06/14/2026
PAHAYAG PARA SA PUBLIKO MULA SA BUONG TEAM NG Aninomous Cabuyao ⚠️
Nais naming ipabatid sa publiko, lalo na sa mga hindi residente ng Cabuyao, Laguna, na madalas nagtatanong o nagsasabi ng, “Bakit parang napakaraming masasamang elemento sa Cabuyao?”
Nais naming linawin na hindi laganap ang kasamaan sa Cabuyao. Ang katotohanan ay dahil may mga taong nagbabantay, nagsusubaybay, at naglalantad ng mga gawaing labag sa batas upang maprotektahan ang ating komunidad at isa kami sa mga iyon.
Dahil sa mga impormasyong aming inilalabas, may ilan na nagkakaroon ng impresyon na tila sa Cabuyao lamang nangyayari ang mga ganitong insidente. Ngunit ang realidad ay mas marami pang krimen at paglabag sa batas sa iba't ibang lugar na hindi agad nabibigyang-pansin, hindi naiuulat, o hindi nabibigyan ng hustisya dahil sa kakulangan ng mga taong handang magsalita at kumilos o tumulong sa kanilang pamahalaan.
Sa kabila ng mga hamong ito, nananatiling maayos, maunlad, at magandang lugar ang Cabuyao. Sobrang laki ang naitutulong ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni MAYOR Dennis DENHA Hain upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod.
Kami ay anino lamang na sumusuporta sa pamahalaan sa abot ng aming makakaya!
Kung mapapansin ninyo na maraming ulat tungkol sa mga kriminal o masasamang elemento sa aming pahina, ito ay dahil iyon ang aming layunin ang bantayan, ilantad, at makatulong na maprotektahan ang bayan at ang mamamayan laban sa mga taong may masamang intensyon sa bayan at taong bayan.
Kami ay kakampi ng batas, kakampi ng bayan, at kakampi ng mamamayan.
Kung tutuusin, mas marami pa kaming natatanggap na ulat mula sa iba't ibang lugar. Gayunpaman, hindi namin agad mabibigyan ng sapat na pansin ang lahat ng ito dahil sa dami ng mga impormasyong aming natatanggap araw-araw.
Patuloy kaming magsisilbing mata, tainga, at boses ng mga mamamayang nais makita ang isang ligtas, maayos, at mapayapang komunidad.
Maraming salamat sa inyong tiwala at suporta. ☝️♥️