29/09/2026
🚨 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗡𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡
Kagabi lamang ay nakaranas ng sunog ang ating mga kabarangay mula sa MH. Del Pilar. Umabot sa ikatlong alarma ang sunog, na nagresulta sa 5 totally damaged at 3 partially damaged na mga bahay.
Sa panahong ito ng pagsubok, anumang uri ng tulong—maging pagkain, damit, hygiene kits, o pinansyal na donasyon—ay malaking bagay upang matulungan silang makabangon at makapagsimulang muli.
Anumang tulong, gaano man kaliit, ay malaking pag-asa para sa ating mga kabarangay.
Para sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong, maari kayong makipagugnayan sa aming Tanggapan o mag direktang mensahe kay SK Chairperson George Pablo.
Sama-sama nating ipakita ang malasakit at bayanihan. 🤝
𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗞𝗔𝗕𝗔𝗧𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗧𝗘!