23/09/2026
Magandang araw po sa ating lahat!
Kami po ay lubos na nagpapasalamat pagkakataong maitalaga bilang bagong set ng mga opisyal ng SAPI. Ang aming buong pangkat ay handang maglingkod, makinig, at kumilos para sa kapakanan ng lahat ng mga Pilipino dito sa Vietnam.
Bilang inyong mga bagong opisyal, ipinapangako namin na aming gagampanan ang aming mga tungkulin nang may dedikasyon, integridad, at malasakit. Nais naming palakasin ang pagkakaisa ng ating komunidad, suportahan ang bawat isa, at magbigay ng mga programang makakatulong sa ating mga kababayan.
Ang SAPI ay hindi lamang organisasyon, kundi isang pamilya. Sa tulong ng bawat isa, mas mapapalawak natin ang ating mga adhikain at mas mapapalakas ang ating boses bilang mga Pilipino sa Vietnam.
Kami ay narito upang maglingkod. Ang inyong mga mungkahi, opinyon, at mga pangangailangan ay mahalaga sa amin. Sama-sama nating itaguyod ang pagkakaisa, paggalang, at malasakit sa ating komunidad.
"Serbisyong may puso, pagkakaisang may layunin, para sa bawat Pilipino sa Vietnam."
Inaasahan namin ang mas makabuluhan at matagumpay na samahan kasama kayong lahat.
Mabuhay ang SAPI! Mabuhay ang mga Pilipino sa Vietnam! 🇵🇭❤️🇻🇳
New Set of Officers at Your Service.
"Together, we serve. Together, we grow. Together, we succeed." ✨