06/04/2025
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Mayor-elect Francisco "Isko Moreno" Domagoso matapos siyang makakuha ng overwhelming na panalo sa Maynila, sa kabila ng matinding hamon ng pagharap sa incumbent re-electionist.
Ayon kay Yorme, "Mahirap lumaban sa incumbent especially kung re-electionist. The resources of the city government can be utilized in their favor. But we were surprised with the overwhelming mandate given to us by the people."
Ipinakita ng resulta ng halalan ang matibay na paniniwala ng mga Manileño sa pagbabago at bagong pamumuno. Dagdag pa ni Domagoso, ang tagumpay na ito ay hindi lamang para sa kanya kundi para sa bawat Manileño na nanalig at tumaya sa bagong direksyon ng lungsod.
--IM Media