06/10/2026
๐บ TODA SEMINAR | BARANGAY LIBJO ๐บ
Isinagawa ngayong araw ang TODA Seminar para sa mga tricycle drivers ng Barangay Libjo na may temang:
โRoad Safety, Proper Conduct, and Livelihood Protection for Tricycle Drivers of Barangay Libjoโ
Layunin ng programa na palawakin ang kaalaman ng ating mga tricycle driver tungkol sa road safety, tamang asal at pakikitungo, mga karapatan bilang driver, at mga paraan upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan.
๐ฎโโ๏ธ Maraming salamat kay Plt. Edsel Dela Cruz mula sa Batangas City Component Police Station sa pagbabahagi ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga karapatan ng mga driver kapag sangkot sa aksidente, gayundin ang tamang proseso ng imbestigasyon at mga nararapat na hakbang na dapat gawin sa ganitong sitwasyon.
๐ฆ Pasasalamat din kay Sir Cleperson I. De Mesa mula sa TDRO sa pagbabahagi ng kanyang kaalaman at mahahalagang impormasyon na makatutulong sa ating mga tricycle driver sa kanilang araw-araw na pamamasada.
Ang programang ito ay isinagawa sa pangunguna ni Pangulo Joel Chavez, kasama ang mga Sangguniang Barangay Members/Konsehal, bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Barangay Libjo na mabigyan ng sapat na kaalaman, gabay, at suporta ang ating mga tricycle driver.
Ang ating mga TODA members ay mahalagang bahagi ng ating komunidad. Sa pamamagitan ng patuloy na edukasyon at pakikipagtulungan, sama-sama nating maisusulong ang mas ligtas na paglalakbay, maayos na serbisyo, responsableng pagmamaneho, at protektadong kabuhayan para sa ating mga tricycle driver at kanilang mga pamilya.
๐ Maraming salamat sa lahat ng naging bahagi, guest speakers, organizers, at sa lahat ng tricycle drivers na nakiisa sa programa!
Ligtas sa Kalsada. Maayos sa Pag-uugali. Protektado ang Kabuhayan. ๐บ๐