ROYAL Blood-Mina International

ROYAL Blood-Mina International Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from ROYAL Blood-Mina International, Non-Governmental Organization (NGO), Waianae, HI.

09/27/2024

Arlene anak ito larawan mo ng kinoha ka ng papa mo sa akin hindi ko alam kong saan ka binigay hangang nyayon hindi ko alam kong nasaan kana matagal na kitang hinahanap anak kalakip nitong solat ko ang larawan mo at kapanganakan moat larawan ko ako ang mama mo ang dalawang koya mo nakita kona ikaw nalang ang hindi ko makita bali tatlo kayong anak ko arlene kong saan kaman naroron sana makita manlang kita anak ba go ako mawala sa mondong ito matanda na ako anak 72 na ako maiparamdam komanlang sa yo ang yakap ko at makilala ka at ang palilya mo at sa maka basa nito pakikalat lang para makita ko ang anak 50 years kong hinahanap siya salamat

From Violeta David

07/21/2024

hwag ipagkait ang pagshare, malaking tulong po ito sa naghahanap na pamilya 🙏

Ako si jovelyn Abeleda alyas baby, umaasa na sana matulungan ninyo akong mahanap ang aking pamilya, ang tangi ko lang naaalala ang mga pangalan nila dahil hindi ko alam ang apilyedo ko, at kung saan ako nakatira, dahil bata palang ako ng mawala ako ( year 1989 di ko sure); ang tangi ko lang naaalala ay ang mga pangalan o palayaw lang nila, ang papa ko ay si Boy, ang mama ko naman ay si rosa at pangalan ng mga kapated kong lalake ay sina Dennis, Eng eng, Arnel at j Joey, ang lolo ko ay si milis at ang lola ko ay si felising. Kung sino man ang nakakakilala sa kanila ipagbigay alam po sa akin, dahil hindi parin ako nawawalan ng pag asa na makita ko sila, please pm ninyo ako, salamat

ITO CONTACT NUMBER KO 09560827633

Ako si jovelyn alyas baby hindi ko alam kung ilang taon na ako, anu ang surname ko at kung saan ako nakatira, dahil maliit palang ako noong mawalay ako sa totoo kong pamilya. Kaya dahil doon marami akong katanungan sa aking buhay na hindi parin masagot sagot hanggang ngayon, dapat ko bang kalimutan nalang sila? dahil may sarili na akong pamilya, at dapat ba na patawarin ko sila o hindi dahil hindi nila ako hinanap? Yan ang mga tanong na hindi mawala wala sa isip ko.

Nawalay ako sa kanila noong isinama ako at si kuya arnel ko ng aming tita na nakatira sa maynila, doon narin nag umpisa ang hindi ko na makikita ang aking papa at apat kong kapated na lalake, dahil bunso ako sa magkakapated, ang aking nanay ay namatay dahil daw sa akin, dahil iyon ang laging sumbat ng lola ko sa akin, sa tuwing ito'y magagalit sa akin.
At nang makarating ang ako sa maynila, naging masaya naman ako sa unang araw ko sa piling ng aking tita, pero nang kami ay matutulog na ako ay nangungulila na sa kanila at hinahanap ko na ang aking papa, kaya nung maalimpungatan ako ng madaling araw, dahan dahan akong lumabas ng bahay at naglakad ng naglakad, at hindi ko na alam kung saang lugar na ako napunta, at naligaw na pala ako. At nalaman ko nalang na nasa las piñas na ako, dahil dinala ako ng isang matanda sa barangay aldana, dahil nakita ako ng matanda na iyak ng iyak, at tinatanong ako ng matanda kung sino ako at anung pangalan ko, dahil hindi ko maintindihan ang salita ng matanda, kaya hindi ako sumasagot, bugkos idinaan ko nalang sa iyak. Pagdating sa barangay, ganun din ang mga tanong sa akin, kaya hindi ko parin sila maintindihan, kaya ang ginawa ng taga barangay, isinakay ako sa sidecar at inikot ako sa buong Las piñas, dahil baka matandaan ko kung saan ako nakatira, pero bigo sila dahil hindi ko maituro ang bahay ng tita ko.
Pagbalik namin ng barangay ay may lumapit na mag asawa, at sinabi na sila muna ang kukopkop sa akin, dahil isa lang naman ang anak nila at babae rin, kaya sa kanila na ako tumira, dalawang taon din ako sa kanila at ang ginawa nung lalakeng kumupkop sa akin, ipinaubaya ako sa kapated niyang babae, at ang trabaho nun ay nagtitinda ng balot at pinoy sa gabi hanggang madaling araw, at sa umaga naman ay nagtitinda ng nirepak na bawang, paminta at iba pa, kahit umuulan ay kasama niya ako sa pagtitinda. Ang aking tinutulugan doon ay sa isang mesa na king saan nakapatung lahat ng plato at kaldero na may mga ipis, kaya pag gising ko puno ako ng kagat ng ipis lalo na sa kamay, Hanggang isang araw hindi ko na natiis ang kalagayan ko doon, kaya ako ay umalis sa kanila at naglakad ng naglakad.
Dahil napagod ako kakalakad umupo muna ako sa gilid ng kalsada, pero habang ako ay nakaupo sa kalsada, may lumapit sa aking isang ale at tinanong niya ako, kung saan ako nakatira at bakit ako nakaupo sa kalsada, sagot ko hindi ko alam. Kaya isinama niya ako sa bahay nila sa tabi ng reles, doon pinaliguan ako at binihisan at pinakain, pagkatapos kumain, dinala nila ako sa programa ni inday badiday upang manawagan ako sa aking pamilya, pero makalipas ang isang oras wala paring tumatawag na pamilya o kamag anak ko, upang kunin ako, kaya dinala nalang ako sa isang ampunan (LINGAP CENTER) sa may alabang.
Mula 1991 hanngang 1997 doon ako tumira at nagpabalik balik parin ako sa inday badiday, nagbabakasakali na mapanood ito ng aking pamilya at kamag anak, pero bigo ako💔
Ako ay inilipat ng ibang ampunan sa QC (CCM) year 1997 to 2007, doon ako nag aral, nagkaroon ako ng maraming kaibigan, at mga kaibigan mula sa ibang bansa.
Ngayon ako ay mayroon nang sariling pamilya, may limang anak
Pero kahit mayroon na akong sariling pamilya, umaasa parin ako, na muli ko silang makikita, upang masagot lahat ng aking mga tanong.
Sana noon pa nauso na ang social media upang mabilis ko silang makita.
Sa mga makakabasa ng aking kwento ay sana matulungan ninyo ako na mahanap ko sila. At umaasa ako na matulungan ako ng programang KMJS......

07/03/2024

Hwag ipagkait ang pagshare, malaking tulong po ito sa naghahanap na pamilya

Sa mga kaibigan at mg nakakilala Sa akin,baka may na ka pansinin sabatang ito, nawawala po sya mula noong June 27, until now ay di pa sya naka uwi at hinahanap pa din sya Ng mga magulang nya,paki usap pa share naman para mapabilis Ang pag hahanap Sa Bata.maraming salamat sana po Makita na po sya.

06/20/2024
03/23/2024

I am a Filipino, We are Filipinos, West Philippine Sea is OURS!

02/02/2024

Cheap Flights to Philippines - Book cheap tickets to Philippines destinations and cheap airfares to Philippines with ASAP Tickets and enjoy your savings on Philippines flights

Address

Waianae, HI
96792

Telephone

+18086685945

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ROYAL Blood-Mina International posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share