04/08/2025
๐๐ป๐๐๐ฟ๐๐บ๐ฒ๐ป๐๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ฒ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ ๐ผ๐ณ ๐๐ผ๐ฑ!
Isinagawa ng Medical Team ng Archdiocesan Shrine and Parish of St. James the Greater, sa pangunguna ni Rev. Fr. Ed Carandang, ang programang Hilom Santiago: Free Medical Consultation bilang tugon sa pangangailangang medikal ng mga mananampalataya sa Ibaan. Sa unang araw ng programa, tinutukan ang kalusugan ng mga bata at matatanda, na may libreng ECG, random blood sugar test, HIV testing, at pamamahagi ng mga gamot sa mga pasyente.
Lubos ang pasasalamat ng Medico de Santiago sa lahat ng tumulong upang maging matagumpay ang proyektoโmga doktor, nars, midwife, BHW, estudyante, at iba pang volunteers. Taos-puso rin ang pasasalamat sa mga indibidwal at organisasyong nagbigay ng pinansyal na suporta, nag-donate ng mga gamot, at nag-alay ng kanilang oras at serbisyo: Ibaan Municipal Health Office, Knights of Columbus, Philippine Nurses Association โ Batangas Province Chapter, Medicus Diagnostic Center โ Lipa Batangas, Xaraya, Wagayway Equality, Lipa Medix, GX International, ANG NARS, NU Lipa BSN, iFern, at Queen Mary Hospital Inc.