Guardians Brotherhood Incorporated

Guardians Brotherhood Incorporated TGBI-TO Turkey Regional Chapter
The GUARDIANS BROTHERHOOD INCORPORATED- THE ORIGINAL

22/12/2024

FOR YOUR INFORMATION!!!

RE-POST!!!

December 22, 2024

TO; ALL OFFICERS AND MEMBERS, TGBI-TO

SUBJECT; CLARIFICATION

FROM: UPMF CARLOMAGNO

Ang actual na marking ko ay 1-13-2. Noong tinatatakan ako ni Abraham ang gusto niya sa akin ay No-2 dahil sabi niya sa akin ay ang tatak na 1 sa balikat ko ay siya at ang 2 ay ako. Dapat ang number ko ay 1-2 pero dahil may number 2 na at kumpleto na rin ang 1 to 12 kaya ginawa na lang akong -13 pero gusto pa rin niya akong gawing number 2 kaya doon na niya idinugtong sa 13 making it 1-13-2 Wala pa kaming By-Laws noon kaya nag-iisip pa si Abraham ng mga susunod na hakbang. Ang original na plano ay lahat na members ay may Serial Number, pero hindi na ito natuloy dahil nang, nag-recruit na ako na isinunod sa Serial Number dumami na kami. Ang first recruits ko na 12 ang Serail Numbers nila ay 1-13-2-1, 1-13-2-2, hanggang 12. Ang rules sana ang bawat isa sa 1-1 to 1-13 ay mag rerecruit ng isang squad (1-12) at isusunod ang Serial Number ng Recruiting Squad Leader pero naisip naming na hindi na kakasya sa balikat ng mga susunod na recruit kaya inihinto na namin ang paglalagay ng Serial Number sa tatak. sa balikat Gusto pa ni Abraham noon ang lahat sa MP Brigade, AFP noon ay lahat number 1-13 ang tatak starting from me. Si MIGHTOR ay technically recruit ko dahil ako nga ang nagkumbinsi sa kanya na sumapi sa DSCB bilang ako ang unang naging member nito na taga-Military Police Brigade, AFP. Pero hindi ko siya isinama sa mga pinatatakan ko sa squad ko for courtesy reason dahil mas ranking siya sa akin noon. SSGT siya noon at ako ay SGT lang although due for promotion na ako to SSGT. Ang tatak niya ay 1-13 din at natatakan siya few days after me. Ang plano ni Abraham ay ang tatak ni Mightor ay magiging 1-13-3 bilang number 3 as far as Military Police Brigade, AFP was concerned at ang mga magiging recruit niya sa kanyang squad ay dapat 1-13-3-1 to 1-13-3-12. Hindi ko na namalayan kung natatakan at na-corrected ba ang marking ni Mightor dahil nga sa inihinto na namin ang Serial Number sa mga markings at isa pa, si Abraham at si Mightor ay bihira nang magkita matapos itong matatakan para sana ma-correct ang mistake ni Abraham. Besides, si Mightor noon ay passive member lang at hindi sumasama sa mga activities ng DSCB. During the transformation of DSCB into TGBI in 1984, hindi ko na na-asikaso kung namarkahan ba ng GUARDIANS sa left shoulder si Mightor, kahit ako ang Secretary General, ng TGBI noon, dahil naging busy kami ni Abraham sa pag-iikot namin sa mga military camps para asikasuhin ang transformation.

Noong huli kaming mag-usap ni BFG Abraham after our 35th Founding Anniversary sa Dumaguete, he brushed aside the topic about the history of Serial Number in DSCB-80 markings dahil baka raw mag-dulot lang ng confusion sa mga makikitid ang utak, Sabi pa niya, hindi nila ito maiintindihan, especially kung first time nilang Narinig ito. Kaya ang payo niya huwag na itong pag-usapan pa ang mga bagay similar to the marking of MIGHTOR dahil unimportant and insignificant naman ito. In fairness to CNF MIGHTOR,(Kumpare ko siya) bagamat wala siyang sariling GUARDIANS group, pero kinuha ko siya at isinama ko sa TGBI-TO. I promoted him to NF and since he was with me when we founded the GUARDIANS, I promoted him to CNF along with other Incorporators. Right now, pag niyayaya ko siyang mag-attend ng Anniversary natin, palaging titingnan daw niya. Anyway, he is still a CNF with TGBI-TO, although not so active........ Candidly, inamin naman ni BFG ABRAHAM na marami siyang blunders na kanyang nagawa from DIABLO SQUAD-76, to DSCB-80, to TGBI (1984) Sa DS 76, ay napabayaan niya ang mga 11 members nito na after 1976 nawala na sila kaya niya itinatag ang DSCB-80 dahil nagkahiwa-hiwalay na ang DS-76. Sa DSCB-80, may problema sa marking. Una, ang plano, lahat ay may serial numbers sa markings pero hindi niya na-anticipate na kung dadami kami hindi na Kakasya sa balikat ang mga numbers. Moreover, ang FIRST SQUAD ng DSCB-80 ay 15 kami lahat dahil 3 ang minarkahan ni Abraham ng 1-1. Kung sino man ang nakakita ng original na line-up ng DIABLO SQUAD CRIME BUSTER -80, ay heto ang mga sumusunod:

