YACAL Pilipinas

YACAL Pilipinas HISTORY

The organization’s name is derived from the yakal tree, an endemic tree in the Philippines considered of high quality. OBJECTIVES

1.

Youth for Active Citizenship and Leadership or YACAL is a youth-led movement aiming to engage the youth in relevant and meaningful educational discussions in pursuit of action. Youth for Active Citizenship And Leadership (YACAL Pilipinas)

ORGANIZATIONAL STATEMENT:

Youth for Active Citizenship And Leadership also known as YACAL Pilipinas is a youth-led movement aiming to engage the youth in rele

vant and meaningful educational discussions in pursuit of action towards socio-cultural, economic, and political issues that surround our country and the world, such as human rights, social equality, sustainable development, and global politics. Yet, due to logging and capitalist greed it is now declared as critically endangered. Like the Yacal tree, youth who possess so much potential, are also threatened to extinction due to the vast and sometimes state induced misinformation coupled with lack of access to quality education. As a response, Alec Buenaventura, together with James Buama, educators at the time, decided to create a platform to engage the youth through training, webinars, and educational discussions in social issues as well, with the same goal of encouraging them to action. VISION

To become one of the leading movements which aspires to promote the voice of the youth through active citizenship and transformative leadership. MISSION

Advocating for a genuine youth participation through in-depth knowledge building by creating a democratic space for intellectual discussions about socio-cultural, economic, and political issues. Utilize theoretical knowledge and critical thinking to devise sound ideas and encourage civic action.
2. Provide an avenue for the youth to freely engage in meaningful discussions regarding society, culture, politics, economy, and the like.
3. Hone the leadership skills and maximize the potential of the youth in providing genuine change in all levels of the society. CORE PRINCIPLES

• Vita Activa (Active life in ‘Action’): YACAL believes that the fulfillment of man’ highest existence and fullest potential rested on the shoulders of active engagement in political life.
• Modus Vivendi: Truth and liberty are indispensable pillars of society. YACAL believes that the discovery or the act of moving near to these require man’s natural tendency for rational deliberation.
• Arete (Virtue): A just and good society requires just and good citizens. In order to achieve this, YACAL endeavors to instill and strengthen the youth’s moral values.
• Eudaimonia (Happiness/To live well): Good life or happiness is not a state but an ‘activity’ achieved by relentless cultivation of man’s intellectual and moral virtues through practice. Movement Motto: Kabataan ang Tanglaw ng Pag-asa, Vita Activa!

𝐊𝐀𝐓𝐀𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐎𝐍! 🎨✍️​True to your name, you cannot spell Mon Artur without ART. As our very own Center Leader of Hu...
02/07/2026

𝐊𝐀𝐓𝐀𝐏𝐔𝐒𝐀𝐍 𝐌𝐎 𝐍𝐀, 𝐌𝐎𝐍! 🎨✍️

​True to your name, you cannot spell Mon Artur without ART. As our very own Center Leader of Humanities and Arts at YACAL Pilipinas, you have proven that art is not just a subject to be graded, but a powerful force that is 𝑚𝑎𝑙𝑎𝑦𝑎 𝑎𝑡 𝑚𝑎𝑝𝑎𝑔𝑝𝑎𝑙𝑎𝑦𝑎. From discovering your voice within the lines of a script to ranking 𝟰𝟰𝘁𝗵 among nearly two thousand students and graduating 𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗛𝗼𝗻𝗼𝗿𝘀 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗢𝗟𝗙𝗨-𝗩𝗮𝗹𝗲𝗻𝘇𝘂𝗲𝗹𝗮, you have shown us that the ultimate canvas is a life dedicated to critical thought and creative passion. You faced down the formulas, found beauty in the chaos, and used your talent to remind us all 𝗪𝗛𝗬 𝗧𝗛𝗘 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗠𝗔𝗧𝗧𝗘𝗥.

​Your journey through Senior High School wasn't just about collecting medals and subject excellence awards in social sciences and arts; it was a testament to survival, exploration, and courage. True to the spirit of 𝑽𝒊𝒕𝒂 𝑨𝒄𝒕𝒊𝒗𝒂, you didn't stay boxed in. You dove headfirst into cultural research in Obando, championed student leadership as Vice President of the Social Science Organization, and gave a voice to the youth through literary and film festivals. You didn't just study society—you actively shaped it, proving that when we choose to embrace what we love, our thirst for learning becomes unquenchable.

​𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗔𝗟𝗔𝗕 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗧𝗜, 𝗠𝗢𝗡 𝗔𝗥𝗧𝗨𝗥! ✊

YACAL Pilipinas is incredibly proud of your growth, your artistry, and your unwavering commitment para sa bayan, para sa kasaysayan, at sa agham panlipunan. Continue to disturb the comfortable, comfort the disturbed, and paint a brighter future with your brilliant mind. Humayo ka at patuloy na magsilbi bilang tanglaw ng pag-asa! 🌟🌿

𝐆𝐄𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐃𝐈𝐒𝐂𝐑𝐈𝐌𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐖𝐀𝐅𝐀𝐙𝐈𝐍!‎‎Bago matapos ang buwan ng Hunyo—kung kailan ipinagdiriwang ang Pride Month—ginanap ang m...
02/07/2026

𝐆𝐄𝐍𝐃𝐄𝐑 𝐃𝐈𝐒𝐂𝐑𝐈𝐌𝐈𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐖𝐀𝐅𝐀𝐙𝐈𝐍!

‎Bago matapos ang buwan ng Hunyo—kung kailan ipinagdiriwang ang Pride Month—ginanap ang malawakang Pride March sa UP Diliman, Quezon City noong Hunyo 27, 2026.

Malugod na nakiisa ang Youth for Active Citizenship and Leadership o YACAL Pilipinas sa nasabing martsa. Layunin ng Pride March na maging daan upang maibahagi ng mga miyembro ng LGBTQIA+ ang kanilang mga kwento, karanasan, at higit sa lahat, ipaglaban ang kanilang mga karapatan.‎

‎“Ang Pride ay protesta” ay sigaw ng bawat taong lumahok na narinig at yumanig sa kahabaan ng martsa. Ang Pride ay hindi lamang para sa mga lantad na baklang sa lipunan, ito rin ay para sa mga baklang hanggang ngayon ay hindi masabi ang kanilang pagkakakilanlan, mga baklang hinusgahan at hindi tinanggap ng lipunan, mga baklang patuloy na inaabuso dahil sa kanilang kasarian, at higit sa lahat, ito rin ay para sa mga taong nais ipaglaban ang karapatan ng bawat isa.

Ang Pride March ay naging plataporma para maisigaw ng bawat indibidwal ang mga bagay na kanilang ipinaglalaban. Edukasyon, korapsyon, pantay na karapatan at pagtanggap sa kababaihan at sangkabaklaan, at pati na rin ang mga pangyayari sa mundo na nakaaapekto sa atin bilang isang mamamayan. Tampok din dito ang pagdalo ng mga sumusuporta sa kilusang Pride katulad ng mga alyado, mga magulang, estudyante, kabataan, at iba’t ibang uri ng mamamayan.

‎Nang dahil sa Pride March, nagkakaroon ng pag-asa at pagkakaisa sa pakikipaglaban para sa karapatan sa lansangan. Alalahanin na ang diwa ng Pride hindi lamang dapat tanganan tuwing buwan ng Hunyo, bagkus ay dalhin natin ito hanggang makamit natin ang tunay, pantay, at mapagpalayang lipunan—kung saan hindi makararanas ng anumang diskriminasyon, abuso, homophobia, at hindi pantay na pagtrato ang LGBTQIA+ community.

𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗽𝘂𝗻𝗮𝗻.
𝗪𝗶𝘁𝗵 𝗮𝗹𝗹 𝘁𝗵𝗲 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝗮𝗻𝗱 𝗵𝗼𝗽𝗲, 𝗵𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗽𝗿𝗶𝗱𝗲!
𝗠𝗮𝗸𝗶𝗯𝗲𝗸𝗶! 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗵𝗼𝗸𝗼𝘁!








