩𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐫𝐚𝐩 𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐧𝐢𝐥𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐥𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐮𝐩𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐛𝐢𝐠𝐚𝐲-𝐢𝐧𝐬𝐩𝐢𝐫𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐬𝐚 𝐢𝐛𝐚.

𝐌𝐮𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐢𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐢𝐥𝐲𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐲𝐚𝐰 𝐬𝐚 𝐌𝐀𝐑𝐎𝐎𝐍 𝐃𝐀𝐍𝐂𝐄 𝐄𝐍𝐒𝐄𝐌𝐁𝐋𝐄, 𝐥𝐮𝐛𝐨𝐬 𝐤𝐚 𝐧𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐠𝐦𝐚𝐦𝐚𝐥𝐚𝐤𝐢. 𝐏𝐚𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐦𝐨𝐧𝐠 𝐢𝐚𝐧𝐠𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠, 𝐤𝐮𝐥𝐭𝐮𝐫𝐚, 𝐚𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐨𝐬𝐞𝐬 𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐠𝐚𝐥𝐚𝐰 𝐚𝐭 𝐛𝐚𝐰𝐚𝐭 𝐡𝐚𝐤𝐛𝐚𝐧𝐠. 💃🕺

𝐌𝐚𝐫𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐚𝐥𝐚𝐦𝐚𝐭 Sangguniang Kabataan ng Barangay Timbao - Biñan City, Laguna 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐢𝐥𝐚𝐥𝐚 𝐬𝐚 𝐚𝐦𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐡𝐮𝐬𝐚𝐲 𝐧𝐚 𝐦𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐲𝐚𝐰.



Address

Barangay Timbao
Binãn
4024

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when EduAksyon Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share