22/10/2026
OKTUBRE 21, 2026 || PAGDIRIWANG SA KAPISTAHAN NI SAN PEDRO CALUNGSOD
Sa diwa ng pananampalataya at debosyon, maringal na ipinagdiwang ang Banal na Misa sa karangalan ni San Pedro Calungsod, ang batang martir at huwaran ng katatagan sa pananampalataya, noong ika-21 ng Oktubre 2026. Sinundan ito ng isang prusisyon bilang pagpaparangal sa Kaniyang kabanalan at bilang pagpapahayag ng taimtim na debosyon ng sambayanan sa Kaniyang banal na pamamatnubay.
Nawa'y magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang buhay ni San Pedro Calungsod — isang kabataang buong tapang na nag-alay ng sarili sa paglilingkod sa Diyos at sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita. Sa Kaniyang panalangin at pamamagitan, nawa'y higit pang tumibay ang ating pananampalataya at maningas ang ating pag-ibig kay Kristo.
💙🤍