✒️ : Janelle Garcia | Member of Center for Human Rights and Social Justice
🎨 : Jzamira Ellise Pacuan | Center Leader for Gender Rights and SOGIESC

In celebration of Pride Month this June, Youth Active Citizenship and Leadership (YACAL Pilipinas) presents a webinar en...
29/06/2026

In celebration of Pride Month this June, Youth Active Citizenship and Leadership (YACAL Pilipinas) presents a webinar entitled: "𝙌𝙪𝙚𝙚𝙧 𝙑𝙞𝙨𝙞𝙗𝙞𝙡𝙞𝙩𝙮 𝙞𝙣 𝙋𝙧𝙞𝙙𝙚 𝙈𝙤𝙣𝙩𝙝: 𝙒𝙚 𝘼𝙡𝙡 𝘿𝙚𝙨𝙚𝙧𝙫𝙚 𝙎𝙪𝙣𝙨𝙝𝙞𝙣𝙚". This event aims to emphasize the importance of Pride month to q***r people, especially q***r youth.

YACAL Pilipinas firmly believes that pride is not only a mere celebration of rights of the LGBTQIA+ community, but it is also a protest against discrimination, homophobia, transphobia, gender inequalities, gender violence, and other factors that prohibit the community from gaining their rights.

Join us, as we delve deeper and reflect on the continuous impact of Pride in terms of q***r struggles, specifically q***r visibility.

🌈 This is a free webinar with free e-certificate!
🌈 via Google Meet!
🌈 REGISTER NOW!
https://tinyurl.com/SOGIESC-26
https://tinyurl.com/SOGIESC-26
https://tinyurl.com/SOGIESC-26

Para sa malaya at pantay na lipunan!







🎨 : Caleb Jarvis Alabastro | YACAL Pilipinas Volunteer

𝗠𝗔𝗞𝗔𝗣𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗢𝗢𝗡, 𝗔𝗠𝗕𝗢𝗬 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡: 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗟𝗦𝗜𝗞𝗜𝗡! 𝗧𝗨𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡!Hindi dapat katampukan ang Hunyo 12 ng masasayang ...
12/06/2026

𝗠𝗔𝗞𝗔𝗣𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗢𝗢𝗡, 𝗔𝗠𝗕𝗢𝗬 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡: 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗟𝗦𝗜𝗞𝗜𝗡! 𝗧𝗨𝗡𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡, 𝗜𝗣𝗔𝗚𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡!

Hindi dapat katampukan ang Hunyo 12 ng masasayang selebrasyon, bagkus magsilbi itong araw ng protesta sa kalagayang hindi pa ganap na malaya ang Pilipinas.

Walumpung taon matapos ibigay ng United States ang sinasabing “kalayaan” sa Gobyerno ng Republika ng Pilipinas noong 1946, nananatili pa ring nakagapos ang ating bayan sa aspeto ng pulitika, ekonomya, kultura, at militar. Hindi nakatulong na inilipat ng rehimeng Macapagal ang petsa ng “kalayaan” mula Hulyo 4 patungong Hunyo 12—dahil pawang retorika lamang ito. Sa huli, lahat ng patakaran ng mga administrasyon sa ilalim ng papet na republika ay lantarang nagsisilbi sa interes at ganansya ng imperyalismong US at mga alipuris nito.

Sa kasalukuyan, walanghiyang ipinagmamalaki ngayon ng mga tuta ng Kano ang pagpapakatuta nila. Itinatabing nila ang bawat pagpapatupad ng neoliberal na batas para diumano sa pag-unlad ng ekonomya at bawat di pantay na kasunduang militar para diumano sa pambansang seguridad.

Matatandaan na inilunsad dito sa Pilipinas ang Balikatan Exercises 2026 na nilahukan ng mga tropa ng US at ang Pax Silica na para raw sa pagtatayo ng technological at artificial intelligence (AI) hub na lalong magsasangkalan sa ating bayan sa gera sa pagitan ng iba pang imperyalistang bayan.

Nakita na natin ito noong panahon ng Ikalawang Digmaang Imperyalista—noong marami sa naghaharing uri ay nakipagsabwatan sa mga Hapones at naging Makapili na ibinenta ang kapwa mamamayan sa mga kaaway.

