Metro PH Infra Update

Directions

Metro PH Infra Update Infrastructure updates, transportation and public utility news, real estate finds around the Philippines

🚆CHANGING THE WAY MANILA MOVES 🚐A modern city should make everyday movement easier, safer, and more convenient 🚸 and in ...
30/07/2026

🚆CHANGING THE WAY MANILA MOVES 🚐

A modern city should make everyday movement easier, safer, and more convenient 🚸 and in a country like the Philippines, sometimes the private sector simply does it better. 🤷‍♂️

🟢 In Quezon City, SM North EDSA has built a dedicated concourse connecting commuters directly to the EDSA Busway, the mall, SM CyberWest, and the public transport terminal. With covered walkways, escalators, and elevators, getting around becomes more comfortable and accessible.

🔵 In Mandaluyong, the SM Megamall Busway Station provides another convenient link to the EDSA Carousel. It has a wide and fully covered elevated walkway that gives commuters easier access while helping lessen foot traffic along the MRT-3 footbridge.

These new transport links show and prove that familiar places can evolve with the way people live ✨ By connecting public transportation more closely to where people work, shop, and meet, SM is helping change the way Manila moves, one easier journey at a time.

🚦We can learn a lot from these two examples. Now, can we replicate them across the country? 🤔

Hindi lang magandang proyekto ang kailangan para gumanda ang isang ilog, kailangan din ng disiplina ng tao.Patunay ang I...
03/06/2026

Hindi lang magandang proyekto ang kailangan para gumanda ang isang ilog, kailangan din ng disiplina ng tao.

Patunay ang Iloilo River Esplanade na kapag maayos ang pagtatapon ng basura, posibleng mapanatiling malinis ang lugar, at higit sa lahat, maiiwasan rin ang matinding pagbaha.

MORE THAN JUST LACKING WATER 💧We often talk about the water crisis as if it’s simply a problem of not having enough supp...
14/05/2026

MORE THAN JUST LACKING WATER 💧

We often talk about the water crisis as if it’s simply a problem of not having enough supply. Kapag mahina ang pressure o may interruption, ang unang tanong agad: “Kulang ba ang tubig?”

But the reality is more complicated than that, and it goes beyond what we see at home.

The real issue isn’t just how much water is available, but how well the system can actually deliver it. From source to tap, water passes through a long and complex process, collection, treatment, storage, and distribution. At each stage, there’s limitations. Aging pipes, limited storage, and uneven distribution networks all play a role in why water doesn’t always reach households consistently.

At the same time, demand has grown significantly. More people and more overall consumption, especially during peak hours or hot seasons. The system, however, hasn’t always expanded at the same pace. So even when water is still available at the source, it’s not a guarantee that it will reach where it needs to be.

There are also external pressures, changing weather patterns, rising temperatures, and declining water quality, that make the situation even more difficult to manage. These are factors that aren’t always visible, but they directly affect how much usable water can be delivered at any given time.

So when interruptions happen, they’re often not isolated incidents. They’re signs of a system under strain.
If we want to truly understand the water crisis, we need to look beyond the surface. It’s not just about supply, it’s about the capacity of the entire system to keep up. And until that gap is addressed, the challenges we’re experiencing today will likely continue.

BAKIT MAS MADALAS ANG WATER INTERRUPTIONS NGAYONG TAG-INIT? 🤔Ramdam na ramdam na natin ang epekto ng El Niño. Mas mainit...
29/04/2026

BAKIT MAS MADALAS ANG WATER INTERRUPTIONS NGAYONG TAG-INIT? 🤔

Ramdam na ramdam na natin ang epekto ng El Niño. Mas mainit ang panahon, mas kaunti ang ulan, at mas bumababa ang supply ng tubig. Pero habang nangyayari ito, mas lumalabas din ang isang mas malaking problema; hindi na kayang sabayan ng sistema natin ang sitwasyon ngayon.

Matagal nang naka-disenyo ang water infrastructure natin para sa mas maliit na populasyon at mas mababang demand. Ngayon, mas maraming gumagamit, mas mataas ang konsumo, pero halos pareho pa rin ang kapasidad. Kaya kahit may tubig pa sa source, hindi ito laging umaabot nang maayos sa mga bahay.

Dito na pumapasok ang totoong problema, hindi lang kakulangan sa tubig, kundi kakulangan sa kakayahan ng system na mag-deliver nito nang maayos. Sa gitna ng init, sabay-sabay ang paggamit. Pero dahil luma ang pipes, kulang ang storage, at limitado ang distribution, mas nagiging ramdam ang water interruptions at mahinang pressure.

Ang El Niño ay parang stress test, at ngayon, nakikita natin kung saan nagkukulang ang sistema. Hindi sapat na may supply lang. Kailangan din ng modern, mas matibay, at mas handang infrastructure para kayanin ang ganitong klaseng kondisyon.

Kung walang pagbabago, bawat tag-init, paulit-ulit lang nating mararanasan ang parehong problema, mas kaunting tubig, mas maraming demand, at sistemang hirap sumabay.

08/04/2026

TUBIG NA SANA, NASASAYANG PA 💧

Malinis na tubig na katumbas ng halos kalahati ng Angat Dam ang nasasayang natin kada taon. Hindi napapakinabangan dahil sa leaks, inefficiencies, at maling paggamit...

Maging mas responsable tayo at simulan natin ang wastong paggamit ng tubig!