80-1-1- MSgt Liberato “ERMITANIO” JANGAO PC,
80-1-1 TSGT Eustaquio “ACHILLES” Fuentes PC
80-1-1 SSGT Cupertino “DIMASALANG” Bastasa PC
80-1-2 C1C Roberto “ORO” Valconcha PC
80-1-3 C1C Philip “SALVADOR” Bahian PC
80 -1-4 C1C Orlando “VALIENTE” Villabito PC
80- 1-5 C1C Ernesto “SERVANDO” Bellesas PC
80- 1-6 C1C Ernesto “STA CRUZ” Metillo PC
80- 1-7 C1C Yolando “MERCURIO” Borderos PC
80- 1-8 C1C Carlito “ARIES” Calica PC
80- 1-9 C1C William “MALINCHE” Pueblas PC
80- 1-10 C1C Philip “CORONADO” Isla PC
80 – 1-11- P/CPL Alberto “PHANTOM” Tinoy INP
80- 1-12 MSGT Neptali “NAPOLEON” Real PA
80- 1-13 PO2 (SSGT) Elpidio “CARLOMAGNO” Seletaria Jr. PN

In totality, 15 kami lahat pero dahil 3 ang 80-1-1 kaya ang huling number ay 13 kahit 15 kami lahat.

Also, isa pang mali ay ang marking ni Capt Anastacio “PATTON” Labitad PA na SGC or Supreme Godfather Consultant. Walang Consultant sa chain of command, pero iyon ang nakatatak sa kamay ni PATTON dahil konti pa lang kami at siya ang most ranking, ginawa namin siyang Consultant. Ganoon din, ang By-Laws ng DSCB ay nagawa at ratified lang namin noong 1982.

Sa TGBI, ang blunder ni BFG Abraham ay ang hindi niya isinali ang pangalan niya sa 15 na Incorporators, sa halip ipinalit niya ang good friend niya noon na si Lapu2, kaya as a result ginawang kapital ng mga Abraham Haters na hindi raw si Abrahan ang nagtatag ng GUARDIANS dahil hindi siya Incorporator. Pero thru proper information drive sa mga nakakaalam, gaya ni UPMF CARLOMAGNO, ay I believe gradually, maliliwanagan ang lahat, lalo na ngayon na wala na si BFG ABRAHAM, si UPMF CARLOMAGNO na lang ang pwedeng magbigay ng totoong kaganapan tungkol sa kasaysayan ng GUARDIANS at ang transformation nito from its predecessor na DSCB-80 at DS-76. So just bear with me, dahil puro factual ang ibabahagi ko sainyo para ma-correct ang mga maling paniniwala ng iba. Ang payo ko sa lahat, mag-focus na lang tayo sa tamang landas ng GUARDIANS at huwag ma-confuse sa mga nakakalitong salaysay ng iba na walang personal na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng GUARDIANS. Huwag na rin nating pag-aksayahan pa ng Panahon ang tungkol sa Serial Number sa marking ng mga DSCB-80 na kahit si BFG Abraham ay ayaw nang gawing topic pa dahil ito raw ay unimportant. Kahit si BFG Abraham admitted he had learned from his mistakes. Let us also learn from our mistakes and not linger from insignificant matters. Let’s move forward through our optimistic and bright path for our own good. Kung mayroon kayong mga \katanungan, do not hesitate to contact me. MABUHAY TAYONG LAHAT, MABUHAY ANG TGBI-TO…!!!.
-###---###---###---

Address

Istanbul
34410

Opening Hours

Monday 09:00 - 20:00
Tuesday 09:00 - 20:00
Wednesday 09:00 - 20:00
Thursday 09:00 - 20:00
Friday 09:00 - 20:00
Saturday 09:00 - 20:00
Sunday 09:00 - 20:00

Telephone

+6738629419

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Guardians Brotherhood Incorporated posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Guardians Brotherhood Incorporated:

Share

NOW IT CAN BE TOLD

THE ORIGINAL OFFICE OF THE NATIONAL CHAIRMAN

1024 Lavender Place, Hercules, California 94547 USA

NOW IT CAN BE TOLD: HISTORY OF THE GUARDIANS BROTHERHOOD, INC.

(Personal and Factual Accounts with Annotations)