Ang mga Makapili noon ay mga Amboy at tuta ng Kano ngayon. Dapat silang isuka at itakwil ng kabataan at mamamayang Pilipino. Makibaka para lagutin ang tanikala ng imperyalistang panghahari ng US sa Pilipinas!

𝗜𝗕𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗘𝗥𝗬𝗔𝗟𝗜𝗦𝗠𝗢𝗡𝗚 𝗨𝗦!
𝗜𝗕𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗬𝗨𝗗𝗔𝗟𝗜𝗦𝗠𝗢!
𝗜𝗕𝗔𝗚𝗦𝗔𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗥𝗨𝗞𝗥𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗔𝗟𝗜𝗦𝗠𝗢!
𝗞𝗔𝗠𝗧𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗗𝗘𝗠𝗢𝗥𝗔𝗦𝗬𝗔!

𝑻𝒐𝒅𝒂𝒚, 𝒘𝒆 𝒄𝒆𝒍𝒆𝒃𝒓𝒂𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝟐𝒏𝒅 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒀𝑨𝑪𝑨𝑳 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔!Two fruitful years have passed since our organization embarke...
11/06/2026

𝑻𝒐𝒅𝒂𝒚, 𝒘𝒆 𝒄𝒆𝒍𝒆𝒃𝒓𝒂𝒕𝒆 𝒕𝒉𝒆 𝟐𝒏𝒅 𝑨𝒏𝒏𝒊𝒗𝒆𝒓𝒔𝒂𝒓𝒚 𝒐𝒇 𝒀𝑨𝑪𝑨𝑳 𝑷𝒊𝒍𝒊𝒑𝒊𝒏𝒂𝒔!

Two fruitful years have passed since our organization embarked on its mission to engage the youth in relevant and meaningful educational discussions. Throughout this journey, we have provided spaces that foster critical thinking, active citizenship, and sustainable nation-building, staying true to our vision: to cultivate an empowered and actively engaged Filipino youth equipped with the knowledge and leadership skills needed to drive meaningful and positive change in their communities and across the nation.

Over the past two years, we have stood together through webinars, musical gigs, educational discussions, and various other initiatives that show how youth awareness and active participation remain alive and vital in addressing the many issues facing our society.

𝗖𝘂𝗿𝗿𝗲𝗻𝘁𝗹𝘆, 𝗮𝗻𝗱 𝗺𝗼𝘀𝘁 𝘀𝗶𝗴𝗻𝗶𝗳𝗶𝗰𝗮𝗻𝘁𝗹𝘆, 𝗼𝘂𝗿 𝗼𝗿𝗴𝗮𝗻𝗶𝘇𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝘀 𝗺𝗼𝗯𝗶𝗹𝗶𝘇𝗶𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝗰𝗼𝗺𝗺𝘂𝗻𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗳𝗳𝗲𝗰𝘁𝗲𝗱 𝗯𝘆 𝘁𝗵𝗲 𝗿𝗲𝗰𝗲𝗻𝘁 𝗲𝗮𝗿𝘁𝗵𝗾𝘂𝗮𝗸𝗲 𝗶𝗻 𝗠𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼. For those who wish to extend monetary assistance, 𝙙𝙤𝙣𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣𝙨 𝙢𝙖𝙮 𝙗𝙚 𝙨𝙚𝙣𝙩 𝙩𝙝𝙧𝙤𝙪𝙜𝙝 𝙩𝙝𝙚 𝙂𝘾𝙖𝙨𝙝 𝙌𝙍 𝙘𝙤𝙙𝙚 𝙥𝙧𝙤𝙫𝙞𝙙𝙚𝙙 𝙗𝙚𝙡𝙤𝙬.

Moreover, 𝗬𝗔𝗖𝗔𝗟’𝘀 𝟑𝗿𝗱 𝗔𝗻𝗻𝘂𝗮𝗹 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵 𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 for the members of the organization is drawing near. We will continue honing the capabilities of our young leaders through a series of courses.

As we celebrate this milestone, we at YACAL Pilipinas remain committed to organizing webinars and educational discussions, 𝗯𝗲𝗴𝗶𝗻𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝗼𝘂𝗿 𝗮𝗰𝘁𝗶𝘃𝗶𝘁𝗶𝗲𝘀 𝗶𝗻 𝗰𝗲𝗹𝗲𝗯𝗿𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗣𝗿𝗶𝗱𝗲 𝗠𝗼𝗻𝘁𝗵 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗝𝘂𝗻𝗲.