HINDI SAPAT ‼️ ANG IMBAKAN NATIN NG TUBIG 💧Hindi lang kakulangan sa supply ang problema,kulang din tayo sa maayos na imb...
25/03/2026

HINDI SAPAT ‼️ ANG IMBAKAN NATIN NG TUBIG 💧

Hindi lang kakulangan sa supply ang problema,kulang din tayo sa maayos na imbakan ng tubig. Kahit may sapat na water source, kung walang sapat na reservoirs at storage facilities, hindi kayang i-balanse ang demand, lalo na tuwing peak hours o tag-init kung kailan sabay-sabay ang paggamit. Ngayon, magsa-summer na naman...pero hindi pa rin tayo handa!

Sa mga sitwasyon na kulang ang storage capacity, diretso agad ang pressure sa distribution system. Ang resulta ay mahinang daloy ng tubig, hindi pantay na supply sa iba’t ibang lugar, at mas madalas na water interruptions.

Kapag hindi napapalawak ang storage infrastructure sa bansa, mananatiling hamon ang pagbibigay ng tuloy-tuloy at maaasahang serbisyo ng tubig sa bawat tahanan.

INFORMAL SETTLERS + BASURA = METRO MANILA FLOODINGHindi natin maikakaila na maraming estero sa Metro Manila ang napapali...
16/03/2026

INFORMAL SETTLERS + BASURA = METRO MANILA FLOODING

Hindi natin maikakaila na maraming estero sa Metro Manila ang napapalibutan ng informal settlers, at kadalasan, ang paligid ng kanilang mga bahay ay puno ng basura. Plastik, basura, at iba pang kalat ay dumederetso sa daluyan mismo ng tubig, na nagiging rason rin kung bakit malala ang pagbaha sa atin.

Kaya kapag dumating ang malakas na ulan, hindi makadaloy nang maayos ang tubig, kaya mabilis na bahain ang mga kalye at residential areas. Ang problema ay hindi lang sa ulan kundi sa kombinasyon ng baradong waterways at improper waste disposal mula sa mga informal settlers.

Ang tanging solusyon sa probelma na ito ay tamang disiplina sa pagtatapon ng basura at mas maayos na urban planning para sa mga estero at drainage. Dahil ang pagbabago, nagsisimula sa tamang pangangalaga sa ating kapiligiran.

WALANG SILBI ANG PUMPING STATIONS KAPAG BARADO!Habang papalapit ang tag-ulan, muling nabibigyang-pansin ang kahandaan ng...
12/03/2026

WALANG SILBI ANG PUMPING STATIONS KAPAG BARADO!

Habang papalapit ang tag-ulan, muling nabibigyang-pansin ang kahandaan ng mga lungsod sa posibleng pagbaha. Ayon kay dating DPWH Secretary Manuel Bonoan, gumagana ang mga pumping station, ngunit nagkakaroon ng problema kapag hindi sapat ang drainage system para maihatid ang tubig-baha papunta sa mga ito. Ipinapakita nito na mahalagang tingnan ang kabuuang sistema, hindi lamang ang mga pumping facility.

Hindi lang lakas ng ulan ang nakaaapekto sa pagbaha. Kapag luma, barado, o kulang ang kapasidad ng mga drainage line at estero, mas nahihirapan ang tubig na makadaloy nang maayos. Sa mga lugar tulad ng Metro Manila, kung saan mataas ang urban density, mas nagiging kritikal ang regular na maintenance at pag-upgrade ng mga daluyan ng tubig upang makasabay sa dami ng runoff tuwing malalakas ang pag-ulan.

Dahil dito, mahalaga ang tuloy-tuloy na pamumuhunan sa imprastraktura na may direktang epekto sa flood management at public safety. Ang maayos na paggamit ng pondo at maagang pagpaplano ay susi upang mabawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na sa harap ng mas matitinding pag-ulan na dulot ng climate change.

06/03/2026

BASURA NGAYON, BAHA BUKAS

Konting kalat ngayon, baha agad pag ulan. Kung ayaw nating maapektuhan, simulan na ang tamang pagtatapon ng basura.

‼️GANITO NAGSISIMULA ANG BAHA ‼️Mahigit 600 toneladang basura ang nahakot ng MMDA mula sa mga pumping stations at mga bi...
04/03/2026

‼️GANITO NAGSISIMULA ANG BAHA ‼️

Mahigit 600 toneladang basura ang nahakot ng MMDA mula sa mga pumping stations at mga binahang lugar sa Metro Manila noong nakaraang habagat at bagyo. Nasa 526.8 tons ng basura ang nakuha mula mismo sa mga pumping station, kabilang ang sirang ref, gulong, at mga puno.

Kapag ang plastik at basura ay nasisipsip papasok sa pump, umiikot ito sa makina, nagdudulot ng overheating, at sinisira nito ang mismong pump kaya bumabagal ang paglabas ng tubig.

At tandaan, ang ilan sa mgas drainage system natin ay mahigit 5 dekada na. Kapag luma na ang pumping stations at barado pa ng basura, hindi na nito kinakaya ang ang dagsa ng tubig tuwing malakas ang ulan.

Sa madaling salita, hindi lang ito simpleng baha. Ito ay epekto ng baradong pumping stations at lumang drainage system. Kung barado ang daluyan, saan pupunta ang tubig?

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Metro PH Infra Update posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share