08/07/2026
Ito ang aming :
Nakipagtulungan ang Book Nook Project sa Philippine American Community Center of Michigan (PACCM) upang maitayo ang unang Book Nook sa Southfield, Michigan. Sa tulong ng mga kinatawan ng NBDB na sina Virgie Nicodemus at Carlo Ebeo, pinag-usapan ang pagpapalakad pati na rin ang mga oportunidad na maibibigay ng Book Nook kung saan maaaring mabasa ang mga aklat na Filipino.
Upang pagtibayin ang pagtutulungan at pagsulong ng kultura ng pagbabasa, nilibot rin ng NBDB ang pagtatayuan ng Book Nook site, nilagdaan ang Deed of Donation ng mga aklat, at nagsagawa ng munting oryentasyon para sa mga pamilyang kabilang sa Paaralang Pilipino ng PACCM.
Hindi hadlang ang distansya at layo sa Pilipinas upang maramdaman ang pagiging Filipino dala ng mga aklat na ito.
Samahan kami sa isang paglalakbay tungo sa pagiging BOOKod Tangi! Ang BOOKod Tangi: The Book Nook Project Online Assembly ay gaganapin sa 13-14, 20-21 ng Agusto 2026.
Kayo, ano ang inyong ?