21/08/2026
🤝🏻
Tama na siguro yung mga ilangan.
Shoutout sa mga OG, kasabayan namin at mga bago sa carscene dito sa south.
Ramdam ko, and I know ramdam niyo rin, na may mga nag-iilangan dito sa South car community. Kaya para sakin, mas okay kung supportahan na lang natin isa't isa.
Makikita niyo kami sa mga car meet at events ng iba't ibang clubs dito sa South. Hindi para magpapansin or makipag-compete, pupunta kami para maki-support at maki-bonding. (mag inom)
Kaya ko rin dala yung Southboyz kasi taga-South tayo. Gusto ko lang sana na mas maging solid yung South car scene. Hindi kailangan may pataasan, hindi kailangan may yabangan. Basta magkakakilala at marunong rumespeto.
Alam ko maraming issues at kwento na nabuo along the way. Pero sana iwan na natin yung mga yun. Nandito naman tayo dahil mahilig tayo sa kotse, gusto natin tumambay, mag-enjoy, makipagkaibigan, at syempre minsan mag-inom. 😂
Hindi ako OG, hindi ako sikat, at hindi rin naman madiin yung kotse ko. Pero marunong akong rumespeto. Yun lang naman.
And for everyone asking about Southboyz / dailyheist, hindi naman kami car club, para lang talaga sa mga taga-South na gusto makisama, magkaroon ng bagong tropa, at enjoy lang sa car scene. (at mag-inom)
Kung gusto niyo sumama, apiran niyo lang ako. Walang requirements, walang kailangan patunayan. Basta good vibes at respeto sa lahat. (at malakas uminom)
Sana wala nang ilangan. One Love South. Inuman na!