Zulunian Club

  • Home
  • Zulunian Club
Directions

Zulunian Club Since 1962 in Barangay Burol • Founded by then Kapitan del Barrio Federico “Idying” Sta. Teresa.

Committed to service, unity, and civic excellence—shaping community impact through leadership, volunteerism, and shared purpose.

08/07/2026

June 28 — Isang masaya, makulay, at tunay na nakakabuhay ng samahan ang naging pagdaraos ng Zulunian Club: Swimming 2026 sa Cristina Villas Mountain Resort & Hotel. Hindi lamang ito naging pagkakataon para mag-enjoy at makapagpahinga, kundi lalo ring pinagtibay ang pagkakaisa, samahan, at malasakit ng bawat miyembro ng ating organisasyon.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagbigay ng suporta at nakiisa upang maging matagumpay ang ating aktibidad, lalo na kina:

Kap. Dan Carl De Guzman
Kagawad Glen Moreno
Kagawad Charlie De Guzman

Mr. Macky Paz
Mr. Jerome & Mrs. JAne Santos
Mr. Ralph Austin Santos & Ms. Mariam Anos
Mr. Rk Rubiales & Ms. Johna Cruz
Mr. Armin & Mrs. Mhila Sañano

At isang natatanging pasasalamat kay Konsehal Danny De Guzman na patuloy na nagbibigay sa amin ng suporta at gabay. Maraming salamat sa inyong pagdalo at pagbisita sa aming aktibidad; mas lalo pong naging masaya, masigla, at kapana-panabik ang buong okasyon dahil sa inyong presensya.

Lubos din ang aming pasasalamat sa aming Pangulo, Ms. Sandy Rubiales, kasama ang buong mga opisyal ng Zulunian Club, sa kanilang dedikasyon, pagsisikap, at mahusay na pangunguna upang maisakatuparan ang isang matagumpay at masayang pagtitipon para sa lahat.

Maraming salamat sa bawat isa na naging bahagi ng araw na ito. Hangad namin ang mas marami pang samahan, masasayang alaala, at matagumpay na aktibidad para sa buong pamilyang Zulunian Club.

Patuloy po tayong magkaisa, magsaya, at magmalasakit. sa isa’t isa!

❤️🧡💛💚🩵💙💜



𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐒-𝐏𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓!Matagumpay na naidaos ang Zulunian Club: 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐨𝐧𝐚𝐧𝐳𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 noong June 21, 2026 (Lin...
27/06/2026

𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐎𝐒-𝐏𝐔𝐒𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐒𝐀𝐒𝐀𝐋𝐀𝐌𝐀𝐓!

Matagumpay na naidaos ang Zulunian Club: 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐨𝐧𝐚𝐧𝐳𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔 noong June 21, 2026 (Linggo) sa Burol-Luna Star Covered Court. Ang tagumpay ng programang ito ay naging posible dahil sa sama-samang pagtutulungan, suporta, at malasakit ng ating mga sponsors, partners, mga opisyal ng pamahalaan, at buong komunidad.

Lubos ang aming pasasalamat sa aming partner, B.D Domingo Realty & Construction Corporation, sa kanilang pagsuporta upang maging matagumpay ang ating programa.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa mga City Officials, sa pangunguna nina;
Mayor Menchie Abalos
Vice Mayor Anthony Suva
Congresswoman Queenie Gonzales
Councilor Charisse Marie Abalos-Vargas
Councilor Councilor Elton Yap
Councilor "Danny" De Guzman
Councilor Mariz Manalo
Councilor Grace Antonio at
Councilor Junis Alim, sa kanilang patuloy na suporta sa mga layunin at adhikain ng Zulunian Club.

Isang natatanging pasasalamat din kina Konsehal Danny at Konsehal Elton na personal na naglaan ng kanilang oras upang dumalo at bumisita sa ating pagtitipon. Ang kanilang presensya ay tunay na nagdagdag ng saya at kulay sa ating programa.

Maraming salamat din sa ating Barangay Burol Council, sa pangunguna nina Kap. Dan Carl De Guzman at Kapitana Mayel De Guzman, kasama sina;
Kagawad Glen Moreno
Kagawad Bogie Calderon
Kagawad Lolong Martinez
Kagawad Iking Dela Paz
Kagawad Charlie De Guzman
Kagawad Baloy Peralta at
Kagawad Rene Cristobal, sa kanilang pakikiisa at walang sawang pagsuporta.

Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Barangay Burol Staff at Bantay Bayan members, sa kanilang pag-asiste sa buong programa.

Lubos din naming pinahahalagahan ang suporta nina;
Mr. Macky Paz (Soon-to-be Kagawad)
Mr. Ralph Santos & Mariam L. Anos
Mr. Rotzhen Esteban
Mr. Marlon Cuizon
Mx. Mymu Santos at
Premium Co. sa kanilang mahalagang kontribusyon sa tagumpay ng ating programa.

Higit sa lahat, taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng Zulunian Club Officers and Members, at sa bawat kalahok at sumuporta sa ating Grand Bingo Bonanza. Ang inyong pagtangkilik ay hindi lamang nagbigay saya, kundi nag-ambag din sa pagpapalakas ng ating General Fund na gagamitin para sa mga susunod pang proyekto, programa, at serbisyong makikinabang ang ating komunidad.

Ito ay hindi lamang isang Bingo Bonanza—ito ay isang patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas marami tayong kayang maabot.

