Migrante Thailand

Migrante Thailand ข้อมูลการติดต่อ, แผนที่และเส้นทาง,แบบฟอร์มการติดต่อ,เวลาเปิดและปิด, การบริการ,การให้คะแนนความพอใจในการบริการ,รูปภาพทั้งหมด,วิดีโอทั้งหมดและข่าวสารจาก Migrante Thailand, บริการชุมชน, Bangkok.

Ang Migrante Thailand ay isang Pinoy online community platform upang itaguyod ang isang makamasa, malaya, kritikal at responsableng pamamahayag at paglingkuran ang interes at mithiin ng migranteng manggagawa at pamilya.

Ang Migrante Thailand ay sumusuporta sa panawagan para sa pagpapalaya kay Mary Jane Veloso.Sa gitna ng kahirapan at desp...
08/05/2026

Ang Migrante Thailand ay sumusuporta sa panawagan para sa pagpapalaya kay Mary Jane Veloso.

Sa gitna ng kahirapan at desperasyon, maraming Pilipino ang napipilitang mangibang-bansa upang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanilang pamilya. Isa si Mary Jane Veloso sa milyon-milyong OFW na nangarap lamang ng desenteng trabaho at maayos na buhay para sa kanyang mga anak.
Ngunit sa halip na oportunidad, siya ay naharap sa trahedya at pagkabilanggo dahil sa panlilinlang ng mga taong nagsamantala at nanloko.

Hanggang ngayon, nananatiling simbolo si Mary Jane ng mga migranteng manggagawang biktima ng human trafficking.
Naniniwala tayo na walang kasalanan si Mary Jane dahil biktima siya ng kahirapan at kawalan ng trabaho sa ating bansa, kaya nararapat siyang bigyan ng clemency at tuluyan ng palayain.

Nawa’y manaig ang makataong pagtingin. Bigyan si Mary Jane ng pagkakataong makabalik sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga anak na matagal nang naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Ang laban para sa kalayaan ni Mary Jane ay laban din para sa dignidad, karapatan, at proteksyon ng bawat OFW.





!

06/05/2026
05/05/2026

News Release!!

Migrante Thailand Successfully Holds Founding Congress in Phuket

Phuket, Thailand - Filipino migrant workers marked a historic milestone with the successful holding of the founding congress of Migrante Thailand last May 3, 2026 in Phuket. The event gathered 35 delegates representing six progressive organizations, signalling a strengthened and unified front in advancing the rights and welfare of Filipino migrants in Thailand.

The congress stands as a significant achievement in the continuing struggle and persistent calls of Filipino migrants and their families for "TRABAHO SA PINAS, HINDI SA LABAS!", SAHOD ITAAS, PRESYO IBABA!, LEP, IBASURA!, SERBISYO, HINDI NEGOSYO!, PROTEKSYON, HINDI KOLEKSYON!, among others.

In a video message, Ms. Josie Pingkihan of Migrante International provided a comprehensive overview of the global situation of Filipino migrants and emphasized the urgent challenges ahead. Meanwhile, Ms. Dolores Balladares Pelaez, Convenor of Migrante Asia Pacific, conveyed her solidarity message affirming regional support for the formation of Migrante Thailand.

Mr. Nick Sarmiento, Himigrante TH presented an in-depth report on the situation of Filipino migrants in Thailand and delegates engaged in meaningful discussion on the migrants' current issues.

A key highlight of the Congress was the discussion and approval of the Constitution and by-laws and the General Plan of Action, laying the foundation for its operations and advocacy. This was followed by the election of the first set of officers of Migrante Thailand, with Ms. Lora Sian elected as Chairperson.

The successful founding Congress marks the beginning of a more organized and collective effort among Filipino migrants in Thailand to assert their rights, promote their welfare and contribute to the broader global movement for Filipino migrants concerns and issues.

01/05/2026
01/05/2026
01/05/2026
01/05/2026

Sahod Trabaho at Karapatan! IPAGLABAN!

30/04/2026

1

27/04/2026

Katarungan para sa mga biktima ng Toboso masaker!

Mariing kinukondena ng BAYAN THAILAND ang pasismo ng berdugong 79th Infantry Battalion ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Toboso, Negros Occidental noong Abril 19, na nagresulta sa masaker ng 19 na indibidwal at pagpapalayas sa 653 mamayan ng Toboso. Ito ay malinaw na paglabag sa karapatang pantao at International Humanitarian Law (IHL), na paulit ulit na nilalapastangan ng berdugong AFP.

Kabilang sa mga pinaslang sina Alyssa Alano, RJ Nichole Ledesma, Errol Wendel, Maureen Santuyo, at Lyle Prijoles, na mga lider estudyante, journalist, cultural workers at researchers, na nakikipamuhay at naglilingkod sa mga komunidad ng mahihirap na magsasaka ng Negros Occidental. Nagpupugay kami sa kanilang buhay na inalay para maglingkod sa mahihirap at aping masa ng Negros. Nakikiramay kami sa kanilang mga pamilya, kaibigan at kasamang naulila.

Ang dalawang probinsya ng Negros ay kabilang sa pinakamahihirap na probinsya sa Pilipinas, at maraming mga mahihirap na sakada at magsasaka na nagmula dito ang nagiging migranteng manggagawa sa Thailand at iba pang bayan para buhayin ang kanilang mga pamilya. Kaya’t hindi nakapagtataka na maraming mga kabataan at mga iskolar ng bayan ang naglalaan ng kanilang panahon at husay, pati ang kanilang buhay, para paglingkuran ang masang api at mahirap sa kabukiran at kabundukan ng Negros.

Patuloy na pinapahirapan at inaapi ang mamamayang Pilipino sa ilalim ng papet, pasista, at mandarambong na rehimen ni Marcos Jr., kasama ang berdugong AFP, pati ang red-tagger na NTF-ELCAC. Hangga’t hindi nasosolusyunan ang ugat ng paghihirap at pang-aapi sa masang Pilipino, hindi matitigil ang pag-usbong ng mga tulad nina Alyssa Alano, RJ Nichole Ledesma, Errol Wendel, Maureen Santuyo at Lyle Prijoles—na patuloy na maglilingkod at titindig kasama ng mga masang Pilipinong lumalaban para sa tunay na demokrasya at kalayaan.

Katarungan para sa mga biktima ng Toboso masaker!
Panagutin ang berdugong militar at rehimeng Marcos Jr.!
Militar sa kanayunan, palayasin!
Buwagin ang NTF ELCAC!
Defend Negros!
Makibaka, huwag matakot!

ที่อยู่

Bangkok

เวลาทำการ

จันทร์ 09:00 - 17:00
อังคาร 09:00 - 17:00
พุธ 09:00 - 17:00
พฤหัสบดี 09:00 - 17:00
ศุกร์ 09:00 - 17:00

เว็บไซต์

แจ้งเตือน

รับทราบข่าวสารและโปรโมชั่นของ Migrante Thailandผ่านทางอีเมล์ของคุณ เราจะเก็บข้อมูลของคุณเป็นความลับ คุณสามารถกดยกเลิกการติดตามได้ตลอดเวลา

ติดต่อ องค์กรนั้น

ส่งข้อความของคุณถึง Migrante Thailand:

แชร์