Once again, we are YACAL Pilipinas, and we are only beginning our journey of serving the people and awakening the sleeping consciousness of the youth.

𝐊𝐚𝐛𝐚𝐭𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚. 𝐕𝐈𝐓𝐀 𝐀𝐂𝐓𝐈𝐕𝐀!

🖼️: Jzamira Ellise Pacuan | Center Leader for Gender Rights and SOGIESC

“𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒊𝒃𝒊𝒈 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂, 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒊𝒏 𝒌𝒂 𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒃𝒂𝒌𝒂.”Ngayong Hunyo, ating ipagdiwang at kilalanin ang iba’t...
01/06/2026

“𝑫𝒂𝒉𝒊𝒍 𝒂𝒏𝒈 𝒑𝒂𝒈-𝒊𝒃𝒊𝒈 𝒂𝒚 𝒎𝒂𝒑𝒂𝒈𝒑𝒂𝒍𝒂𝒚𝒂, 𝒂𝒏𝒈 𝒎𝒂𝒉𝒂𝒍𝒊𝒏 𝒌𝒂 𝒂𝒚 𝒑𝒂𝒌𝒊𝒌𝒊𝒃𝒂𝒌𝒂.”

Ngayong Hunyo, ating ipagdiwang at kilalanin ang iba’t ibang kasarian tungo sa isang mas inklusibong lipunan. Ang Pride Month ay hindi lamang natatapos sa mga masayang pagtitipon ng LGBTQIA+ community; nagsisilbi rin itong protesta at kilusan na isinilang mula sa daan-daang taon ng paghihirap, paglaban, at galit laban sa diskriminasyon, opresyon, homophobia, karahasang nakabatay sa kasarian, gender wage gap, kakulangan sa representasyon, visibility, at ligtas na espasyo. Kasama rin dito ang patuloy na pakikibaka para sa pagtanggap at pagkakaroon ng pantay na karapatan ng komunidad.

Kaya naman, nakikiisa ang YACAL Pilipinas sa pagpapatuloy at paglawak ng kilusang ito ngayong Pride Month para sa isang bansa at lipunang kumikilala sa kahalagahan ng usaping pangkasarian at sa mga isyung pumapalibot dito. Patuloy naming ikinukondena ang nagaganap na paglabag at pagdarahas sa komunidad, hindi lamang sa pisikal na anyo kundi maging sa pagkakait sa kanila ng pantay na pagtrato, oportunidad, at pagtanggap sa iba’t ibang espasyo ng lipunan. Kaakibat nito, patuloy ding sinusuportahan ng YACAL Pilipinas ang SOGIESC Bill, na naglalayong protektahan at tiyakin ang pantay na karapatan hindi lamang ng LGBTQIA+ community kundi ng lahat ng mamamayang Pilipino na nalilimitahan ang kanilang kakayahan at oportunidad dahil lamang sa kanilang kasarian o identidad.

Sa buwan ng Hunyo, na taon-taon nating ginugunita bilang Pride Month, nawa’y magsilbi itong paalala na kaakibat ng pagmamahal na ibinubuhos natin para sa masa, lipunan, at bayan ang walang sawang pakikibaka para sa pagkakapantay-pantay. Nawa’y patuloy tayong magalit sa isang magandang kinabukasang ipinagkakait sa marami. Sapagkat ang tunay na kasiyahan sa Pride ay makakamit lamang kapag malaya silang mamuhay, magmahal, at maiparinig ang kanilang mga kuwento—isang kasiyahang matatamo lamang sa isang mapagpalaya, pantay, at makatarungang lipunan.

𝗟𝗘𝗧’𝗦 𝗔𝗟𝗟 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗛 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗣𝗥𝗜𝗗𝗘!

𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔𝗠𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗞𝗟𝗔.
𝗠𝗔𝗦𝗔𝗬𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗞𝗟𝗔.
𝗗𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗠𝗔𝗬 𝗕𝗔𝗞𝗟𝗔!

