DSWD Special Committee on Lgbtqia+ Affairs

DSWD Special Committee on Lgbtqia+ Affairs This is the official page of the DSWD Special Committee on LGBTQIA+ Affairs, Diversity and Inclusion Committee

Para kay Gel, kay Dang, at sa lahat ng miyembro ng LGBTQIA+ komunidad na patuloy na lumalaban sa araw-araw — hindi lagin...
04/06/2026

Para kay Gel, kay Dang, at sa lahat ng miyembro ng LGBTQIA+ komunidad na patuloy na lumalaban sa araw-araw — hindi laging parada at kulay ang Pride.
Minsan, ito ay simpleng lakas na magpatuloy.








This Pride Month, President Ferdinand R. Marcos Jr. joins the LGBTQIA+ community in celebrating the enduring spirit, cou...
03/06/2026

This Pride Month, President Ferdinand R. Marcos Jr. joins the LGBTQIA+ community in celebrating the enduring spirit, courage, and contributions of LGBTQIA+ Filipinos.

As we celebrate Pride Month, let us continue to foster a culture of compassion, dignity, and understanding—where every individual is valued, respected, and empowered to live authentically.

Together, let us move forward with courage and unity toward a more inclusive Bagong Pilipinas. 🌈✨

President Ferdinand R. Marcos Jr. joins the LGBTQIA+ Community in celebrating Pride Month and honors the courage of those who refused to be excluded or denied their rightful place in society.

In his message, PBBM reaffirms equal protection, equal opportunity, and equal respect under the law as the nation moves forward together with compassion, respect, and courage toward a Bagong Pilipinas.

PANATA PARA SA ISANG INKLUSIBONG DSWD COMMUNITY“Proud at Inklusibo sa Serbisyong Pampubliko”Kami, bilang mga lingkod-bay...
02/06/2026

PANATA PARA SA ISANG INKLUSIBONG DSWD COMMUNITY

“Proud at Inklusibo sa Serbisyong Pampubliko”
Kami, bilang mga lingkod-bayan, katuwang, at kasapi ng DSWD Community, ay nagkakaisang itaguyod ang dignidad, pagkakapantay-pantay, at paggalang sa bawat isa anuman ang kasarian, identidad, ekspresyon, at sekswal na oryentasyon.
Sa pangunguna ng DSWD SC LGBTQIA+ Affairs Office sa ilalim ng Executive Order No. 51, ipinapahayag namin ang aming pangako na:
• Kilalanin at pahalagahan ang pagkakaiba-iba bilang lakas ng aming komunidad;
• Isulong ang ligtas, inklusibo, at walang diskriminasyong lugar ng trabaho para sa lahat;
• Suportahan ang pantay na oportunidad sa paglago, serbisyo, at pakikilahok sa pampublikong sektor;
• Itaguyod ang kultura ng respeto, malasakit, at pagtanggap sa bawat indibidwal; at
• Maging katuwang sa pagbuo ng lipunang may malasakit, pagkakapantay-pantay, at tunay na inklusyon.

Sama-sama nating pagtibayin ang isang DSWD na may pagmamalaki sa pagkakaiba-iba at pagkakaisa sa paglilingkod.

Dahil sa DSWD, bawat identidad ay kinikilala, bawat tinig ay naririnig, at bawat isa ay mahalaga.



🌈 Happy Pride Month! 🌈This June, we celebrate the strength, courage, diversity, and contributions of the LGBTQIA+ commun...
02/06/2026

🌈 Happy Pride Month! 🌈

This June, we celebrate the strength, courage, diversity, and contributions of the LGBTQIA+ community. Pride Month is a time to honor the journey toward equality, recognize the progress made, and continue advocating for a society where everyone can live authentically, safely, and with dignity.

Let us stand together in promoting respect, acceptance, and inclusion for all—regardless of s*xual orientation, gender identity, gender expression, or s*x characteristics. By embracing our differences, we create stronger communities built on understanding, compassion, and equal opportunities.

As we celebrate Pride Month 2026, let us reaffirm our commitment to fostering safe spaces where every individual is valued, heard, and empowered to be their true selves.

🏳️‍🌈 Pride is more than a celebration—it is a reminder that diversity makes us stronger, and inclusion makes us better.










🌈❤️🧡💛💚💙💜

02/06/2026

𝗧𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗽 𝗞𝗮, 𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗞𝗮: 𝗔𝗻𝗴𝗲𝗹𝘀 𝗶𝗻 𝗥𝗲𝗱 𝗩𝗲𝘀𝘁𝘀, 𝗞𝗮𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗴𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗠𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮𝗻

Nakikiisa ang Angels in Red Vests ng DSWD Field Office VIII sa taunang pagdiriwang ng Pride Month ngayong Hunyo, bilang pagkilala at pagsulong ng pantay-pantay na karapatan para sa bawat mamamayan, anuman ang kanilang kasarian, seksuwal na oryentasyon, at pagkakakilanlan.

Sa temang, "PRIDE MONTH 2026: Makatao, Makatarungan at Inklusibo: DSWD Para sa Lahat", patuloy na isasakatuparan ng ahensya ang mandato nito na pangalagaan, kilalanin, at itaguyod ang kapakanan ng bawat indibiduwal, pamilya, at komunidad. Kaisa ito sa pagtataguyod ng isang lipunang malaya, inklusibo, at mapagmahal, kung saan ang bawat isa ay may pagkakataong mamuhay nang may dignidad.

Bukas ang mga tanggapan ng DSWD sa buong Eastern Visayas sa paghahatid ng serbisyong panlipunan na walang itinatanging pagkakakilanlan. Naninindigan ang ahensya laban sa anumang anyo ng diskriminasyon at patuloy na nagsusulong ng pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan para sa lahat.


02/06/2026

Bawat Kulay, Bawat Buhay, Pantay na Paglingkuran

Ngayong Pride Month, ipinagdiriwang ng DSWD kasama ang ating mga Angels in Red Vests ang kagandahan ng pagkakaiba-iba at ang lakas na nagmumula sa pagkakapantay-pantay. Naninindigan tayo para sa isang lipunang kumikilala at gumagalang sa bawat identidad, sapagkat naniniwala tayo na ang tunay na serbisyo publiko ay nakaugat sa malasakit, dignidad, at inklusibong pagkalinga para sa lahat.

Bilang mga Angels in Red Vests, patuloy nating isinusulong ang serbisyong walang kinikilingan at may bukas na puso para sa bawat Pilipino. Sa bawat pag-abot ng tulong at paglingap, ipinapakita natin na ang bawat buhay at bawat kulay ay mahalaga. Ngayong Pride Month, sama-sama nating ipagdiwang ang tapang na maging totoo sa sarili at ang pagkakaisang bumubuo ng mas makatarungan, mas mahabagin, at mas inklusibong lipunan para sa lahat.


❤️

01/06/2026
01/06/2026
01/06/2026

ที่อยู่

Bangkok

เว็บไซต์

แจ้งเตือน

รับทราบข่าวสารและโปรโมชั่นของ DSWD Special Committee on Lgbtqia+ Affairsผ่านทางอีเมล์ของคุณ เราจะเก็บข้อมูลของคุณเป็นความลับ คุณสามารถกดยกเลิกการติดตามได้ตลอดเวลา

แชร์