02/06/2026
Assalamualaikum waramatulahi wabarakatuh
Taos-pusong pasasalamat din po kay Ustadzah Rahma Bint Abdulkarim Garay , Secretary ng UOB Women, sa kanyang walang sawang sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-edit, pag-aayos, at paghahanda ng lahat ng paperwork para sa ating matagumpay na Eid Al-Adha Celebration. Sa kabila ng maraming responsibilidad at hamon sa paghahanda ng programa, ipinakita mo ang iyong pagmamalasakit at kahandaan na maglingkod para sa kapakanan ng ating samahan.
Malaki ang naging bahagi ng iyong pagsisikap upang maging maayos, organisado, at matagumpay ang ating event. Ang iyong oras, pasensya, at dedikasyon sa bawat detalye ay tunay na napakahalaga at lubos naming pinahahalagahan.
Jazakillahu khairan, Ustadzah Rahma, sa iyong patuloy na suporta at serbisyo sa UOB
Nawa’y gantimpalaan ka ni Allah (SWT) ng masaganang biyaya, mabuting kalusugan, dagdag na kaalaman, at tagumpay sa mundong ito at sa Kabilang-Buhay. Nawa’y patuloy kang gawing instrumento ni Allah sa paggawa ng kabutihan at paglilingkod sa Ummah 🤲🤲🤲
Maraming salamat at mabuhay ka. Alhamdulillah sa iyong mahalagang ambag sa tagumpay ng ating programa.