✒️: Jzamira Ellise Pacuan | Center Leader for SOGIESC
🖼️: Hanna Kim Orilla | Communications Committee Leader




Sa panahon na hindi nabibigyan ng importansya ang mga manggagawa sa lipunan, may mga nangangahas na mag-aklas, lumaban, ...
30/05/2026

Sa panahon na hindi nabibigyan ng importansya ang mga manggagawa sa lipunan, may mga nangangahas na mag-aklas, lumaban, at makibaka para sa sahod, trabaho, at karapatan. ⚙️

Iniimbitahan kayo ng 𝗬𝗔𝗖𝗔𝗟 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 sa paglulunsad ng 𝗦𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗹𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆𝗼: 𝗘𝘀𝗽𝗲𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗞𝘂𝗿𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮! Sa pangalawa at huling araw ng talakayan, aalamin natin ang mga suliranin at kalagayan na nagbunsod para ang uring manggagawa ang maging uring namumuno sa pagsusulong ng tunay na pagbabago.

📣 LIBRE po at walang bayad ang webinar!
📜 TIYAK na merong makukuhang E-CERTIFICATE!

𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟮: 𝗛𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝘆 𝗮𝗻𝗱 𝗧𝗮𝘀𝗸𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝘃𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁
📍 May 31 | 6:00 p.m.

📝 𝗠𝗮𝗴-𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗻𝗮!
📎 https://tinyurl.com/PANDAYOBRERO

𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔! 𝗠𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗟𝗘𝗧𝗔𝗥𝗬𝗔𝗗𝗢!



🖋️: Zenith Sabado, Center for Politics and Governance Member
🖼️: James Michael Dayag, Center for Politics and Governance Member

Sa panahon na hindi nabibigyan ng importansya ang mga manggagawa sa lipunan, may mga nangangahas na mag-aklas, lumaban, ...
28/05/2026

Sa panahon na hindi nabibigyan ng importansya ang mga manggagawa sa lipunan, may mga nangangahas na mag-aklas, lumaban, at makibaka para sa sahod, trabaho, at karapatan. ⚙️

Iniimbitahan kayo ng 𝗬𝗔𝗖𝗔𝗟 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 sa paglulunsad ng 𝗦𝗮 𝗠𝗮𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝗣𝗿𝗼𝗹𝗲𝘁𝗮𝗿𝘆𝗼: 𝗘𝘀𝗽𝗲𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗞𝘂𝗿𝘀𝗼 𝘀𝗮 𝗞𝗶𝗹𝘂𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮! Sa unang araw ng talakayan, susuriin natin ang pagsasamantalang kinahaharap ng mga manggagawa sa ilalim ng mga kapitalista at iba pang sulirain na kanilang kinakalaban.

📣 LIBRE po at walang bayad ang webinar!
📜 TIYAK na merong makukuhang E-CERTIFICATE!

𝗣𝗮𝗿𝘁 𝟭: 𝗦𝗶𝘁𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗧𝗿𝗮𝗱𝗲 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 𝗠𝗼𝘃𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁
📍 May 29 | 6:00 p.m.

📝 𝗠𝗮𝗴-𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗻𝗮!
📎 https://tinyurl.com/PANDAYOBRERO

𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔! 𝗠𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗟𝗘𝗧𝗔𝗥𝗬𝗔𝗗𝗢!



🖋️: Zenith Sabado, Center for Politics and Governance Member
🖼️: James Michael Dayag, Center for Politics and Governance Member

"𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘪 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘯."— Gabriela Silang𝑰𝑵𝑰𝑴𝑩𝑰𝑻𝑨𝑻𝑨𝑵 𝑲𝑨𝒀𝑶! 𝑼𝑵𝑨𝑵𝑮 𝑾𝑬𝑩𝑰𝑵𝑨𝑹 𝑵𝑮 𝒀𝑨𝑪𝑨𝑳 𝑷𝑰𝑳𝑰𝑷𝑰𝑵𝑨𝑺Ipinagmama...
26/05/2026

"𝘈𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘱𝘪 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘺 𝘬𝘢𝘳𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘶𝘮𝘢𝘣𝘢𝘯."
— Gabriela Silang