Maraming salamat po sa inyong lahat sa pagiging bahagi ng tagumpay ng 𝒁𝒖𝒍𝒖𝒏𝒊𝒂𝒏 𝑪𝒍𝒖𝒃: 𝑮𝒓𝒂𝒏𝒅 𝑩𝒊𝒏𝒈𝒐 𝑩𝒐𝒏𝒂𝒏𝒛𝒂 𝟐𝟎𝟐𝟔. Hanggang sa muli, para sa mas marami pang programang may layuning maglingkod at magbigay saya sa ating komunidad.

💚💛💙❤️🧡💜



KAHAPON | Nagkaroon ng isang makabuluhan at produktibong courtesy call ang mga opisyal ng Zulunian Club kay Konsehal Elt...
17/06/2026

KAHAPON | Nagkaroon ng isang makabuluhan at produktibong courtesy call ang mga opisyal ng Zulunian Club kay Konsehal Elton Yap.

Sa nasabing pagbisita, naibahagi ng samahan ang mga nakalatag na programa at aktibidad, kabilang ang nalalapit na 𝐆𝐫𝐚𝐧𝐝 𝐁𝐢𝐧𝐠𝐨 𝐁𝐨𝐧𝐚𝐧𝐳𝐚 𝟐𝟎𝟐𝟔.

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong oras, mainit na pagtanggap, at patuloy na suporta sa mga adhikain ng aming samahan. Ang inyong pakikiisa ay nagsisilbing inspirasyon upang higit pa naming mapalakas ang aming paglilingkod at mga programang nakatuon sa kapakanan ng komunidad.

Umaasa po kami sa patuloy na magandang ugnayan at sama-samang pagkilos tungo sa mas masigla, nagkakaisa, at maunlad na pamayanan.

Maraming salamat po muli, Konsehal Elton!

💙🩵



🇵🇭Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng katapangan at sakripisyo ng mga Pilipinong nangarap ng isang malaya ...
12/06/2026

🇵🇭

Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng katapangan at sakripisyo ng mga Pilipinong nangarap ng isang malaya at maunlad na bayan.

Nawa’y maging inspirasyon sa atin ang kanilang kabayanihan upang patuloy na magmahal, magkaisa, at maging tunay na maka-Pilipino.

MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN SA LAHAT!
Mabuhay Ang Pilipinas!

💙❤️🤍💛


Tara na at maki-saya sa 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃 𝐁𝐈𝐍𝐆𝐎 𝐁𝐎𝐍𝐀𝐍𝐙𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔, hatid ng Zulunian Club‼️Handa ka na bang manalo? Huwag palampasin ang ...
03/06/2026

Tara na at maki-saya sa 𝐆𝐑𝐀𝐍𝐃 𝐁𝐈𝐍𝐆𝐎 𝐁𝐎𝐍𝐀𝐍𝐙𝐀 𝟐𝟎𝟐𝟔, hatid ng Zulunian Club‼️

Handa ka na bang manalo? Huwag palampasin ang ating event kung saan mayroong 10 kapana-panabik na laro:
- 9 na Pattern Games
- 1 Blackout Game para sa ating ₱10,000.00 cash grand prize.

Bukod sa cash, marami ring appliances at iba pang premyo na naghihintay para sa inyo!

📅 June 21, 2026 (Linggo)
🕐 1:00 PM onwards
📍 Burol-Luna Star Covered Court

𝘽𝙞𝙣𝙜𝙤 𝘾𝙖𝙧𝙙 𝙋𝙧𝙞𝙘𝙚: ₱200.00 lang kada set (mayroon na itong 10 cards)

Siguradong masaya at puno ng excitement ang ating event, kaya ayain na ang buong barkada, kapitbahay, at pamilya!

𝙋𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙣𝙖𝙞𝙨 𝙨𝙪𝙢𝙖𝙡𝙞 𝙖𝙩 𝙢𝙖𝙜𝙡𝙖𝙧𝙤: Magtanong lamang po sa sinumang miyembro ng Zulunian, upang makabili ng inyong cards.

𝑲𝒊𝒕𝒂𝒌𝒊𝒕𝒔!

🎉


💚💛❤️🫶🏻🫶🏻🫶🏻
28/05/2026

💚💛❤️
🫶🏻🫶🏻🫶🏻

Sa nalalapit na pagbubukas ng klase, sama-sama tayong magbahagi ng pag-asa at inspirasyon sa ating mga kabataan! ❤️

Ang mga club at organisasyon ng Barangay Burol ay magsasagawa ng pagbibigay ng “School Baon” para sa mga batang Kinder hanggang Grade 3 bilang panimulang baon para sa kanilang pag-aaral ngayong pasukan. ✏️📖

Munting tulong, malaking ngiti para sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Sama-sama nating suportahan ang edukasyon at iparamdam sa kanila na may komunidad na handang umalalay at magmalasakit. 🤝✨

“Ang bawat munting tulong ay malaking hakbang para sa pangarap ng isang bata.” 💙





[𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎] 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟕 ~ As part of the celebration of Zulunian Club’s 64th Year Anniversary, everyone came together for a fun a...
26/05/2026

[𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎] 𝐌𝐚𝐲 𝟏𝟕 ~ As part of the celebration of Zulunian Club’s 64th Year Anniversary, everyone came together for a fun and unforgettable 𝙖𝙛𝙩𝙚𝙧-𝙥𝙖𝙧𝙩𝙮 following the successful Santacruzan 2026.

The night was filled with laughter, great company, and nonstop vibes as everyone enjoyed the upbeat music and celebrated this year’s success together.

Thank you to everyone who joined and made the celebration even more meaningful and memorable!

💚💛✨




Address

A. Luna Street, Barangay Burol

1550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zulunian Club posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your organization to be the top-listed non profit organization?

Share