13/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐
Magandang araw po.
Nais lang po naming magbigay-linaw tungkol sa aming donation drive. Ang ๐ผ๐ฃ๐๐๐ฉ ๐พ๐๐ข๐๐ค ay patuloy na nagsusumikap na maipamahagi ang tulong sa mga pamilyang tunay na nangangailangan, base sa maayos na alituntunin at sa mga donasyong aming natatanggap. Hangad po namin na mas marami pa ang matulungan, nang walang pinipili o pinapaboran.
Sa ngayon, ang mga donasyon ay inoorganisa at pinag-uuri muna sa aming opisina upang masigurong maibibigay nang maayos at tama sa mga apektadong pamilya.
Nais din po naming ipaalam na ang lahat ng donasyon ay direktang napupunta lamang sa mga pamilyang nangangailangan. Hindi po ito ginagamit sa ibang bagay. At hindi rin po namin ginagamit ang sitwasyon ng mga apektadong pamilya para mangalap pa ng pondo o donasyon.
Naiintindihan po namin kung may mga katanungan o alinlangan, lalo na sa pagpili ng mga benepisyaryo. Pero makakaasa po kayo na ginagawa namin ang lahat nang patas, maayos, at may malasakit.
Maraming salamat po sa inyong tiwala, suporta, at patuloy na pagtulong sa ating kapwa. ๐ค