𝑰𝑵𝑰𝑴𝑩𝑰𝑻𝑨𝑻𝑨𝑵 𝑲𝑨𝒀𝑶! 𝑼𝑵𝑨𝑵𝑮 𝑾𝑬𝑩𝑰𝑵𝑨𝑹 𝑵𝑮 𝒀𝑨𝑪𝑨𝑳 𝑷𝑰𝑳𝑰𝑷𝑰𝑵𝑨𝑺

Ipinagmamalaki ng 𝗬𝗔𝗖𝗔𝗟 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 ang paglulunsad ng aming 𝘂𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘄𝗲𝗯𝗶𝗻𝗮𝗿 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘆𝗼 — 𝗕𝘂𝘀𝗮𝗯𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗵𝘂𝗻𝗮𝗻: 𝗔 𝗟𝗮𝗯𝗼𝗿 𝗦𝗶𝘁𝘂𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗲𝗿 — isang espasyo na kung saan pag-aaralan at tatalakayin ang tunay na kalagayan ng mga manggagawang Pilipino: ang hirap ng endo at kontraktwalisasyon, ang mababang sahod sa pabrika at bukid, at ang patuloy na paglabag sa kanilang mga karapatan.

Ano nga ba ang totoong kalagayan ng manggagawang Pilipino ngayon? Anong mga istruktura ng pang-aapi ang nagpapanatili sa kanilang kahirapan? At paano tayo, bilang kabataan, magiging tunay na kasama sa kanilang pakikibaka?

Sasagutin ang mga tanong na ito ng ating mga espesyal na panauhin:
🎙️ 𝗠𝗿. 𝗣𝗲𝘁𝗲𝗿 𝗝𝗼𝗵𝗻 𝗖𝗵𝗮𝗿𝗹𝗲𝘀
𝘊𝘩𝘢𝘪𝘳𝘱𝘦𝘳𝘴𝘰𝘯, 𝘛𝘢𝘮𝘣𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘚𝘪𝘯𝘪𝘯𝘨 - 𝘕𝘰𝘷𝘢𝘭𝘪𝘤𝘩𝘦𝘴
𝘏𝘦𝘢𝘥 𝘰𝘧 𝘊𝘶𝘭𝘵𝘶𝘳𝘢𝘭 𝘊𝘰𝘮𝘮𝘪𝘵𝘵𝘦𝘦, 𝘈𝘴𝘴𝘰𝘤𝘪𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 𝘰𝘧 𝘋𝘦𝘮𝘰𝘤𝘳𝘢𝘵𝘪𝘤 𝘓𝘢𝘣𝘰𝘳 𝘖𝘳𝘨𝘢𝘯𝘪𝘻𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯 - 𝘒𝘪𝘭𝘶𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘔𝘢𝘺𝘰 𝘜𝘯𝘰 (𝘈𝘋𝘓𝘖-𝘒𝘔𝘜)

🎙️𝗠𝗿. 𝗚𝗮𝗯𝗿𝗶𝗲𝗹 𝗗𝗲𝗼𝗻𝗷𝗷 𝗔𝗹𝗯𝗮𝗻𝗶𝗮

Bilang mga kabataang naghahanda para sa kinabukasan, ang pag-unawa sa kalagayan ng manggagawa ay hindi lamang isang akademikong ehersisyo —ito ay isang 𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝘂𝗹𝗶𝗻. Ang landas tungo sa pagbabago ay nagsiisimula sa pag-alam, pag-unawa, at pagsanib sa kanilang pakikibaka.

📍 May 27 | 6:00 p.m.

📝 𝗠𝗮𝗴-𝗿𝗲𝗴𝗶𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗻𝗮!
🔗 https://tinyurl.com/PANDAYOBRERO

𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗢 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡, 𝗠𝗔𝗚𝗞𝗔𝗜𝗦𝗔! 𝗠𝗔𝗕𝗨𝗛𝗔𝗬 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗟𝗘𝗧𝗔𝗥𝗬𝗔𝗗𝗢!



🖋: James Michael Dayag | Center for Politics and Governance Member
🖼: Mon Artur Barrera | Center Leader for Humanities and Arts

Address

Antipolo
1870

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when YACAL Pilipinas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share