Health Information Hub by MSF Taiwan / 無國界醫生台灣

  • Home
  • Taiwan
  • Taipei
  • Health Information Hub by MSF Taiwan / 無國界醫生台灣

Health Information Hub by MSF Taiwan / 無國界醫生台灣 Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Health Information Hub by MSF Taiwan / 無國界醫生台灣, Non-Governmental Organization (NGO), 7F. , No. 35, Section 3, Minquan E Road, Zhongshan District, Taipei.

Ang grupong Médecins Sans Frontières (MSF) / 無國界醫生 Taiwan ang namamahala sa page na ito at naglalayong magbigay ng impormasyong pangkalusugan na may kaugnayan sa mga sitwasyong pang-emergency para sa mga migranteng Pilipino na manggagawa sa Taiwan Ang Médecins Sans Frontières (MSF) 無國界醫生, o Doctors Without Borders, ay nagbibigay ng serbisyong medikal sa halos 70 bansa kung saan limitado ang access

sa pangangalagang pangkalusugan. Ang pahinang ito ay partikular na ginawa para sa mga migranteng manggagawa sa Taiwan upang magbahagi ng napapanahong impormasyon tungkol sa kalusugan at mga emergency.

02/07/2026

Sa 5 facts tungkol sa sexually transmitted infections, alin na ang alam mo? 🤔

Mahalagang usapin ang sexually transmitted infections (STIs), pero hindi ito napag-uusapan nang bukas.
Sa totoo lang, marami pa ang hindi alam ng lahat, tulad ng mga STI na nagagamot, at yung iba ay puwedeng kontrolin at i-manage!
Sa post/video na ito, ibabahagi namin ang 5 mahahalagang impormasyon tungkol sa STIs.
Gusto mo pa bang matuto o merong mga tanong? Sumali na sa ating talakayan na bukas para sa lahat!
Sasamahan tayo ni Dra. Ann Guevara (OB-GYN Specialist) at isasagawa sa Wikang Filipino 🌷

📍 Taoyuan (5 minuto galing Taoyuan station) — July 12, 2026
📍 Taichung (Tanzi Catholic Church) — July 26, 2026
⏰ 1:30 PM – 03:30 PM

📩 Kung Interesado kayong sumali sa ating mga activities, mag-comment lang o magpadala ng message sa amin via Messenger!
At kung gusto mo pa ng ganitong health content:
👉 sumali sa aming community group dito:
https://www.facebook.com/groups/healthinformationhubcommunitymsftaiwan/

21/06/2026

Hello mga kabayan! 👋
Papalapit na ang ating Sexual Health Education Session, at may espesyal na mensahe para sa inyo ang ating speaker sa video na ito 🎥
Ang session na ito ay isang safe space kung saan puwedeng matuto, magtanong, at mag-usap nang bukas tungkol sa sexual health, mga relasyon, at proteksyon, lalo na para sa mga andito at nagtatrabaho sa Taiwan. Kung ika'y nag-aalangan at di alam kung saan magtanong o kung sino ang mapagkakatiwalaan, para sa’yo ang session na ito.

Gagawin ang talakayan kasama si Dra. Ann Guevarra (OB-GYN Specialist) sa Wikang Filipino, para mas komportable kang makasali at makibahagi.
📍 Taoyuan (5 minuto galing Taoyuan station) — July 12, 2026
📍 Taichung (Tanzi Catholic Church) — July 26, 2026
⏰ 1:30 PM – 03:30 PM
Huwag palampasin ang pagkakataong makasama!
👉 Makikita ang event details sa aming previous post
i-message kami para makasali!!
Kita-kits tayo doon! 🙌

14/06/2026

Nagiging mapanganib ang kanser kapag ito'y huli na, pero ang maagang pagpapasuri ay makakaligtas ng buhay 🎗️
Maraming uri ng kanser na may kaugnayan sa sexual at reproductive health ang maaaring lumala nang walang malinaw na sintomas.

Para sa ating mga dayuhang dito sa Taiwan, mahalagang malaman kung ano ang mga dapat bantayan, mga screening o test na puwedeng gawin, at kung saan maaaring magpatingin dito sa Taiwan. Lahat ng ito ay mga mahalagang hakbang para maprotektahan ang sarili—hindi lang para sa ngayon, pati na din sa kinabukasan.

Ang video na ito ay isang paalala sa atin. Ang kaalaman sa kanser ay para sa lahat, at mayroon tayong access sa screening dito sa Taiwan, kailangan lang malaman kung paano ito makukuha.

✨ Matuto, maging informed! Para sa dagdag na impormasyong pangkalusugan, 👉 I-follow kami para sa mga susunod na health talks, activities, at impormasyon sa Wikang Filipino! (Tagalog, atbp.) https://www.facebook.com/groups/healthinformationhubcommunitymsftaiwan/

PAANO MAGKAROON NG HEALTHY SEXUAL RELATIONSHIP ❤️May mga tanong ka ba tungkol sa relasyon, sexual health, o kung paano p...
07/06/2026

PAANO MAGKAROON NG HEALTHY SEXUAL RELATIONSHIP ❤️
May mga tanong ka ba tungkol sa relasyon, sexual health, o kung paano protektahan ang sarili?

Sumali sa ating talakayan!
Inaaanyayahan kayo ng MSF Taiwan sa isang LIBRENG Sexual Health Session kasama si Dra. Ann Guevara (OB-GYN Specialist) sa Wikang Filipino.
📍 Taoyuan— July 12, 2026
📍 Taichung— July 26, 2026
⏰ 13:30 – 15:00

Pag-uusapan natin ang:
-Paano bumuo ng isang malusog at ligtas na sexual relationship
-Pag-iwas sa sexually transmitted infections (STIs), kasama ang HIV

✨ i-tap ang "Message" para mag-register at ma-confirm ang iyong attendance.

Mayroon ka bang mga tanong sa kalusugan pero di alam kung kanino magtatanong?🤔Marami sa atin ang may mga katanungan tung...
31/05/2026

Mayroon ka bang mga tanong sa kalusugan pero di alam kung kanino magtatanong?🤔

Marami sa atin ang may mga katanungan tungkol sa ating katawan at kalusugan—pero hindi laging may malinaw na sagot.
Madalas itong mangyari sa Sexual and Reproductive Health (SRH), isang paksa na hindi napag-uusapan nang bukas.

Ngayong taon, nakatuon ang MSF sa SRH.
Mahalagang bahagi ito ng buhay, ngunit marami pa rin ang kulang sa impormasyon at serbisyong pangkalusugan.
Kaya nais naming buksan ang usaping ito dito at ibahagi kung bakit mahalaga ang SRH para sa lahat, saan man sa mundo.

👉 I-follow kami para sa mga susunod na health talks, activities, at impormasyon sa Wikang Filipino! (Tagalog, atbp.) https://www.facebook.com/share/g/18o7nqiAWc/

15/01/2026

Manatiling malusog ngayong winter.
Sumali sa aming grupo para sa mga simpleng tips sa pag-aalaga sa sarili at suporta. 💙

Send a message to learn more

Address

7F. , No. 35, Section 3, Minquan E Road, Zhongshan District
Taipei
10476

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Health Information Hub by MSF Taiwan / 無國界醫生台灣 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Health Information Hub by MSF Taiwan / 無國界醫生台灣:

Shortcuts

Share